Chapter 18: Mhine?

3.1K 87 3
                                    

Nicholas's POV

*KRIING!*

*KRIING!*

Aish! Nubayan! Sinagot ko ang tawag ng hindi tinitignan kung sino to.

"Hello?"

(Bro! Si Lucas to!)

"Problema mo at tumawag ka?"

(San ka ba?)

"Nasa bahay bakit?"

(Kagigising mo lang noh?)

"Oo. Bakit nga?" Dami pang tanong eh. Ba't di nalang ako diretsuhin.

(G*go ka! Kanina ka pa hinihintay ni Louisse!) Sh*t! Oo nga pala! May usapan kami na magkikita kami. Pero pano nya nalaman?

"Pano mo nalaman?"

(Tang *ina mo! Naka-ilang tawag na sakin si Louisse para tanungin kung nasan ka!) Mukhang late na nga talaga ako.

"Oo na. Oo na. Sige baba ko nato." Sabi ko at binaba na yung tawag. Tinignan ko kung anong oras na. Haist! 9:00  na pala. Late na nga ako. Agad akong naligo. Kasalanan to ni Pia eh. Nagpakwento ng nagpakwento kagabi, late na tuloy ako nakatulog. Ayan na-late ako. Nagbihis ako at umalis na ng bahay. Pagdating ko sa bahay nila, si Manang lang ang sumalubong sakin.

"Manang nasan na po si Kaceline?"

"Ay naku! Kanina pa umalis. Ang tagal mo daw kasi."

"Ah sige po. Salamat Manang." Sabi ko at umalis na. Dapat pala nag-alarm nalang ako para maaga akong nagising. Pagdating ko sa bookstore, hinanap ko siya agad. Nakita ko naman siya na may kausap na lalaki. Teka, parang kilala ko to. Lumipat ako ng pwesto para makita ko kung sino yun. T*ng *na! Kilala niya yang g*gong yan?! Fvck! Sa lahat naman ng pwede niyang maka-usap si Ian pa?! Remember Ian? Yung ex-bestfriend ko. G*go talaga yun.

Louisse's POV

Nandito ako ngayon sa bookstore. Bibili kasi ako ng mga materials para sa pag-surprise kila mama. Pero tong lecheng Nick na to, iniwan ako sa ere. Hindi ako sinipot! Nakakainis siya. Naglilibilot ako ngayon, hinahanap ko yung mga glitters. May nakita akong lalaki. Siguro pwede akong magtanong sa kanya. 

"Kuya, pwede po magtanong?" Lumingon naman siya sakin. Shocks! Ang wafuu! Kyaah! Ang gwapo ni kuya!

"Ano yun?" Pati boses niya! Ang gwapo din!

"Nasan po ba yung mga glitters?"

"Ah yun ba? Nandun sa may dulo." Sabi niya at tinuro yung dulo. Nandun lang pala yun eh.

"Sige po. Salamat." Sabi ko at pinuntahan na yung mga glitters. Andyan lang pala 'to. Kumuha ako ng pink. I love pink! Umalis na ako dun at naghanap pa ng ibang mga materials. Kasalukuyan akong pumipili ng mga ribbons ng may kumalabit sakin. Hinarap ko it at laking gulat ko ng makitang si kuyang gwapo pala yun!

"Miss pwedeng paturo kung nasan yung mga paper clips?" Paper clips? Parang nadaanan ko yun ah.

"Oh sige." Sabi ko at sinamahan siya dun sa may mga paper clips.

"Thank you ha." Sabi niya at ngumiti.

"Welcome po." Sabi ko at akmang aalis na ng tawagin nya ako ulit.

"Miss ano name mo?"

"Louisse. Kaceline Louisse."

"Nice name. By the way I'm Aldrian. Ian for short." Sabi niya at nilahad yung kamay niya sakin. Tinanggap ko naman ito. Nag-usap kami ni Ian. Maganda siyang kausap. Lagi siyang nagpapatawa, di katulad ni Nick hindi nagsasalita. Teka ba't ko ba siya naiisip? Tsk.

