Ω Kabanata II Ω Ang Kapasyahan ni Mine-a

4.9K 129 30
                                    

(Author's note: Sa simula ang age range ng mga Sang'gre at ni Ybrahim ay nasa 11-15 years old
         Ang mga edad na kung saan masasabi ko na nagsisimula ang crush, puppy love even the love that will last a lifetime....)

Ω Kabanata II Ω
Ang Kapasyahan ni Mine-a
Ω


           Sa pagdaan ng araw ay unti-unti na ding nakikibagay sa Encantadia sila Amihan at Ybrahim. Kahit nung una ay di maganda ang pakikitungo ng panganay na kapatid ni Amihan na si Pirena ngunit ngayon naman ay magiliw na ito sa kanila pagkatapos pagpaliwanagan ng kanilang ina.

           Di lang maganda ang pakiramdam ng batang si Amihan sa dama ni Pirena na si Gurna pakiramdam kasi nya ay lagi siya nitong binabantayan kung may pagkakamali siyang nagagawa.

          "Amihan, Ybrahim tayo na sa hardin at maglaro na tayo...may naisip ng laro si Pirena." Nakangiting sabi ni Alena at kanyang hinawakan ang kamay ni Ybrahim at hinila ito palabas.

          "Amihan halina na..." Nakangiting sabi ni Ybrahim sa diwani. Tumango naman si Amihan at siya ay sumunod kayla Ybrahim at Alena sa hardin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           Kanina pa nasa silid panalanginan si Ynang Reyna Mine-a. Humihingi siya ng senyales sa Bathalang Emre kung tama ba ang pasya na kanyang gagawin.

           "Reyna Mine-a.... Hindi pa ba kayo kakain nagpahanda na ako sa mga dama." Sambit ni Ades sa Reyna.

           "Naguguluhan ako Ades... Di ko na alam kung ano ang aking gagawin." Sambit ng Reyna sa Punong Dama na kanilang naging pangalawang ina ng kanyang namayapang apwe na si Amihan mula ng mapaslang ang kanilang ina na si Esmeralda noon.

          "Ano ang gumugulo sa iyong isipan Mahal na Reyna?" Tanong ni Ades. Huminga ng malalim si Mine-a at kanyang isinalaysay ang panaginip niya kung saan niya nakausap si Cassiopei-a.

           "Napakalaking suliranin nga iyan Mahal na Reyna.... Pagkat nakikita ko kung gaano ka-depende ni Amihan kay Ybrahim.... Tyak na malulungkot ang munting Diwani kung mawawala ang munting Rehav." Sabi ni Ades kay Mine-a.

            Napatango si Mine-a, tama si Ades di pa nga natatanggap ng lubusan ni Amihan ang pagkawala ng ama ay natitiyak niya na iindahin din nito kung pati si Ybrahim ay mawawala.

         Ng biglang maalala ni Mine-a ang tungkod ng pagkalimot na kasama sa mga gamit ni Raquim na ibinalik sa Encantadia....

          Mukang may naiisip na siyang paraan sa kanyang suliranin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
              Pagdating ni Amihan sa hardin ay naroroon na din sila Pirena at ang bunsong si Danaya.

           "Ano ang ating lalaruin ngayon?" Nakangiting tanong ni Amihan sa panganay na si Pirena.

          "Naisip ko bakit di tayo maglaro ng kasal-kasalan?" Nakangiting sabi ni Pirena. Mukang nagustuhan naman iyon ni Alena at kanyang hinila si Ybrahim palapit kay Pirena.

           "Kami na lang ni Ybrahim ang ikakasal." Nakangiting sabi ni Alena
           "Mas maganda kung dadaanin natin yan sa palabunutan.... Gurna." Nakangiting sabi ni Pirena saka lumapit ang dama sa mga paslit na dugong bughaw saka nito inilabas ang isang plorera na may lamang tatlong bulaklak. Ngunit dahil sa bunso si Danaya ay sila Amihan at Alena na lamang ang bumunot ng bulaklak kung sino sa kanila ang magpapakasal kunwari kay Ybrahim.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now