Ω Kabanata VI Ω Reyna Amihan

2.9K 95 36
                                    

Ω Kabanata VI Ω
Reyna Amihan
Ω


                   Nagkita sa kakahuyan ng Lireo sila Pirena at Gurna.
           "Ano na ang gagawin ko ngayon Gurna saan ako tutungo?" Tanong ni Pirena sa tapat na dama niya.

             "Mayroon akong alam na di tatanggi na tulungan ka." Sambit ni Gurna
           "Sino?"
           "Si Hagorn ang hari ng Hathoria." Mahinang sabi ni Gurna na ikinagulat ni Pirena.

           "Di kaya mas lalo niya akong paslangin Gurna?" Tanong niya
           "Hindi niya gagawin iyon lalo na at nasayo ang brilyante ng apoy." Sambit nito

           Napatango si Pirena.
          "Sige pupuntahan ko siya." Pagsang-ayon ni Pirena.

          "Mabuti... Maiiwan na ako dito sa Lireo para maging espiya mo sa mga pangyayari dito..." Sabi ni Gurna saka nag-evictus si Pirena papuntang Hathoria.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.     
             Dahil sa kaganapan ng pagnanakaw ni Pirena sa brilyante ng apoy ay humantong si Mine-a sa isang desisyon.

        Kanya muling tinipon ang lahat ng mga diwata at mga encantado na naninirahan sa Lireo.

          "Ng dahil sa mga di magagandang pangyayari nitong nagdaang araw.... Humantong ako sa isang kapasyahan.... Na hindi na lamang ang reyna ng Lireo ang mangangalaga sa mga brilyante paghihiwalayin natin ito ng sa gayo'y mas mapangalagaan natin ang makakapangyarihang brilyante." Sambit ni Ynang Reyna kanyang pinatayo si Alena mula sa pagkakaupo nito at kanyang inilabas ang brilyante ng tubig sa kanyang palad.

           "Alena.... Ipinagkakaloob ko sayo ang brilyante ng tubig." Sambit ni Mine-a at kusang lumitaw ang brilyante ng tubig sa palad ni Alena.

         "Gamit ang brilyanteng ito sisikapin kong panatilihin ang kapayapaan sa buong Encantadia." Nakangiting pangako ni Alena. Sumunod naman na tumayo si Danaya.

           "Sayo naman Danaya ay ipinagkakaloob ko ang brilyante ng lupa.... " sambit ni Mine-a at kusang lumitaw sa palad ni Danaya ang brilyante ng lupa.

             "Buhay ko man ay iaalay para sa kapayapaan. Isinusumpa ko iyan sa buong Encantadia." Nakangiting sumpa ni Danaya. Sumunod na tumayo si Amihan.

          "At sayo Amihan aking tigapagmana.... Ipinagkakaloob ko sayo ang brilyante ng ating lahi... Ang brilyante ng Hangin." Sambit ni Mine-a at kusang lumitaw sa palad ni Amihan ang brilyante ng Hangin.

            "Hindi ko kailanman sisirain ang alaala ng aking ama kaya manalig kayo, na uunahin ko ang kapakanan ng buong Encantadia bago ang aking sarili." Nakangiting sumpa ni Amihan. Saka siya inalalayan nila Aquil at Muros paakyat sa trono kung saan naghihintay si Mine-a.

            "Hindi lamang ang brilyante ang aking ipapasa sa'iyo Amihan." Nakangiting sabi ni Mine-a saka pina-upo sa trono si Amihan at tinanggal ni Ades ang maliit na koronang pang-sang'gre ni Amihan.

          Kabado man ay tinanggap ni Amihan ang marahan na pagpuputong ni Mine-a sa ulo niya ng korona ng Lireo. Kakaibang pakiramdam ang lumukob kay Amihan ng mga sandaling iyon. Marahan siyang pinatayo ni Mine-a si Amihan.

           "Mga diwata at encantado.... Aking ipinakikilala sa inyo ang inyong bagong reyna..... Si Reyna Amihan...." Nakangiting anunsiyo ni Mine-a sa lahat.

          "Ashte Mashte lesnum Lireo...." Nakangiting sabi niya. Tumango naman ang lahat.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now