Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ Katotohanan at Panlilinlang

2.1K 43 23
                                    

Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ
Katotohanan
at
Panlilinlang

Ӝ


             Bakas ang lungkot at pag-aalala sa muka ni Mira habang naglalakad sila sa daang pabalik ng Lireo. Kanya pa ring iniisip kung ano ang nangyari kay Anthony,
       "Mira.... Wag ka ng masyadong mag-aalala,  sigurado akong pagsinabi natin kina Inay at ashti ang nangyari gagawa at gagawa sila ng paraan para mahanap si Anthony." Sambit ni Lira na nag-aalala din para sa kaibigan. Tumango naman si Mira.

        "Mga Sang'gre... Nandito lang pala kayo....akala ko kung ano na ang nangyari sa inyo" Si Wahid na sumalubong sa kanila.
       "Bakit ba? Anong nangyari Wahid?" Tanong niya.
       "Nagkaroon ng kaguluhan sa apat na lugar dito sa Encantadia... Buti na lamang at naisaayos na ito ng mga magulang niyo.." Pagbabalita ni Wahid sa kanila. Nagtatakang nagkatinginan naman ang magpinsan.

        "Kaguluhan? sino naman ang gagawa nun?" Tanong ni Mira
        "Iyan ang inaalam ng lahat pero sapantaha ko ay alam na ng mga kamahalan kung sino ang may pakana nito." Sagot ni Wahid sa kanila. Nagkatanguan naman ang dalawa.
        "Kung ganoon ay babalik na kami agad sa Lireo." Sabi ni Lira tumango naman si Mira ng may mahagip ang mga mata niya sa di kalayuan.... Isang encantada na may kasamang lalaki.

          Halos di makapaniwala si Mira ng makita na si Anthony ang kasama ng encantada.
         "Anthony!" Pagtawag niya, naoatingin naman sila Lira at Wahid sa direksyon na tinitingnan ni Mira at maging sila ay natuwa na nakita si Anthony.

           "Anthony..." Sambit ni Mira saka siya nagtatakbo palapit sa mortal at niyakap niya ito ng mahigpit maya-maya pa ay naramdaman niya ang pagyakap din nito sa kaya.
         "M-Mira..." Nakangiting sabi nito. Napangiting lumapit naman sila Lira at Wahid sa dalawa.
          "Masaya akong makita ka muli Anthony." Sabi ni Lira. Napatingin naman si Wahid kay Lira at nakikita niya ang saya sa mga mata nito... Saya na minsan ay hinihiling niya na kahit sandali lang ay siya naman ang maging dahilan. Napailing siya.
         "Tama si Sang'gre Lira.... Natutuwa kami na makita ka." Nakangiting sabi na lamang niya.

         "Ako rin masaya akong nakita kayo." Sabi ni Anthony pagkatapos niyang yakapin si Mira.
        "Saan ka ba nanggaling? Saka sino ang kasama mo?" Tanong ni Mira. Bumaling naman si Anthony sa kasama.
        "Siya si Odessa... Ang kumupkop sa akin...." Nakangiting sabi nito.

         "Avisala...." Nakangiting sabi ni Odessa. Tumango naman sila.
        "Kung gayon ay tayo na sa Lireo ng makita ka na ng Ashti-Hara.... At mabigyan ng gantimpala si Odessa sa pangangalaga sayo." Nakangiting sabi ni Mira. Tumango naman sila Anthony at Odessa saka sila kumapit kay Mira. Samantalang kay Lira kumapit si Wahid saka sila gumamit ng evictus para makabalik na ng Lireo.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
         Natitiyak ko na sa mga sandaling ito ay nakapasok na ng Lireo sila Anthony at Odessa..." Nakangising sabi ni Juvila kay Avria.

         "Magaling..... Napaka-husay talaga ng plano na iyong naisip Hera Juvila." Nakangiting sabi ni Avria.
        "Walang anuman Hara Avria." Nakangiting sabi ni Juvila. Sa ganitong paraan matitiyak nila na di sila maiisahan ng mga vedalje.

         "Ngunit Hara Avria.... Paano kung makita ni Cassiopei-a si Odessa at makilala niya ito... Maging ni Aquil?" Tanong ni Arkrey. Napangisi lang si Avria.
        "Huwag kang mag-alala aking apwe.... Nabigyan ko na ng encantasyon si Odessa para di siya makilala nila Cassiopei-a at Aquil o kung sinong nakakaalala pa sa kanya." Sambit ng Hara. Tumango naman si Arkrey. Bumaling naman si Avria kay Andora.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora