Ω Kabanata XXXIV Ω Ang Kapahamakan kay Lira

2.5K 88 17
                                    

Ω Kabanata XXXIV Ω
Ang Kapahamakan kay
Lira
Ω


                Maaga pa lamang ay nagpunta na si Hagorn sa lumang Etheria napanaginipan niya ang Bathalumang Ether siya ay pinatatawag nito.

          "Bathalumang Ether nandito na ako.... Nandito na ang tapat nyong lingkod....." Pagtawag ni Hagorn sa Bathaluman ng Etheria. Ilang sandali isang malaking ahas ang lumitaw sa kanyang harapan agad na yumuko si Hagorn sa Bathaluman.

           "Hagorn..... Mabuti at narito ka na at nagsama ka ng mga alagad mo." Sabi ni Ether.
            "Dahil nararamdaman ko na may ipag-uutos kayong mahalaga sa akin." Sabi ni Hagorn.
            "Siyang tunay.......dahil ipadadala kita sa kinaroroonan ng anak nila Amihan at Ybrahim dapat mo na siyang mapaslang sila ni Danaya di na dapat sila makabalik ng Encantadia at lalong di na sila dapat makapunta ng Devas!" Pag-uutos ni Ether kay Hagorn. Tumango naman ang hari ng mga hathor at saka tumayo.

             "Kung ganoon ay paparoon na kami." Sambit ni Hagorn ng isang sisakyang panghimpapawid ang lumitaw sa tabi ni Ether.
           "Ito ang gamitin niyo Hagorn.... Gamit ang aking kapangyarihan ay madadala kayo agad niyan sa kinaroroonan ni Lira." Sambit nito. Nakangising tumango naman si Hagorn.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           Naalimpungatan si Lira ng makaramdam siya ng gutom. Luminga linga siya ar nakitang nahihimbing pa si Muyak at Ashti Danaya niya. Napangiti siya ng makita na kakain si Wahid ng tinapay. Marahan siyang lumapit dito.

         "Wahid...." Tawag niya dito. Napatingin ito sa kanya.
        "Maaari bang makahingi ng tinapay?" Sabi niya.
        "Ng paneya?" Tanong nito. Nakangiting tumango naman siya. Tumayo naman si Wahid.
        "Sige bibigyan kita basta bibigyan mo ako ng isang halik." Nakangiting sabi nito.

         "Ano?! Ayoko!.... Ang pervert mo talaga!" Inis na sabi niya.
          "Oh sige wag ka na ring humingi ng paneya." Sabi nito at kumagat ulit ng paneya. Napatingin naman si Lira sa pagkagat ni Wahid sa paneya at di niya maiwasan na mapalunok lalo na at kumakalam na ang kanyang sikmura. Kaya labag man sa kanyang loob.......

           "Sige na nga pero isang halik lang hah." Sabi niya. Tumango naman si Wahid at saka inuumang sa kanya ang labi nito. Napa-antada naman si Lira.

          "Dyusko Lord para sa pagkain gabayan niyo ako!" Sabi niya saka siya pumikit at dahan dahan ay inilapit ang labi kay Wahid ng bigla silang maalog at ang kanyang halik ay napunta sa paneya.
          Gulat na nagkatinginan sila ni Wahid dahil sa nangyari.

            "Lira! Wahid! Mga vedalje!" Sigaw ng nagising na si Danaya sabay turo sa kabilang sisakyang panghimpapawid.
      
           "Avisala..... " nakangising sabi ni Hagorn.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

            Kanina pa napapansin ni Pirena na hindi niya nakikita ang kanyang ama. Kaya naman ng kanyang makita si Agane ay tinanong niya ito.
            "Agane.... Nasaan ang aking ama." Tanong niya dito.
            "Siya ay pinatawag ng Bathalumang Ether sa lumang Etheria." Sagot naman ni Agane. Napakunot ang noo ni Pirena sa sinambit ni Agane.

          "Bathalumang Ether..... Tunay pala siya...." Sambit niya matagal na niyang naririnig ang ukol sa bathaluman pero wala naman nakapagsasabi kung ito ay tunay marahil dahil ang mga hathor ang sumasamba dito.

          "Kung wala ka nang katanungan Reyna Pirena.... Mauuna na ako." Sabi ni Agane saka ito umalis sa harapan niya. Lumapit naman sa kanya ang kanyang tapat na dama at kawal niya.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now