Chapter 23: Am I Jealous?

3.1K 86 7
                                    

Louisse's POV

Hay! Nakakatamad naman. Ano bang pwedeng gawin? Boring naman kapag nag-cellphone, kapag kumain, nakakapagod. Hanuna?! Makatulog na nga lang.

*BLAG! BLAG!*

What the! Ano yun?! Hala! Baka may magnanakaw! Tumayo ako at kinuha ang baseball bat ko. Meron talaga ako neto, in case of emergency. Dahan dahan akong naglakad papuntang pintuan. Dinikit ko ang tenga ko sa may pintuan para marinig kung anong nangyayari sa labas.

"bzussajaanahin" May naririnig akong bulungan pero hindi ko marinig kung ano yung sinasabi.

Napagdesisyunan kong buksan nalang ang pinto. Nakaready na yung isa kong kamay na ihampas sa kung sino man ang nasa labas.

"Kyaah!" Sigaw ko nang makita kung sino yung nasa labas.

"Waah! WHITE LADY!" Sigaw ko ulit. Hindi pala magnanakaw yung nasa labas kundi mumu! Uwaah!

"HAHAHAHA!!" Whut? Tumatawa yung multo? Nang tignan ko ang paligid ay hindi nag-iisa yung multo kundi tatlo! At ngayon ko lang napagtanto na sila Jhoanna at Amethyst pala yung tumatawa!

"Hahahaha! Ang epic ng mukha mo!" - Jhoanna.

"Wahahaha! Grabe! Hahaha!"- Amethyst.

"Bwahahaha! Grabe yung mukhaan ni Louisse!" - Hannah.

"Ang bad niyo sakin! Alam niyo naman na takot ako sa mumu eh!" sabi ko at nag-pout. Hindi parin sila tumitigil sa kakatawa. Seriously? Nag-enjoy pa talaga sila na takutin ako?!

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila. Tumayo sila ng maayos at pinunasan ang mga mata nilang maluha-luha na sa kakatawa.

"Bakit? Ayaw mo ba na nandito kami? Sige aalis nalang kami." sabi ni Hannah at tumalikod sakin.

"Wait lang naman! Wala naman akong sinasabi na ganyan ah! Nagtatanong lang eh." Humarap sakin si Hannah ng nakangiti.

"Binibisita ka lang naman namin eh." sabi ni Amethyst. Hinubad naman na ni Hannah yung custome nya.

"Pwede niyo naman akong tawagan para sabihin an pupunta kayo. Hindi yung mananakot pa kayo." - ako.

"Ayaw mo nun surprise?" Jhoanna.

"Yeah. Whatever. Dun tayo sa baba." aya ko sa kanila. Agad naman silang sumunod sakin.

"Ano gusto niyong kainin?" tanong ko sa kanila na prenteng naka-upo sa sofa namin.

"Ikaw bahala." Sagot ni Amethyst ng hindi tumitingin sakin. Pumunta na ako sa kitchen. Napagdesisyunan kong cookies at juice nalang ang ihain sa kanila.

Pagbalik ko, may kausap si Jhoanna sa cp niya.

"Wait lang loudspeaker ko lang." Rinig kong sabi niya. Nilapag niya sa table yung cp niya at ni-loudspeaker.

"Oh. Ano na yung sasabihin mo." - Jhoanna.

(Uhm. Girls gusto sana namin kayong imbitahan sa resort ko. You know, relax relax saka para makapag-bonding din tayo.) Si Lucas pala yan.

"Kelan ba yan?" - Amethyst.

(Ngayon.) Sagot ni Sean. Mukhang naka-loudspeaker din sila.

"Ano girls, sama tayo?" Tanong samin ni Hannah.

"Hmm. Sige payag ako." - ako.

"Ok lang sakin." - Jhoanna.

"Sama ako." - Amethyst.

"Ah sige payag na kami." - Hannah.

(Ok. Susunduin namin kayo mamayang 12:00 pm okay?) This time, si Joaqin na yung sumagot.

"Ok." We said in unison. Binaba na namin yung tawag.

"Excited na ako." sabi ko.

"Kami rin." Pag-sangayon nila. Nagsimula na kaming mag-ayos ng mga gamit namin.

----------------

Tapos na kaming mag-ayos. Nagdala na rin kami ng extrang damit. Buti nalang talaga at may extra clothes sakin 'tong tatlong 'to.

"Ok na kayo?" Tanong samin ni Jhoanna. Nagsitanguan naman kaming lahat.

*BEEP! BEEP!*

"Mukhang sila na yan." sabi ko. Agad naman kaming nagsitayuan at lumabas na ng bahay. Paglabas namin ay naghihintay na sila sa loob ng van.

Agad naman kaming pumwesto. Si Sean yung driver, katabi niya si Amethyst. Nasa second row naman sila Nick at Joaqin. Nauna na daw sa resort si Lucas. Nasa last row naman kami nila Hannah at Jhoanna.

Akala ko diretso na kami sa resort pero may dadaanan pa pala kami. Dadaanan pa daw namin yung Sam. Sino kaya yun? Baka ka-tropa lang nila.

Pero laking gulat ko na babae pala ito. Maganda siya, oo pero di ko siya feel. Lalo na at tumabi pa ito kay Nick. At ito pa, niyakap niya si Nick. NIYAKAP! Tsk! Hindi ko nalang sila pinansin.

Habang nagbabyahe kami, ay dinig na dinig ko yung hagikgikan nilang dalawa. Grr! Ang ingay ingay nila! Sarap nilang busalan! Nagearphone nalang ako at binaling sa labas ang atensyon ko.

Maya-maya napansin kong hindi na sila naghaharutan at nakasandal na yung ulo ni Sam sa balikat ni Nick. Tapos yung ulo ni Nick nakapatong sa ulo ni Sam. How sweet! (please note the sarcasm) =________=

"Wag mo na kasi tignan para di ka masaktan." Bulong sakin ni Hannah.

"Huh? Bakit naman ako masasaktan?"

"Sus. Eh kulang na nga lang magtransform ka bilang monster diyan eh." - Hannah. Umiling nalang ako at natulog.

Pero argh! Hindi ako makatulog! Sa tuwing pipikit ako, nakikita ko yung imahe ni Nick at Sam na masaya. Na magkasama. Bigla naman nanikip yung dibdib ko. Yung tipong pinipiga.

Hindi rin nagtagal at nakarating na kami sa resort. Agad naman kaming sinalubong ni Lucas.

"Hello Sam! Long time no see." Sabi ni Lucas dun kay Sam. So magkakilala sila? Tch.

"Hello din." Tss! Pa-humble naman 'to. If I know nasa loob ang kulo niyan.

Nagsimula na kaming maglakad. Ang ganda naman ng resort nila Lucas. Ang yaman siguro nila.

"Ouch!" Rinig naming daing ni Sam. Natipalok pala. Parang yun lang?! Ang arte ha!

"Kaya mo ba maglakad?" Tanong sa kaniya ni Nick. Umiling naman ito. Ano?! Pabebe lang?! Bigla naman siyang binuhat ni Nick. Ito nanaman yung kirot sa puso ko. ARGH! I hate Sam! I hate Nick! I HATE BOTH OF THEM!!








-----------------------------------------------------






[EDITED]




~ Ms. Sandoval

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα