Chapter 26: Her Birthday (Part 2)

3K 87 6
                                    

Nicholas's POV

"Anong gusto mong flavor?" Tanong nanaman sakin ni Kaceline. Pang ilang tanong na ba niya yan sakin? Kanina pa nga niya ako tinatanong ng kung ano-ano.

"Bahala ka." Sagot ko nalang sa kanya.

"Hayst!" Sabi niya at tumayo saka naglakad paalis. Agad ko naman siyang sinundan. Hindi siya pwedeng umuwi. Hindi pa sila tapos mag-ayos sa bahay nila.

"Hey, San ka pupunta?" Tanong ko ng mahabol ko siya.

"Sa bahay, san pa ba?!" Tsk. Beastmode na siya. Ano bang pwede kong gawin para maaliw siya? Para sa kanya naman 'to eh. Ah! Alam ko na kung saan ko siya dadalhin. Agad ko siyang hinila paalis dun.

"San tayo pupunta?" Tanong niya. Teka, may naisip ako. I can't wait to see her reaction haha.

"Sa motel." Simpleng sagot ko sa kanya.

"Dun lang---- What?! Sa motel?! Nahihibang ka na ba?! Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sakin eh!"

"Pfft."

"Ibaba mo na nga ako! Bilis!"

"Eh! Ayoko nga!"

"Ayaw mo ha." Sabi niya at bigla nalang akong sinabunutan. What the fvck!

"Hey stop! Baka maaksidente tayo!"

"No! Ihinto mo muna yung sasakyan!" I have no choice. Hininto ko yung sasakyan at hinarap siya. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at hinila palapit sakin. Napatigil naman siya sa pagsabunot.

"Wag ka ngang makulit."

"Eh! Ayoko! Rerape-in mo ko eh!" What the heck! Hindi ako rapist. Kung gagalawin ko man siya, yun ay kung kasal na kami. I know it sounds corny but, I see her as my wife. I see her as the mother of my children, the one that I will love until I die.

"Listen, I'm just joking ok?" Mukhang paiyak na siya eh.

"Weeeehhhh." Ang kulit talaga neto.

"Oo nga."

"Sige nga, kung hindi, san mo ko dadalhin?"

"Sa sementeryo."

"Sinasabi ko na nga ba eh! Siguro dun mo ko ililibing noh? Ibaba mo na nga ako!"

"Tsk. May dadalawin lang tayo."  Sagot ko tapos pinaandar na ulit yung sasakyan. Buti naman at tumahimik na siya.

Pagdating namin sa sementeryo, ay agad namin hinanap ang puntod ni Jen.

"Ahm, sino siya Nick? Anak mo?"

"No. She's my younger sister. Dianne Jennica."

"Dianne Jennica....... San ko nga ba yun nakita? Ah! Dun sa picture sa kwarto mo." Sabi ko na nga ba titignan niya yun eh.

"She died because of me. Hindi ko siya nabantayan ng maayos kaya siya namatay. Wala akong kwentang kapatid. Wala akong kwentang kuya. Wala man lang akong nagawa para iligtas siya." Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan ni Kaceline. Ako ang may kasalanan kung bakit siya naaksidente. Kung binantayan ko lang sana siya ng maayos edi sana buhay pa siya hanggang ngayon.

And to my surprise, Kaceline hug me.

"Don't blame yourself. It's not your fault. Everything happens for a reason." Sabi niya. Yeah. Everything happens for a reason.

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Where stories live. Discover now