Ӝ Kabanata LXXXIII Ӝ Ang Pagbagsak

1.6K 56 7
                                    

Ӝ Kabanata LXXXIII Ӝ
Ang Pagbagsak

Ӝ


          

              Agad na hinarangan ng hangin na nagmistulang pader ang daraanan nila Avria at Odessa.
         "Tanakreshna!" Sigaw ni Avria.
         "Saan tayo daraan ngayon Hara Avria?" Tanong ni Odessa kay Avria di naman makasagot si Avria dahil di din niya alam kung saan sila daraan.

         "Ano Avria?.... Ano na ang plano ngayon ng buktot na Reyna?" Napalingon sila Avria at nakita nila si Amihan at Danaya.
         "Ashtadi kailanman di ako magpapatalo sa inyo!" Sigaw ni Avria saka nito inilabas ang brilyante ng lupa at nagpalabas ng enerhiya mula sa brilyante na pinatama niya sa dalawang Sang'gre na sinangga naman ni Amihan ng hangin mula sa brilyante ng Hangin.

          "Mas bihasa ako sa paggamit ng Brilyante sayo Avria!" Sambit ni Amihan saka niya inilabas ang brilyante ng diwa kaya naman di ito kinaya ni Avria. Agad naman na kinuha ni Odessa ang kanyang pana at palaso saka niya pinatamaan ng palasong may lason sila Amihan ngunit sinangga naman ito ni Amihan ng hangin.

         "Di mo kami malilinlang!" Sigaw ni Danaya saka ito nag-evictus palapit kay Avria saka niya ito sinakal. Di naman malaman ni Odessa ang kanyang gagawin ayaw niyang kasamang magapi ni Avria kaya naman nagtatakbo siya palayo sa mga ito.

           "O-Odessa..." Sambit ni Avria.
           "Mukang iniwan ka na ng iyong Heran." Sambit ni Danaya. Lumapit naman si Amihan sa dalawa.
           "P-pakawalan niyo ako Pashnea!" Sigaw ni Avria. Mas lalo naman hinigpitan ni Danaya ang sakal kay Avria.
          "Amihan" tumango naman si Amihan saka niya inilabas ang brilyante ng diwa.
           "Brilyante ng Diwa sa bisa ng iyong kapangyarihan ibalik sa nararapat na katawan ang mga nagkapalit na Ivtre" pagsamo ni Amihan sa brilyante ng diwa. Nagliwanag naman ito at kitang kita ni Amihan kung paano nabalik sa nararapat na katawan ang mga ivtre nila Danaya at Avria.

          "Danaya...?"
          "Amihan..." Nakangiting sabi ni Danaya saka niya niyakap ang kanyang apwe.
          "Sa wakas nakabalik ka na sa iyong katawan." Sambit niya, Nakangiting tumango naman si Danaya saka niya inilahad ang kanyang palad at mula doon ay lumabas ang brilyante ng lupa.
         "Pati ang aking brilyante bumalik na din." Nakangiting sabi niya.

          "Tanakreshna!" Sigaw ni Avria saka ito nagpalit ng baluti.
          "Amihan...."
          "Sige na Danaya puntahan mo na sila Pirena.... Bawiin mo na sa mga Etherian ang mga mamamayan mong nasa ilalim ng kapangyarihan ni Avria." Sambit ni Amihan sa kapatid.
         "Pero paano ka?" Tanong nito.
         "Wag kang mag-alala.... Ako ang bahala kay Avria." Sambit ni Amihan saka niya winasiwas ang kanyang arkrey. Tumango naman si Danaya saka ito nag-evictus pabalik sa kinaroroonan nila Pirena.

          "Ikaw na lang at ako Amihan....at sisiguraduhin ko na isa lang sa atin ang matitira." Sambit ni Avria na tinutok sa kanya ang espada.
          "Oo at sisiguraduhin ko na ako ang matitira." Sagot ni Amihan.

         "Atayde!"
        "Agtu!" Magkapanabay na sabi ng dalawa sa pinakamalalakas na diwata at etherian.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

           Di mapalagay si Ether habang nakatingin sa nagaganap sa kanyang mga alagad.
         "Hindi ito maaaring mangyari! Kailangan may magawa ako!" Sigaw ni Ether na nagbalik sa kanyang anyong encantada saka niya kinuha ang ginintuang orasan.
 
        "Ikaw na lamang ang aking pag-asa." Sambit ni Ether saka siya naglaho papunta sa mga nilalang na gagamitin niya laban sa mga Sang'gre.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now