Chapter 29: Date

2.6K 80 9
                                    

Louisse's POV

3 months later......

Tatlong buwan na ang nakalipas. Tatlong buwan simula ng madgdagan ang grupo namin.

Tatlong buwan simula ng makilala namin sila.

Sa loob ng tatlong buwan na yon, mas nakilala pa namin sila.

Tatlong buwan na ang nakalipas ng sabihin niya na mahal niya ako.

Tatlong buwan ng simulan niya akong ligawan. At ngayon, nakapagdesisyon na ako. Sasagutin ko na siya. Yup. Sasagutin ko na siya.

Kasi sa loob ng tatlong buwan niyang panliligaw, mas nagustuhan ko siya. Mas lumalim yung nararamdaman ko sa kanya.

Nandito nga pala ako ngayon sa bahay. Nakahilata sa kama, inaalala yung mga nangyari nitong mga nakaraang buwan. Para na nga akong baliw dito eh. Ngumingiti ng walang dahilan.

You just want attention~
You don't want my heart~
Maybe you're just sick of the~
Thought I'm having someone new~

Nagulat ako ng may tumawag sakin.

Nick calling......

Ba't naman to tumatawag? Agad ko naman itong sinagot.

(Hello Princess. ) Argh! Ayan nanaman siya sa endearment niya. Pero nakakakilig kaya! Waah! Ang landi ko na! >.<

"Oh, bakit ka napatawag?" Syempre, dapat mag-pakipot muna.

(Wala lang man ba diyang hello?)

"Ok, uulitin ko ha. Hello Nick."

(Good. Hello din princess.)

"So, bakit ka nga napatawag?"

(Let's have a date.)

"Kelan?"

(This afternoon.)

"Ha? Ngayon na? As in now na?" Bilis naman.

(Yup. You still have 3 hours to prepare.)

"Ok sige."

(Bye princess. Take care. Papakasalan pa kita.) Sabi niya at binaba na ang tawag. Kyaah! Kinikilig ako! >_____< Nakakainis ka naman Nick eh!

Simula ng ligawan niya ako, nagbago na siya. Lagi na siyang bumabanat. Napapansin ko rin na lagi na siyang nakangiti. Kaya nga sasagutin ko na siya eh. Para wala nang makaagaw sa kanya.

"KYAAHH!!" Tili ko.

"Huy! Anyare sayo?!"

O______O

Napatigil ako sa pagtitili ng may narinig ako. S-sino yun? Hala! Baka may mumu na dito sa kwarto ko! Huhuhu!

"Tanga! Nandito kami sa may pintuan!" Wait. Kilala ko yung boses na yun. Agad naman akong tumingin sa may pintuan. Nandoon nga sila. At ano naman ginagawa nila dito?

"Uy! Di ako tanga!"

"Tsk! Edi wow!" - Amethyst.

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?"

"Ahh. So ngayon, masama ka nang dalawin." - Jhoanna. Dinadalaw? Ano ako preso?

"Porket may manliligaw ka na..." - Hannah.

"Kinalimutan mo na kami." - Amethyst. Luh! Ang dadrama nila ah.

"Uy! Di naman sa ganun."

"Sa ganun yun!" Sabay-sabay nilang sabi. Kelangan talaga sabay-sabay?

"Sorry na.... Wag na kayo magtampo." Sabi ko saka sila nilapitan. Pero di parin nila ako pinansin. Ah! Alam ko na.

"Magba-bake ako. Gusto niyo?" Agad naman silang nagsilingunan sakin.

"Sige!" Sabay-sabay nanaman nilang sabi tapos nagsibabaan na. Uso ba sabayang pagbigkas ngayon? Saka wow lang ha! Mas nauna pa talaga silang bumaba kesa sa magluluto. Anyways, bumaba na ako at sinundan sila.

----------

"Ugh! I'm full!" - Hannah.

"Me too!" - Amethyst

"Me three!" - Jhoanna.

"Oh ano, bati na tayo?" Tanong ko sa kanila.

"Oo naman! Sarap nga ng cake mo eh!" Napangiti naman ako. Naramdaman kong nag-vibrate yung cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha at binasa ang text.

From: Nick

Don't forget our date, princess.

Hala! Oo nga pala! Naku, muntik ko nang makalimutan.

"Guys, maiwan ko nalang muna kayo dito ha. May lakad kasi ako eh."

"At saan ka naman pupunta? Ha?" - Jhoanna.

"Ahm. Kasi may date ako eh."

"Ayiee! Magde-date kayo ni fafa Nicholas noh?" - Amethyst. Agad naman akong tumango.

"Kyaah!" Tili nila. Yung totoo? Nakalunok ba tong mga to ng mga megaphone?

"Sige lang. May lakad din ako eh." - Hannah.

"Me too!" - Amethyst.

"Me three!" - Jhoanna.

"Ok sige, ligo lang ako." Sabi ko at umakyat na sa taas para maligo. Eiiiii! I'm so eggzoited! \^0^/ Perfect timing to para sagutin ko siya.

Simpleng red dress lang ang sinuot ko. Minake-up-an naman ako ni Hannah. Diyan siya magaling eh. Light lang naman. Inilugay ko lang rin ang mahaba kong buhok.

"Ayan! Ready ka na!" Sabi ni Amethyst at pumalakpak pa.

"Ok lang ba itsura ko?"

"Oo naman! Ang ganda mo nga eh." - Jhoanna.

"Sure kayo?"

"Oo! Kaya gora na tayo!" - Hannah. Hinatak na nila ako palabas ng bahay.

Sila na ang nag-drive. Sinabi ko nalang sa kanila kung saan. Shocks! Kinakabahan ako na excited!

Pagdating namin sa restaurant, ay agad din silang umalis. Waah! Kinakabahan na talaga ako! Pagpasok ko sa restaurant ay agad akong sinalubong ni Nick.

Ang wafuu niya! *____* Nakasuot siya ng suit. Ang matured niyang tignan. Kung di ko lang kilala tong si Nick, baka napagkamalan ko na tong isang CEO ng kompanya. Tapos may dala pa siyang bulaklak.

"Flowers for you, my princess." Nakangiting sabi niya at ibinigay sakin ang bulaklak. Inalalayan naman niya akong umupo.

Nakita ko yung mga pagkain na nakahainsa mesa. Waah! Lahat nang mga paborito kong pagkain nandito!

"Let's eat." Mukhang nakita niya ang pagkatakam ko. Agad kong nilantakan ang mga pagkain. Ang sarap! Food is life talaga!

Kumakain ako ng ice cream ng may maalala ako. Oo nga pala! May sasabihin ako sa kanya. Huminga ako  ng malalim. This is it.

"Ahm, Nick?"

"Yes, princess?" Eto na talaga.

"I have something to tell you."








----------------------------------------------





[EDITED]






~ Ms. Sandoval





















Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Where stories live. Discover now