Chapter 34: Santillan Brothers

2.6K 70 4
                                    

Nicholas's POV

*KRIING! KRIING!*

Sino naman yang tumatawag? Ke-aga-aga eh. Teka, baka si mhine Yan. At dahil sa naisip kong yun, agad kong sinagot ang tawag ng hindi tinitignan kung sino ito.

"Hello? Good morning mhine!" Masigla kong sabi sa kanya.

(Hell bro? Anong mhine ang pinagsasasabi mo diyan ha?) Teka, Sino ba ito? At kung maka-bro eh, akala mo close kami.

"Tsk. Who are you to call me bro?"

(Ouch naman insan! Kinalimutan mo na ako agad?) Wait, parang kilala ko na siya. Pero imposible, ang alam ko next month pa ang balik nila.

"Mark, is that you?"

(Buti naman at naalala mo na ako. Ako nga ito ang nag-iisang Mark Luis!)

"Kelan pa kayo nakabalik?"

(Kahapon pa, di nga lang namin nasabi sa inyo kasi pagod kami.)

"So ano nang plano niyo?"

(Duh! Malamang papasok na sa school. Ang dami na naming na-miss na lessons.) Sus! Eh dakilang basagulero yang si Mark eh.

"Bakit, nag-aaral ka ba? Kung si Kenneth pa baka maniwala ako."

(Grabe ka naman sakin bro! Nag-aaral naman ako ah!)

"Tsk! Whatever. May sasabihin ka pa ba?"

(Wala na. Yun lang naman.)

"Ok sige, ibaba ko na to. May gagawin pa ako." Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at binaba ko na ang tawag. Tumayo na ako at naligo. Susunduin ko pa kasi si mhine eh. Excited na akong makita siya. Na-miss ko nga siya agad eh. Kahit na nagkita lang kami kahapon.

Nabalik ako ni mhine sa dating ako. Ibinalik niya yung mga ngiti na nawala. Ibinalik niya ang saya na matagal ko nang binaon sa limot. Ang masasabi ko lang ay Mahal na Mahal ko siya. Siya lang Ang babaeng minahal ko ng ganito. Siya lang ang minahal ko ng sobra-sobra. At sinisiguro ko na hindi na mauulit pa Ang nangyari noon. Hindi ako makakapayag.

Pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong umalis ng bahay at nagtungo sa bahay nila mhine. Pagdating ko ay agad naman akong pinapasok ni Manang.

Pagpasok ko at naabutan ko si mhine na kumakain. Agad naman niya akong napansin kaya napatayo siya. Agad niyang akong sinalubong ng yakap. Awww! Ang sweet naman ng mhine ko.

"Good morning mhine!" Masayang bati niya sakin. Ang cute niya! Para siyang Bata. Ginulo ko ang buhok niya.

"Ang cute mo mhine. Para kang bata." Napasimangot naman siya.

"Mhine naman eh! Hindi ako Bata!" Nagpapadyak-padyak pa siya na parang bata.

"Yan ba ang hindi bata?" Naka-pout siyang bumalik sa lamesa at pinagpatuloy ang pagkain. Tinitigan ko lang siya.

"Ano? Hindi ka ba kakain?" Alok niya sa akin. Agad naman akong umiling.

"Makita palang kita, busog na ako." Banat ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pagkain at tumingin sakin.

"Alam mo, kung hindi ka kakain, umalis ka nalang diyan. Hindi yung tinititigan mo lang ako." Pagsusungit niya.

"Hindi, okay lang. Kaya kitang titigan forever."

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Onde histórias criam vida. Descubra agora