Ω Kabanata XXIX Ω Ang Pagbabalik

2.7K 90 14
                                    

Ω Kabanata XXIX Ω
Ang Pagbabalik
Ω


              "Kung ganon po kayo ang bunsong kapatid ng nanay ko?" Tanong ni Mila kay Danaya
            "Siyang tunay aking hadia.... Ako si Danaya.... Tawagin mo na lamang akong Ashti Danaya." Nakangiting sabi nito.
            "Ganun po ba... Sige po Ashti Danaya." sabi ni Mila ng mapalingon sila ng magising si Anthony.

             "Mila? Where are we?" Tanong nito sa kanya. Lumapit naman siya sa naguguluhang si Anthony.
            "Anthony kailangan mo nang bumalik sa inyo..... Sabihin mo na lang kayla Nanay at Tatay na kailangan kong umalis..... Sige na." Sabi ni Mila.

           "At sasama ka sa mga....yan.... Mila di kita papayagan baka kung anong mangyari sayo." Sabi ni Anthony sa kanya nakaramdam tuloy si Mila ng tuwa na nag-aalala ito sa kanya.

           "Lira.... Kailangan na nating umalis at bumalik sa Encantadia..... Tayo na iwan mo na ang mortal na yan." Sabi ni Danaya sa kanyang hadia.
          "Enca----what.... Mila baka kung ano ang gawin nila sayo." Sabi ni Anthony.
          "Hindi Anthony okay lang ako.... Sige na umuwi ka na." Sabi niya pero hinawakan ni Anthony ang kamay niya.

         "Di ako aalis Mila sasama ako." Sabi nito sa kanya napakamot tuloy siya ng ulo.
         "Pero Anthony...."
         "Ssheda.... Pabayaan mo na siya kung gusto niyang sumama Lira..... Tayo na." Sabi ni Danaya saka nito inilahad ang kamay sa hadia na humawak naman at saka sila nag-evictus kasama sila Muyak at Anthony.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                "Ama ano ang nangyari sa pinagagawa ko sayo?" Tanong ni Pirena ng dumating si Hagorn sa Lireo kasama ang mangilang ngilang hathor nito.

          "Nakatakas si Alena...." Sambit ni Hagorn sa kanya. Napailing naman si Pirena.
          "Natakasan ka ng pinakamahina kong apwe.... Pinatatawa mo ba ako Hagorn?" Sambit niya.
          "Hindi iyon ang mahalaga Pirena.... Nasa mundo din ng tao si Danaya at nasa kanya na ang brilyante ng lupa." Sambit ni Hagorn na nagpagulat kay Pirena.

        "Ibig sabihin pinaniniwalaan ng muli ni Amihan si Danaya.... Pashnea." Sambit niya
         "Ngunit hindi lang iyan ang dala kong balita.....kasama na din ni Danaya ang kanyang hadia..... Ang tunay na Lira." Sambit ni Hagorn na ikinagulat ni Pirena.

          "Tanakreshna..... Paanong nagkita-kita sila.... At nasisigurado ko na isasama na ni Danaya dito sa Encantadia si Lira.... Ama kailangan mo silang mapaslang.... Salubungin mo sila sa lagusan." Galit na sabi ni Pirena ng dumating ang tatlong Sapirian na pinamumunuan ni Asval, isang rehav ng Sapiro.

           "Hara Pirena." Sambit nito.
           "Asval..... Ano ang kailangan mo?" Tanong niya.
           "Alam na namin kung nasaan ang kuta ng Hara durne... Kung gusto nyo ay dadalhin namin kayo doon." Sabi ni Asval. Napatango naman si Pirena.

           "Ako kay Amihan at ikaw Ama.... Sa kanyang anak na si Lira." Sambit ni Pirena. Tumango naman si Hagorn at saka sila kumilos laban sa mga kalaban nila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
                Marahang binuksan ni Amihan ang liham na inabot sa kanya ni Wantuk galing sa namayapang si Ades at binasa niya ito. Pinahid ni Amihan ang kanyang luha, pag-amin tungkol kay Ybrahim at paghingi ng tawad ang nilalalaman ng liham ni Ades para sa kanya.

            "Huwag ka nang mag-alala Ades.... Alam ko na at pinatatawad na kita." Sambit ni Amihan.
         "Ate Amihan umiiyak po ba kayo?" Sabi ni Pao-pao sa kanya. Ngumiti naman siya kay Pao-pao
          "Wala Pao-pao.... May binasa lang ako..... At may naalala." Nakangiting sabi niya sa batang ligaw. Napalingon silang dalawa ng pumasok si Ybrahim sa kanyang kubol.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now