Chapter 62: Saved

1.8K 48 4
                                    

Nicholas's POV

Sh*t! Sh*t! Sh*t! Wala nga si mhine sa pinagiwanan ko sa kanya! Nakidnap nga siya! Oh God, san ko siya hahanapin?

Urgh! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natataranta na ako.

"Bro pwede ba, umupo ka nga. Nahihilo kami sayo eh." Sabi ni Lucas. Argh! Hindi ko alam ang gagawin ko. Sila Tita nagpunta na sa pulis kasama sila Mom at Sophia. Hindi ko alam kung san siya hahanapin.

"Hindi pwede! Kelangan natin mahanap si mhine!" Haist! Mababaliw na ako!

"Tingin niyo, sino ang pwedeng kumuha kay Louisse?" Tanong ni Sean. Napatigil naman ako sa paglalakad. Nagkatinginan kaming anim.

"Bloody Warriors." Sabay-sabay naming sabi. Sila lang ang pwedeng gumawa nito. Tsk! Yung Leo na yun! Mapapatay ko siya kapag ginalaw nila si mhine.

"Halika na. Pumunta na tayo sa hideout nila." Sabi ko saka kinuha yung baril ko. Oo, meron akong baril. Pero hindi ko ginagamit. Ngayon ko palang gagamitin to.

*KRIING KRIING*

Biglang nag-ring yung phone ko. Tsk! Sino naman tong tumatawag? Sinagot ko ito at ni-loud speaker.

"Hello?" Sabi ko.

(Hi Nicholas. It's been a long time since we talk." Nagulat ako sa nagsalita. Si Leo. Tsk! Hawak niya si mhine!

"Hayop ka! Ibalik mo dito si Kaceline! 'Wag mo siyang idamay." Sigaw ko sa kanya. Mapapatay ko siya kapag ginalaw niya si mhine.

(Chill bro. Wag kang magaalala, hindi pa namin siya ginagalaw. Hindi pa. Wahahahahahaha!) P*ta! Argh!

"F*ck you! Don't you dare touch her or else I'll f*cking kill you!"

(Hahahaha then do it. I'll be waiting at the same place.) He said before ending the call.

Argh! F*ck that man! F*ck him!

"Kalma lang bro, kailangan na nating iligtas si Kaceline." Sabi sakin ni Mark.

"Na-text ko na rin sila Tita na magpadala ng mga pulis dun." Sabi naman ni Sean. Napatango nalang ako.

Umalis na kami at nagtungo sa hideout nila Leo.

Louisse's POV

"Boss, ano nang gagawin natin dun sa babae?" Rinig kong sabi ng isang lalaki. Mukhang isa to sa mga tauhan nang dumukot sakin ah.

"Hayaan niyo muna siya. Padating na din naman yung boyfriend niya." Sabi pa ng isang lalaki. Siya yata yung tinawag na boss nung lalaki kanina eh.

Pero teka, boyfriend ko? Si mhine? Pupunta siya dito?

"Hahahaha sa wakas, mapapatay na din natin siya." Whut? Papatayin nila si mhine?!

"Ian, tignan mo kung gising na yung babae." So kasabwat nga nila si Ian. Akala ko panaman, totoong kaibigan siya.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ian. Wala kang makikitang emosyon sa mukha niya ngayon. Hindi katulad dati na lagi siyang nakangiti. Parang ibang Ian ang nakikita ko ngayon.

"So you're awake." Sabi niya at sumandal sa pader.

"Bakit mo ginagawa to?" Tanong ko sa kanya. Siguro naman ay mayroon siyang dahilan kung bakit niya ito ginagawa.

"You don't need to know." Sagot niya at malamig akong tinignan.

"Diba dati kayong matalik na magkaibigan ni mhine? Bakit kayo nag-away?" Napatayo siya ng tuwid.

"Gusto mo talagang malaman?" Sabi niya habang naglalakad siya papalapit sakin. Tumango naman ako. I really wanted to know. Baka kasi sakaling mabago ko pa ang isip niya eh.

"It's because of love. It's because of that f*cking love." Huh?

"Eh? What do you mean?"

