Ω Kabanata XXX Ω Ang Muling paghaharap nila Amihan at Pirena

3.2K 83 27
                                    

Ω Kabanata XXX Ω
Ang muling paghaharap nila
Amihan at Pirena
Ω


            "Aquil nailikas na ba nila Lakan at Muroz ang mga dama at iba pang encantado?" Tanong ni Amihan sa kanyang pinagkakatiwalaang Mashna.

            "Nagawa na nila ang iyong kautusan Hara Amihan." Sambit ni Aquil. Tumango naman si Amihan saka niya hinawakan ang kanyang espada. Inilibot ni Amihan ang kanyang paninigin at nakita niyang naghahanda na ang lahat para sa pagdating ng kanyang taksil na kapatid.

            Napalingon si Amihan sa kanyang tabi ng lumapit si Ybrahim sa kanya.
            "Ybrahim...." Sambit niya. Tumango ito.
            "Mas mapapanatag ako kung di ka mawawala sa aking paningin habang tayo ay nakikipaglaban..." Sambit nito sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

           Magtatanong Sana siya pero dumating na ang kanyang taksil na apwe.
          "Avisala Amihan." Sambit ni Pirena sa kanya.
         "Avisala taksil kong kapatid." Sambit ni Amihan dito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            Inilibot ni Lira ang kanyang paningin sa kapaligiran. Maging si Anthony ay ganoon din samantalang nakahinga naman ng maluwag sila Danaya at Muyak.

           "Napakasaya ko at sa wakas nakabalik na din ako sa Encantadia..." Sambit ni Muyak. Napangiti naman si Danaya sa sinambit ni Muyak dahil yun din ang kanyang nararamdaman.

           "Ito na ba ang Encantadia Ashti?" Tanong ni Lira kay Danaya nakangiting lumingon naman si Danaya
                     "Oo aking hadia... Ito na nga ang mundo na iyong pinagmulan." Nakangiting sabi ni Danaya kay Lira. Napangiti naman si Lira dahil nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam na para bang sinasalubong siya nito.

            "It's look like a beautiful province." Nakangiting sabi ni Anthony sa mga ito
          "Tama ka Anthony." Nakangiting sabi ni Lira sa mortal.
          "Tama na yan.... Tayo na at baka tuluyan ng magdilim mahihirapan tayo sa daan." Sambit ni Danaya.
           "Ngunit Mahal na Sang'gre alam mo ba kung saan tayo tutungo?" Tanong ni Muyak.

          "Oo Muyak.... Ipinaalam na sa akin ng aking brilyante." Nakangiting sabi ni Danaya saka sila nagsimulang maglakad.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

             "Panginoon.... Kanina pa tayo naghihintay dito ngunit di sila dumaraan sa lagusan na ito." Sambit ni Agane kay Hagorn. Napailing naman si Hagorn.

           "Mukang nalinlang tayo." Sambit niya.
           "Sa tingin ko panginoon sa lagusan ng mga bandido dumaan sila Danaya." Sambit ni Agane.
          "Pashnea.... Tayo na dapat natin silang maabutan." Sambit ni Hagorn saka sila naglakad papunta sa kuta ng mga bandido.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

             "Talagang di ka titigil hangga't di ako napapaslang Pirena?" Sambit ni Amihan.
         "Hangga't di ka lumuluhod sa aking harapan at kinikilala akong reyna ay di ajo titigil sa kakatugis sa inyo." Galit na sabi ni  Pirena katabi nito sila Asval at Icarus.

          "Kung ganoon ay habang buhay kang hahabol sa akin Pirena dahil kahit kailan ay di mangyayari ang iyong ninanais." Galit na sabi ni Amihan. Saka sumugod sa isa't-isa ang kanilang mga kapanalig.

             "Amihan sumuko ka na o baka naman gusto mo muling malagasan ng tigasunod." Nakangising sabi ni Pirena sa kanya. Napailing si Amihan saka niya sinugod si Pirena sinangga naman ito ni Pirena ng espada nito at nagpalabas ng bolang tubig na pinatama ni Pirena kay Amihan na pinalis nito gamit ang hangin. Napa-upo naman si Pirena.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now