Chapter 33: New friends?

2.6K 72 4
                                    

Louisse's POV

"Mhine....."

Anong ibig niyang sabihin na sa kanya lang si mhine? Balak niya bang agawin sakin si mhine?

"Mhine? Nakikinig ka ba?"

Kung yun Ang balak niya, pwes hindi ako papayag. Dadaan muna siya sakin bago niya makuha si mhine.

"Mhine, ok ka lang ba?"

Nabalik lang ako sa reayalidad ng tawagin ako ni mhine. Ha? May sinasabi ba siya?

"H-ha? M-may sinasabi ka ba?" Mapabuntong hininga siya.

"Ok ka lang ba? Parang may problem ka eh."

"Wala ah." Sabi ko at nag-iwas ng tingin. Ayaw ko lang malaman niya.

"Tsk. Alam ko meron eh. Spill it." Sabihin ko ba? Hayy sige na nga.

"Eh kasi may nagsabi sakin na layuan daw kita kasi mapapahamak lang daw ako. Saka sa kanya ka lang daw."

"Sino naman ang nagsabi sayo niyan?"

"Ahm si Lizelle."

"Listen. Hindi totoo yung mga pinagsasabi niyang Lizelle na yan ok? Alam mo namang sayo lang ako diba? Walang makakakuha sakin mula sayo. Atsaka tungkol sa kaligtasan mo? Hangga't nasa tabi mo ako, ligtas ka. Yang pinagsasabi ng Lizelle na yan, puro mga kasinungalinga lang. Wag kang maniniwala sa kanya ok?" Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni mhine. Gusto ko kasing manggaling mismo say bibig niya ang totoo. Siya lang ang paniniwalaan ko.

"Ano yan ha? Anong kadramahan yan?" Biglang sabi ni Jhoanna. Teka, parang kanina lang, wala siya dyan ah. Tapos ngayon, nandiyan na siya? Ano yun magic? Napansin ko na nandyan na rin pala yung iba.

"May lahi ba kayong mga kabute?" Tanong ko sa kanila.

"Wala naman, bakit?" Naguguluhang sagot ni Hannah. Pfft di nila na-gets.

"Eh Kasi, sulpot nalang kayo ng sulpot eh! Hahaha!"

*Silence*

Agad naman akong napatigil sa pagtawa ng mapansing tumahimik sila.

"Ano, tapos ka na bang tumawa? Pwede na kaming umupo?" Sabi ni Amethyst saka umupo.

"Ha-ha-ha-ha dami kong tawa sayo mga apat." Sabi ni Lucas. Aba't! Kailangan talagang bilangin pa yung tawa?

"Louisse, pwede sa susunod wag ka mag-joke." - Sean. Bakit, anong problema nila sa pagjo-joke ko?

"Bakit naman?" - ako.

"Ang corny mo eh!" Sabay-sabay nilang sabi. Kailangan talaga sabay-sabay? And take note, pati si mhine nakisali din.

"Ano bang problema niyo sa joke ko? Kung ayaw niyo, edi wag niyong pakinggan. Saka pati ba naman ikaw mhine? Ayaw mo sa joke ko?" - ako.

"MHINE?!" Sabay-sabay nanaman nilang sabi. Seriously? Nag-practice ba sila na sabay-sabay silang magsalita?

"What with the reaction guys?" Sabi ni mhine. Oo nga, ano ba ang ikinagugulat nila?

"Mhine? CS niyo?" - Joaqin. Sabay kaming tumango ni mhine. Nagulat sila ulit. Ano ba kasing problema at nagkakaganyan sila?

"Ibig sabihin..... Kayong dalawa.....?" - Jhoanna. Ay! Oo nga pala, di pa namin nasasabi sa kanila na sinagot ko na siya. Hinawakan Ni mhine ang kamay ko saka sila hinarap.

"Yes. Sinagot na niya ako." Nakangiting sabi niya sa kanila.

"Kyaah!" Tili nila Hannah, Jhoanna at Amethyst. Gosh! Mababasag na yata eardrums ko---- I mean namin dahil sa boses nila.

