Ӝ Kabanata LXXXIX Ӝ Si Amihan, Ng Kaharian ng Lireo

1.8K 54 13
                                    

Ӝ Kabanata LXXXIX Ӝ
Si Amihan,
Ng Kaharian ng
Lireo

Ӝ


Sa Kasalukuyan......

"Ibig niyong sabihin nasa mundo ng mga tao ang makakapatay sa Minukawa?" Tanong ni Mira kay Almiro habang nasa punong bulwagan sila.
"Siyang tunay... Nasa aming mundo ang Ruwido na makakapaslang ng tuluyan sa Minukawa." Sambit ni Almiro. Tumingin naman si Mira kay Cassiopei-a na nakikinig lang sa usapan samantalang si Lira ay nakamasid lang sa kanila.

"Kailangan makuha natin ito...." Sabi naman ni Pagaspas tumango naman si Cassiopei-a
"Kung gayo'y Mira at Lira....sumama kayo sa mga Mulawin sa mundo ng mga mortal para kuhanin sa kinaroroonan nito ang Ruwido na siyang papaslang sa Minukawa." Sabi ni Cassiopei-a. Tumango naman sila Lira at Mira sa sinabi ni Cassiopei-a.

"Mag-iingat kayo sa mundo ng mga mortal... Sang'gre Lira at Sang'gre Mira." Sabi naman ni Imaw.
"Huwag kayong mag-alala Nunong Imaw di ko pababayaan si Sang'gre Lira... Ang ibig kong sabihin ay di namin pababayaan ang mga Sang'gre." Sambit naman ni Malik na napatingin kay Lira.

Yumuko naman si Lira. Alam niyang di ito ang tamang panahon para sa ganitong bagay, kamamatay lang ni Wahid na siyang pinakamalapit na lalaki sa kanya na di niya pamilya at nawawala ang mga kapatid niya habang kasalukuyang nasa nakaraan pa ang kanyang mga magulang at ashti pero di niya mapigilan na mabighani sa kisig ng Mulawin na si Malik.

Lihim naman na nagkatinginan sila Mira at Anthony at nagkangitian dahil sa gawi ni Lira at sa sinabi ni Malik.
"Kung wala na tayong hihintayin pa ay tayo na at tumungo sa Avila ng sa gayo'y ating makuha ang mapa na magdadala sa atin kung nasaan ang Ruwido." Sabi ni Almiro sa kanila. Tumango naman sila Lira at Mira.

"Anthony... Maiwan ka na lamang dito." Sabi ni Mira kay Anthony tumango naman ito.
"Basta ipangako mo sa akin na babalik ka ng ligtas." Sabi ni Anthony sa Sang'gre
"Nangangako ako na babalik ako ng ligtas sayo." Nakangiting sabi ni Mira saka siya hinagkan sa noo ni Anthony.

"Lawiswis.... Mabuti pang maiwan ka nadin dito sa Lireo... At ikaw na ang humawak ng sisidlan ng mahiwagang buhangin mula sa Ed-hen na makakapag-patulog sa Minukawa sakaling magising ito." Sabi ni Almiro kay Lawiswis.
"Mag-iingat ka Almiro...." Sambit ni Lawiswis saka niya niyakap ang Mulawing itinatangi.
"Oo naman" Nakangiting sabi ni Almiro dito.

"Tayo na.... Nang sa gayo'y makabalik din tayo agad dito sa Encantadia." Sabi ni Pagaspas na hinawakan ang kamay ni Anya, sumunod naman sa kanila sila Almiro, Mira, Lira at Malik. Inilabas naman ni Cassiopei-a ang medalyon at ibinigay kay Lira.

"Nawa'y gabayan kayo ng Bathalang Emre." Sambit ni Cassiopei-a tumango naman ang anim saka sila humawak kina Lira at Mira na gumamit naman ng evictus papuntang puno ng Asnamon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Nakaraan....
Sa kuta....

"Masaya ako at nagkasama na tayo ngayon... Nangamba talaga ako para sa inyo ng di ko kayo nakita ng dumating tayo dito sa nakaraan... Ang akala ko ay kung ano na ang nangyari sa inyo." Sabi ni Alena kay Memfes habang naka-upo sila sa tapat ng batis.

"Ako din ay nag-alala para sa inyong mga Sang'gre.... Lalo na sayo Sang'gre Alena." Sabi ni Memfes sa kanya. Napangiti naman si Alena.
"Alena na lamang Memfes.... Di mo na ako kailangan tawaging Sang'gre." Sabi ni Alena sa Gunikar na ikinatuwa naman nito.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now