Chapter 55: New Beginning?

2.1K 55 6
                                    

Louisse's POV

"A-ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko sa kanya. Hatak hatak pa rin niya ako. San ba ako balak dalhin neto?

"Tsk." Tanging sagot niya. Lah? Problema nito? Buong pwersa kong hinila ang kamay ko kaya napahinto siya.

"Ano ba?! Kanina mo pa ako hinihila ah!" Masamang tiningnan ko siya. Kita namang nag-uusap kami ni Ian eh.

"Tss. Bakit kayo magkayakap no Ian ha?"

"Bakit ba? Ano naman sayo? Wala na tayo diba!" Tama naman ako diba? Wala na kami kaya wala na siyang pake kung may kayakap man ako.

"Just answer me!" Eh bat siya naninigaw?

"Tse! Bahala ka nga diyan!" Sabi ko saka siya tinalikuran. Psh ano ba kasing problema niya? Basta Basta nalang nanghihigit eh.

Nakakailang hakbang palang ako ng higitin niya ang braso ko at ipinaharap sa kanya.

"Of all people, bakit siya pa?! Ha?!" Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba galit na galit siya?

"Ewan ko sayo! Ang gulo mo kausap." Sabi ko saka siya tinalikuran siya. Haist, naiwan ko tuloy si Ian dun.

Bigla nanaman niya akong hinigit, pero this time mas malakas na. Kaya naman lumanding ako sa dibdib niya. Niyakap niya ako. Lah! Anong nakain nito at nangyayakap?

"Just don't come near him again." Bulong niya. God, how I miss his hugs. I miss his scent. I miss his warmth. I miss him. So much.

Nagseselos ba siya? Kaya ayaw niyang lumapit ako kay Ian kasi nagseselos siya? Ibig sabihin mahal niya pa ako?

"B-bakit naman?" Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ito na ba? Magkakabalikan na ba kami?

Kumalas siya sa yakap at pinakatitigan ako.

*gulp*

Kinakabahan ako sa isasagot niya. Bakit nga ba ako kinakabahan?

"Ayaw ko lang kasi na isipin ng iba na ganun mo lang ako kabilis na ipagpalit." My jaw dropped. As in napanganga talaga ako.

What the hell?! Nang dahil lang dun?! Tss! Nag-assume nanaman ako. Tinignan ko siya ng masama.

"Nakakainis ka! I hate you! I hate you!" GRRRR! Nakakainis siya! Ang sarap niyang sapakin. Tch!

I give him a one last death glare before I leave him. Hmp! Nakakainis siya! Yun lang pala ang dahilan niya? Tss! Nakakainis!

Nicholas's POV

Sh*t! Sh*t! Sh*t! What have I done?! Argh! Ano ba yun? Anong nagawa ko? Haist!

"Oh? Ano nanamang problema mo? Mukha kang baklang di matae eh." Sabi ni Aubrey na kasalukuyang kumakain sa tabi ko.

"Mukhang na-offend siya sa sinabi ko eh." Pagsusumbong ko sa kanya.

"Bakit, ano ba yung sinabi mo?" Agad ko namang ikinwento sa kanya yung nangyari kanina.

"Eh siraulo ka pala eh! Bat mo sinabi yun? Tanga mo!" Wow ah, na-tanga pa ako.

"Alangan naman na sabihin ko sa kanya yung totoo?" Hindi pwede. Ayokong mapahamak siya ng dahil sakin.

"Sabihin mo na kasi! Pinapahirapan niyo lang mga sarili niyo eh!" Halatang naii-stress na siya sa sitwasyon namin ngayon.

"Eh pano kung balikan nanaman siya ng mga yun? Mapapahamak nanaman siya ng dahil sakin." Ayokong may mangyaring masama sa kanya lalo na't ako ang may dahilan.

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Where stories live. Discover now