Ω Kabanata LXII Ω Ang Pagpaparaya ni Alena

2.5K 55 17
                                    

Ω Kabanata LXII Ω
Ang Pagpaparaya ni Alena
Ω


          Nang masiguro na ni Cassiopei-a na nakuha na nila Ybrahim at Amihan ang anak na si Lira sa kamay ni Ether ay agad siyang nagtungo sa a lumang Etheria para harapin ito. Para sa kanya ay dapat na niyang kaharapin ito para malaman nito na di lahat ay kaya nitong gawin sa mga diwata.

          "Ether.... Nasaan ka!" Sambit ni Cassiopei-a habang nakahanda sa kanang kamay nito ang kabilan.
         "Ether magpakita ka!" Sigaw niya. Ilang sandali pa ay lumabas na si Ether sa anyong ahas nito.
          "Cassiopei-a.... Napakalakas ng iyong loob para ako ay hamakin!" Galit na sabi nito.

          "Hindi ako magsasawa na hamakin ka matigil ka lang sa pangingialam sa buhay ng mga diwata!" Galit din na tugon ni Cassiopei-a. Umiling-iling si Ether at nag-anyong encantada ito.
         "Di ko mapapalampas ang mga sinambit mo!" Sigaw ni Ether saka nito sinalakay si Cassiopei-a na agad naman naka-iwas.

           Agad naman binalikan ni Ether si Cassiopei-a na sinangga naman nito ng kabilan at saka niya sinugatan si Ether sa tagiliran nito.
          "Ashtadi!" Sigaw ng masamang bathaluman sa kanya.
          "Magkikita tayong muli Cassiopei-a!" Sigaw nito saka ito naglaho palayo sa kanya.

         Hapo naman na napahawak sa mga tuhod niya si Cassiopei-a. Halos maubos din ang lakas niya sa sandaling pakikipaglaban na iyon kay Ether ngunit ang mahalaga ay naiparating niya dito na may tigpagtanggol ang mga diwata laban sa kabuktutan na ginagawa niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           "Anthony... Patawad kung magulo na naman dito sa Encantadia....di tuloy nagiging maganda ang ala-ala mo dito" sabi ni Mira habang naglalakad sila ng mortal sa hardin ng Lireo.

         "It's okay Mira.... Basta ang mahalaga ligtas naman tayo... Kahit na malungkot dahil sa nangyari sa kapatid ni Lira." Sabi nito. Napatango si Mira. Maging siya ay nalukungkot sa kinahinatnan ng di pa niya nakikitang sanggol. Habang naglalakad sila ay nakayuko si Mira saka lang niya napansin na di na sumunod sa kanya si Anthony.

        "Mira..." pagtawag nito sa diwani na agad naman lumingon.
         "Bakit ano iyon?" Tanong ni Mira na lumapit sa mortal. Hinawakan naman ni Anthony ang kamay niya.
        "Mira may gusto akong sabihin sayo." Sambit nito. Kumunot naman ang noo ni Mira.

         "Ano yon?" Tanong mg diwani.
         "Alam ko na di ito ang tamang panahon para sabihin ito pero.... Mira...---"
         "Avisala Mira." Napatingin ang dalawa ng may nagsalita at agad na iniharang ni Mira ang sarili kay Anthony ng makita na si Hagorn ang nagsalita.

          "Hagorn.... Ang lakas naman ng loob mo para pumunta dito!" Sambit ni Mira. Agad naman na sinugod ng mga kawal diwata ang mga hathor ngunit ginamitan sila ni Hagorn ng kapangyarihan ng brilyante ng apoy para matupok at mamatay.

       Nakangisi naman si Hagorn na tiningnan si Mira at katabi nito si Agane at ang mangilan-ngilang hathor na nakaligtas sa pag-guho ng Hathoria.

         "Mira humingi na tayo ng tulong sa---"
         "Ssheda!" Sambit ni Hagorn na itinaas ang kamay na ikinatalsik naman ni Anthony at ikinawala ng malay nito. Agad naman na hinawakan ni Agane si Mira at tinutukan ng patalim sa leeg para di ito makagalaw.

          "Sumama ka na lang sa iyong Ilo ng di ka na masaktan pa Mira." Sambit ni Hagorn saka sila lumisan ng Lireo. Pagkaalis naman ng mga ito saka nagising si Anthony at nakitang nawala na ang mga ito.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now