Chapter 41: Bitch

2.2K 70 5
                                    

Louisse's POV

Kaya pala. Kaya pala natulala siya ng makita niya si Aubrey. Kaya pala parang familiar sakin yung name niya. Kaya pala nakita ko silang naghahalikan. Kasi siya yung ex ni mhine. Siya yung babaeng nanakit at nangiwan kay mhine.

Pero di ko maintindihan. Bakit bumalik pa siya? Bakit kailangan pa niyang bumalik? Ok na eh. Ok na yung buhay ni mhine. Tapos guguluhin nanaman niya? She want him back? Well, nek-nek niya! Iiwan niya tapos ngayon babalikan niya? Ano yun, gaguhan?! Lakas niya ah!

Pwes kung yun ang gusto niya, hindi ako makakapayag. Ipaglalaban ko si mhine! Hindi niya makukuha si mhine.

Nandito ako ngayon sa room. Maaga akong umalis ng bahay. Hindi ko na hinintay si mhine. Naiinis kasi ako sa kanya. Bakit hinayaan niyang halikan siya ni Aubrey?! Baka nga gusto niya rin yun eh. Baka nga hiwalayan na niya ako kasi nandiyan na yung pinakamamahal niyang ex.

"Oh Louisse, nasan na yung mhine mo?" Tanong ni Sean na kararating lamg.

"Aba malay ko dun." Nagkatinginan yung mga boys samantalang nagbulungan naman yung mga girls.

"LQ nanaman?" Tanong ni Jhoanna.

"Maybe yes. Maybe no." Makabuluhang sabi ko sa kanila.

"Alam mo na ba? Yung tungkol sa
......" Lucas.

"About his ex? Yes. In fact, I saw them kissing yesterday." Nagulat naman sila sa sinabi ko.

"You saw it?" Oh, speaking of the devil. At talagang sabay pa silang dumating huh?

"Oo, kitang-kita ko kung paano mo siya hinalikan. So sad, hindi siya nag-respond sayo." Mataray kong sabi sa kanya. Ipapakita ko sa kanya ang pagiging bitch ko.

"You think? Hindi mo lang alam, he kiss me back."

"Oh really? You think I'll believe in you? Kitang-kita ko kung paano ka ipagtulakan ng BOYFRIEND ko." I emphasize the word boyfriend. Para alam niya na meron ng nag-mamayari sa nilalandi niya.

"Remember this. Babawiin ko ang dapat na sa akin."

"Edi bawiin mo. Kaya mo ba? Remember this too, hinding-hindi mo na siya mababawi pa sa akin. Noon sayo siya, ngayon akin na."

"Masyado kang mayabang. Alam ko namang hindi ka niya talaga mahal dahil hanggang ngayon, ako pa rin ang mahal niya."

"Huh! In your dreams! Ako na nga girlfriend diba? Saka para ipaalala ko sayo, ex-girlfriend ka niya. EX. Means past, nakaraan, tapos na. At hindi na pwedeng balikan."

"Argh!" Tapos umalis na siya. Huh! Wala pala siya eh.

"Mhine......" Tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay.

"Who you?" Luh! Galit pa kaya ako sa kanya.

"Galit ka?"

"Ba't naman ako magagalit? Hindi nga kita kilala eh. Ang FC mo rin eh noh?" Haha yan ang bagay sa kanya. Umalis na ako dun at pumuntang rooftop. Kung nandito lang si Dylan, sana yakap ko na siya ngayon. Hayy nakaka-stress.

Bigla nalang may yumakap sakin. Base sa amoy nito, si mhine ang yumakap sakin.

"Sorry na......" Kumalas ako sa yakap. Syempre tuloy pa Rin Ang acting.

"Bakit ka ba nagso-sorry sakin? Sino ka ba ha?"

"Ako to, si mhine mo. Boyfriend mo ko." Gusto kong matawa dahil parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha niya.

"Anong boyfriend? Wala pa kaya akong boyfriend."

"Tss! Meron! At ako yun!"

"Wala nga sabi eh. Bakit ba ang kulit mo? Bakit ba ako ang kinukulit mo?! Ha?! Dun ka sa Aubrey mo------" Shocks! Nadulas ako. Nubayan! Nag-eenjoy pa naman ako sa ginagawa kong acting.

"Nalimutan pala ha?" Nakangising tugon niya.

"Che! Dun ka na nga! Baka nakakalimutan mo, may kasalanan ka pa sakin."

"Hindi ko naman ginusto yung halik na yun eh. Basta nalang niya akong hinalikan."

"Kung hindi mo sana siya pinuntahan, edi sana hindi nangyari yun."

"Pinuntahan ko lang naman siya kasi gusto kong malaman kung bakit siya bumalik eh."

"Ah talaga? Kwento mo sa pagong." Sabi ko tapos inirapan siya. Nagsimula na akong maglakad paalis. Bakit? Wala lang, trip ko lang mag-pakipot sa kanya. Hehehe. Hinawakan naman niya yung kamay ko saka ako hinila papunta sa kanya. Kaya ang ending, nasubsob yung mukha ko sa dibdib niya. Hmm Ang bango niya.

"Selos ka naman? Wag ka ngang maniwala sa pinagsasabi ng babaeng yun. Promise, siya yung humalik sakin. Saka tinulak ko naman diba?" Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Saka alam mo, ang galing galing mo kanina. I'm so proud of you."

"Talaga? Proud ka sakin?"

"Naman! Gusto ko nga sanang isigaw na ' whooo! Girlfriend ko Yan!' kaya lang seryoso usapan niyo eh." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"I love you." Bulong niya sa tenga ko.

"I love you too." Tugon ko. Hinalikan niya ako sa noo kaya napapikit ako.

Bumalik na kami sa classroom. Buti nga wala pa si ma'am eh. Nandun na rin si Aubrey. Ang sama nga ng tingin niya sakin. Hindi ko nalang siya pinansin. Hindi rin nagtagal ay dumating na si ma'am.

Discuss. Discuss.

*KRIING!!*

Sa wakas! Sakit sa ulo mag-aral. Ako nalang ang hinihintay nila kaya binilisan ko ng mag-ayos ng mga gamit ko.

"Babe, sabay tayong kumain." Rinig kong sabi ni Aubrey na ngayo'y nakakapit say braso ni mhine. Kung makakapit naman to, akala mo linta. Saka anong sabay sila? Kami kaya kasabay niyang kumain.

"Ano ka hilo? Kami kasabay niya hindi ikaw. Feelingera!" Amethyst.

"Shut up! Hindi ikaw ang kausap ko." Aubrey.

"Ikaw ang shut up! Ang lakas naman ng loob mong landiin si Nicholas sa harap mismo ng girlfriend niya." Jhoanna.

"So what? Hindi rin naman magtatagal ay maghihiwalay na sila."

"Ulul! Subukan mo lang, kami makakaharap mo." Kyla.

"Wala akong pake. Binabawi ko lang ang sakin." This time, sumingit na ako.

"Walang sayo Aubrey. Walang sayo. Dahil akin na siya. At ako na ang nagsasabi sayo, mamamatay muna ako bago mo siya maagaw sakin."






---------------------------------------------------------



~ Ms. Sandoval











Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Onde as histórias ganham vida. Descobre agora