"Imba ka talaga bro!" Sabi ni Sean at nakipag-apir kay mhine. Ganun din ang ginawa nila Lucas at Joaqin. Nakakatuwa lang na masaya sila para sa amin ni mhine.

"Eh ako kaya, kelan magiging kami ni Jhoanna?" Kinalabit ni Lucas si Jhoanna. "Babe? Kelan mo ba ako balak sagutin?"

"Lul! Pakyu! Ni Hindi mo nga ako nililigawan eh!" - Jhoanna.

"Yun lang ba? Sige! Liligawan na Kita ngayon din!" Masayang sabi ni Lucas. Mapang-asar talag tong lalaking to eh.

"No thanks! Bakit pumayag ba ako?" - Jhoanna.

"Bakit, hinihingi ko ba permiso mo? It's a statement babe, not a question." Sabi ni Lucas saka kinindatan si Jhoanna. Nakita ko naman na natigilan ito, pero inirapan lang niya si Lucas. Ayiee! Nagdadalaga na si Jhoanna. Natigil naman kami sa pagku-kwento ng dumating si ma'am. At di siya nag-iisa, may kasama siyang dalawang babae. At kambal sila! Waah! Ang cute nilang tignan. Hihihi.

"Class, we have transferries. Girls, introduce yourselves." Sabi ni ma'am.

"Hi po I'm Marriane Kyla David. 17 yrs. Old." Sabi nung babaeng mukhang mabait.

"Hello I'm Krizhane Mae David. 17. And as you can see, were twins." Maangas na sabi ng babaeng mukhang bad girl.

"Ok girls, you may now take your seats." Umupo sila sa may harap ko. At dahil isa akong dakilang chismosa, pero maganda naman, agad ko silang kinalabit. Agad naman silang napalingon sakin. Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis.

"Hello sa into! Ako nga pala si Louisse! Nice meeting you two! ^_____^" masayang bati ko sa kanila.

"Hello din. Ako nga pala si Marriane Kyla. You can call me Marriane." Sabi ni Kyla saka rin siya ngumiti. Waah! Ang ganda niya!

"I'm Krizhane Mae. You can call me KM." Sabi ni Mae in a maangas way. Haha ang cute naman this girl. Actually, hindi naman pala siya bad girl, mabait naman siya. Sadyang ganun lang talaga Ang dating niya.

* * * * *

Break time na. Sabay-sabay kaming nagpunta sa canteen. Inaya ko rin sila Mae at Kyla at pumayag naman sila. Wala naman kasing ibang kakilala yung kambal kaya samin nalang muna sila sumama.

"KM, Marriane, ito nga pala yung mga kaibigan ko. Guys, sila Mae at Kyla." Pagpapakilala ko sa kanila.

"Hello! Ako nga pala si Jhoanna." - Jhoanna.

"Hannah."

"Amethyst."

"Sean."

"Joaqin"

"And I'm Lucas, the one and only *wink*" tsk! Ayan nanaman siya sa pagka-playboy niya. Siniko naman siya ni Jhoanna at pinandilatan ng mga mata.

"Bakit babe, selos ka?" Mapang-asar na Sabi ni Lucas.

"Huh! Asa ka!" Sabi ni Jhoanna at inirapan siya.

"I'm Nicholas, Louisse's boyfriend." Biglang singit ni mhine.

"Ayiee!" Pang-aasar nila sa amin. Take note, pati yung kambal, nakiki-asar na din. Napailing nalang si mhine.

"Tsk. Let's go mhine. Iwan na natin tong mga baliw na to dito." Agad naman niya ako pinaalis dun. Narinig ko pa yung mga sigaw nila.

"Baka mamaya, pagbalik niyo tatlo na kayo ha!" Hay nako, tong mga to talaga. Pero kahit na ganyan yang mga yan, Mahal ko sila. Sa tingin ko nga, madadagdagan nanaman kami eh.





------------------------------------------------


~ Ms. Sandoval







Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Where stories live. Discover now