"Mahal ko siya. Sobrang mahal ko siya kaya naging sunud-sunuran ako sa kaniya. Kahit na mali pa yung ginagawa ko ok lang. Kahit na mawalan pa ako ng kaibigan ok lang. Basta masaya siya." Mapait siyang ngumiti.

Naiintindihan ko naman siya pero mali pa rin.

"Pero Ian mali pa rin to. Maling-mali."

"Wala kang pake! Saka sino ka ba para sabihin sakin kung ano ang dapat kong gawin?! Huh?!" Napayuko nalang ako dahil sa pagsigaw niya. Huhuhu katakot T____T

"Hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatang pag-----" Naputol ang sasabihin niya dahil may lalaking pumasok sa loob ng kwarto.

"Boss, andyan na sila!" Sabi nito saka umalis din agad.

Ngumisi naman si Ian na parang demonyo.

"Nandyan na yung tagapagligtas mo." He said then smirk. Lumapit siya sakin saka ako tinayo.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko pero di niya ako pinansin. Tuloy-tuloy lang siya sa pagkaladkad sakin palabas ng kwarto.

Nakarating kami sa isang malawak na lugar. Naabutan namin na nagtututukan ng baril sila mhine at ang mga kasamahan ni Ian.

Napatingin naman sa gawi ko si mhine. Nakita ko naman na nakahiga siya ng maluwag dahil ligtas ako.

Ibinalik niya ang tingin niya sa kaharap niya. I think yan yung pinakaboss nila.

"Pakawalan mo na siya." Galit pero mahinahong sabi ni mhine dun sa lalaki. That guy just smirk then sinenyasan niya si Ian. Naramdaman ko naman na tinanggal na niya yung tali sa mga kamay ko. Agad naman akong tumakbo papunta kila mhine. Niyakap niya ako agad ng makalapit ako sa kanya.

"Thank god you're ok." Sabi niya atsaka ngumiti. Nginitian ko din siya pabalik.

"Okay, that's enough. Kailangan na kitang patayin." Sabi naman nung lalaking kaharap ni mhine.

"Huh! As if you can." Sagot naman ni mhine. Wooooh! Mhine ko yan! Hihihi.

*BANG*

Nagulat ako ng may marinig akong bumaril. Nakita ko naman na napaluhod yung isa sa mga tauhan nila dahil natamaan ito sa binti.

"Bilisan na natin. At nang matapos na to." Sabi ni Mark na naka-poker face. Eh? Mukhang bad trip ata siya ah.

"Mhine, lumayo ka muna dito. Baka madamay ka pa. I love you." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"I love you too. Mag-iingat ka ok?" Sabi ko at tumango naman siya. Tumakbo ako dun sa may sulok. Pinapanood ko sila makipaglaban. Ang astiggggg. Ang galing nila makipaglaban. Kahit pagtulungan pa sila, kayang-kaya pa din nila it talunin.

Si mhine naman ay kalaban yung boss nila. Nagsusuntukan sila ng may isang lalaki ang sumugod sa likudan ni mhine. Buti nalang at nakaiwas siya at agad na sinuntok yung lalaki. Pinagpatuloy na niya yung pakikipagsuntukan dun sa boss. Hanggang sa dumukot ng baril yung boss. Kinabahan ako kasi baka matamaan si mhine. Buti nalang at nasipa yun ni mhine.

Sakto naman na malapit sa pwesto ko tumalsik yung baril kaya tinakbo ko ito para hindi na makuha pa nung boss. Malapit ko ng makuha yung baril ng tawagin ako ni mhine.

"Mhine!" Kasunod nun ay ang putok ng baril.

*BANG!*

Napahinto ako. Naramdaman ko namang parang may tumutulo sa may paanan ko. Tumingin ako sa baba at nakita kong may dugong tumutulo galing sa tiyan ko. Whut? Bat may dugo?

Wait, bakit parang nahihilo ako? Babagsak na sana ako ng may sunalo sakin. Ay, si mhine pala hehe.

"Mhine? Mhine? Are you ok?"  Hindi ko na siya masyadong maaninag kasi nandidilim na yung paningin ko.

Bago ako tuluyang nakatulog ay nakarinig ako ng sirena ng mga pulis.

-------------------------------------------------

~ Ms. Sandoval

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Where stories live. Discover now