Nagulat ako nang biglang may umakbay sakin.

O______O

What the?! Bakit nandito si Nick? Saka ba't niya ako inaakbayan? Masasapak ko 'to eh.

"Hey mhine. Sorry I'm late." Sabi niya at bigla akong hinalikan sa pisnge. Whut? Mhine? Did he just call me mhine?! And kissed me on my cheek?!

"Huh?" Yun nalang ang nasabi ko.

"Saglit lang akong nawala tapos pinagpalit mo na ako agad? Grabe ka naman mhine." Sabi niya at nag-pout pa. Luh! Anyare sa lalaking 'to?

"He's your boyfriend?" Tanong ni Ian. Sasagot na sana ako ng inunahan ako ni Nick.

"Yes. Bakit may kailangan ka sa mhine ko?"

"Nothing. I'm just asking. Well, excuse me, I'm just going to buy something. Bye Louisse." Sabi niya at kumindat pa bago umalis. Inalis ko yung pagkaka-akbay sakin ni Nick at hinarap siya.

"Para san yon? What's with that mhine thingy? Kung akala mo ok ka na sa kasalanan mo sakin, pwes hindi! Dalawang oras akong naghintay sayo. Tapos ngayon, bigla ka nalang dadating at guguluhin mo pa kami ni Ian?! Aba matinde!" Mahabang lintanya ko sa kanya.

"Look, I'm sorry ok? Di ko sinasadyang paghintayin ka. And about Ian? Forget it." Sagot niya.

"Why? Magkakialala ba kayo?"

"It's none of your business." Sagot niya at naglakad paalis. Ipinagpatuloy namin ang pagbili ng mga materials. Pag-uwi namin sa bahay, agad kaming nag-decorate at nag-ayos. Tapos na rin magluto si Manang kaya all set na. Tinenxt ko na rin si kuya na pumunta na dito. So, siguro on the way na yun. Ang kulang nalang sila Mama.

"Nick papuntahin na natin dito sila Mama."

"Ok." Sagot niya. Tinawag ko na si Mama na agad naman niyang sinagot.

"Hello mama!"

(Oh anak napatawag ka?)

"Busy ba kayo ni Papa?"

(Hmm. Hindi naman bakit?)

"Pwede punta po kayo dito sa bahay. Please?"

(Sure. Pero bakit?)

"Basta po mama. Malalaman nyo pag dating nyo dito."

(Ok bye. Love you.)

"Love you too." Sabi ko at binaba na ang tawag. Katapos lang din tumawag ni Nick kila Tito at Tita. Sana matuwa sila sa hinanda namin.

DING DONG!

Nandyan na yata sila kuya. Pagbukas ko ng pinto, nandyan na nga sila.

"Ano pandak ayos na ba?" Tanong sakin ni kuya.

"Yup. Ayos na ayos." Sabi ko.

DING DONG!

Mukhang nandyan na yata sila Mama. Pinatay na namin ang lahat ng ilaw. Pagkabukas na paglabukas ng pinto ay lahat kami sumigaw ng...

"SURPRISE!!" We said in unison.

"Anong meron? Saka bakit nandito sila Scar?" Tanong ni Mama.

"We have to tell you something." Sabi ni Ate Lovely.

"What is it?" This time, si Tita Scar naman ang nagsalita.

"My wife is pregnant." Anunsyo ni kuya. Tuwang-tuwa naman sila.

"Talaga?! Kyaah! Congrats!" Sabi ni Mama.

"Congrats sa inyo ha!" Sabi naman ni Tita Scar. Tapos nagyakapan pa sila ni Mama.

"Ok Tama na yan! Kainan na!" Sabi ko at pumunta na sa may lamesa. Masaya naman silang nagsipuntahan sa lamesa. Maya-maya lang ay dumating na rin sila Jhoanna kasama sila Lucas. Pinasunod ko kasi sila. Hayy! Ang saya ngayong araw. Madadagdagan nanaman kami sa family.



------------------------------------------------

[EDITED]




~Ms. Sandoval

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Where stories live. Discover now