Ω Kabanata IX Ω Mga Nababagabag na Damdamin

2.8K 83 7
                                    

Ω Kabanata IX Ω
Mga Nababagabag na
Damdamin
Ω


Di mapaniwalaan ni Ybarro na ang magandang encantada sa kanyang panaginip ay nasa kanya ng harapan ngayon kasama ang kawal na nagbanta sa kanila ni Alena......ngunit iisa lang ang ibig sabihin nito ang encantada sa kanyang panaginip at ang kapatid na reyna ni Alena ay iisa lamang.

Maging si Amihan ay nabigla sa kanyang nakita..... Isang mandirigma lamang ba ang sa kanya ay itinadhana ni Emre para maging ama ng kanyang anak?

"Ikaw si....... Ybarro" mahinang sabi niya.

"Hindi ka nagkakamali siya nga si Ybarro, Mahal na Reyna Amihan..... Ngayon niyo ipakita ang galit niyo sa kanya..... Ipamukha niyo na di siya karapat-dapat para sa inyong kapatid." Galit na sabi ni Hitano at tinutukan si Ybarro ng espada

"Ssheda Hitano!" Pigil ni Amihan kay Hitano

"Wala na akong sasabihin sa kanya....... Sapat na nakita ko siya" sabi niya saka siya lumingon kay Apitong.

"Pinunong Apitong, salamat sa mainit na pagtanggap niyo sa amin.....avisala eshma....tayo na Hitano." Sabi ni Amihan saka siya naglakad pabalik sa kanyang mga kawal.

"Avisala eshma mahal na reyna." Pagbibigay galang naman ni Apitong at ng mga mandirigma. Labag man sa kalooban ni Hitano ay sumunod na din ito kay Amihan.

Bago tuluyang maglaho sila Amihan ang di niya maiwasan na di tingnan si Ybarro..... Ang encantadong inilaan ni Emre sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.

Maghahating gabi na ngunit di maalis sa isip ni Ybarro ang reyna ng mga diwata. At kung tama nga ang kanyang sapantaha at naaalala sa panaginip na yaon any may nangyari sa kanila.

At nasisigurado na niya na nagdadalang diwata na si Amihan. Ngayon ay di niya alam kung sasabihin niya ba kay Alena ang kanyang natuklasan..... Na malaki ang posibilidad na siya ang ama ng anak ng kapatid niyang reyna.

"Ybarro ano't mag-isa ka at mukang malalim ang iyong iniisip." Sabi ni Wantuk sa kanya na kasunod si Paco na sa wari niya ay may iniisip din.

"May malalim lamang akong pinag-iisipan." Maikling sagot ni Ybarro sa kaibigan.

"Sino ang reyna ng mga diwata?" Nakangising biro ni Wantuk ang di niya alam ay tumama siya ng biro kaya naman siya ay binatukan ni Ybarro.

"At bakit ko naman iisipin ang reyna?" May inis na sabi ni Ybarro.

"Biro lang ito kasing si Paco mula ng nakita ang reyna ng mga diwata ay di ko na rin nakausap ng maayos.....Kaya tuloy naisip ko na baka ang Reyna ng mga Diwata ang iniisip niyo." Reklamo ni Wantuk sa mga kaibigan.

Nagkatinganan tuloy sila Ybarro at Paco sapagkat tama si Wantuk kanila ngang iniisip ang reyna ng mga diwata sa magkaibang paraan nga lamang.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
Pagdating nila Amihan sa Lireo ay di napigilan ni Hitano ang magtanong sa reyna sanaging aksyon nito ukol sa mandirigmang si Ybarro.

"Mahal na reyna, bakit di kayo nagsalita laban sa mandirigmang yaon?" Tanong ni Hitano sa Reyna.

"Kinukwestiyon mo ba ang aking naging kapasyahan ukol dito?" Tanong ni Amihan sa kawal na alam niyang may pagtingin sa kanyang apwe na si Alena.

"Agape avi sa aking sinabi Mahal na Reyna nagtaka lamang ako sa naging gawi niyo sa harapan ng mandirigma." Sabi ni Hitano. Di na lamang pinansin ni Amihan tanong ni Hitano at siya ay nagtuloy na sa kanyang silid.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon