Chapter 54: Jealous Alert

1.9K 53 2
                                    

Louisse's POV

Waaah! I'm so happy! Kyaah! Finally I have pamangkin na! And he's soooooo handsome. Napakagwapong bata. Si Ate Lovely naman ay gising na. Kailangan niya lang daw munang magpahinga, sabi ng doktor.

Zach Anderson. Yan ang name ng first baby nila kuya. Ang ganda ng name noh?  Pangalan palang pogi na hihihi.

Nasa school na ako ngayon. Mamaya, pagkatapos ng klase, bibisitahin ko ulit si baby Zach. Kung pwede nga lang umabsent eh. Kaya lang papagalitan ako ni mama. Takot ko lang dun hakhak. 

"Besh, dadalawin mo ba si baby Zach?" Tanong sakin ni Jhoanna.

"Yup, why?"

"Kiss mo nalang ako sa kanya ha? Hindi kasi ako makakasama sayo eh. May gagawin ako."

"Oh sure." Sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Break time kasi namin ngayon eh. Kaya onting tiis nalang mapupuntahan ko na rin si baby Zach.

Fast forward

Nandito ako ngayon sa lobby ng ospital. Papunta na ako sa room ni Ate Lovely. Pagdating ko ay buhat buhat ni kuya si baby Zach.

"Baby Zaaaaach!" Sigaw ko saka nilapitan si kuya. Agad naman niyang inilayo sakin si Baby Zach. Waaah! Nooooo!

"Kuya naman eh! Ang damot mo!" Sabi ko saka nag-pout. Narinig ko naman na tumawa si Ate Lovely. Eh? Tawanan ba naman ako?

"Ate Lovely oh! Si kuya ang damot!" Pagsusumbong ko sa kanya. Alam ko naman kasi na under si kuya kay Ate Lovely eh mwehehehehe.

"Jonas, ibigay mo muna si Zach kay Louisse." Mahinahong sabi niya kay kuya. Binelatan ko naman siya.

"Ayoko nga! Mag-anak ka ng sayo!" Luh! Ang bad talaga ni kuya sakin >3<

"Waah! Isusumbong kita kay Mama!" Saka ako umacting na parang iiyak na.

"Oh, ito na. Iiyak ka na eh." Sabi niya saka inabot sakin si Baby Zach. Waah! He's so cute talaga!

"Hello baby Zach kooooo. Tita's here."

"Oy! Wag mo nga angkinin ang anak ko! Kung gusto mo, mag-anak ka ng sayo!" Epal talaga tong si kuya eh.

"Heh! Manahimik ka ngang panget ka!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Itinuon ko nalang ang pansin ko kay baby Zach.

He's soooooo cute talaga ! Sana ganito din ka-cute yung magiging anak ko in the future.

Bigla naman akong nalungkot dahil sa naisip ko. Pano pa Yun mangyayari kung wala na kami ni mhine? Siya kasi yung lalaking nakikita kong mapapangasawa ko. Ang magiging tatay ng magiging anak ko. Ang makakasama ko habang buhay.

Pero nawala yun dahil nakipaghiwalay siya. Dahil iniwan niya ako. Kasama pa naman siya sa lahat ng pangarap ko. Sayang talaga. Iwinaksi ko iyon sa aking isipan at itinuon ang atensyon kay baby Zach.

"Baby Zach, wag mo ako iiwan ah? Achuchuchu." Ang cute niya talaga.

Nilaro-laro ko siya. Nakakawala siya ng stress.

Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto. Baka lumabas lang si kuya. Hindi ko nalang ito pinansin dahil busy ako kay baby Zach.

"May I borrow him?"

0______0

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Alam ko kung kanino boses yun. Pero bakit siya nandito? Ay tangiks! Kapatid niya nga pala si Ate Lovely kaya malamang dadalawin niya to.

Napa-angat ako ng tingin. Shocks! Siya nga. Wala naman siyang pjnagbago. Gwapo pa rin siya. Kaya lang bumalik siya sa dating Nick. Yung cold na Nick.

"H-ha?"

"I said may I borrow my nephew?" Walang emosyong sabi niya.

"Ah s-sige. Ito oh." Sabi ko saka inabot sa kanya si baby Zach. Nagkadikit pa nga yung mga kamay namin eh. Parang may... spark?

Argh! Maybe I'm just imagining things.

Naglakad na ako papunta sa may pinto.

"Oh pandak, san ka pupunta?" Tanong ni kuya.

"Bibili lang ako ng pagkain." Sagot ko. Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya. Agad na akong lumabas.

Ayokong nasa iisang kwarto kami ni Nick. Hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa.

Naglakad-lakad ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa may mahagip ang mata ko. Parang familiar siya. Nang humarap siya sa direksyon ko ay saka ko nakumpirma ang hinala ko.

"Ian!" Tawag ko sa kanya. Yup, si Ian nga yon. Ano kayang ginagawa niya  dito?

"Louisse?" Nakangiti akong tumango sa kanya.

"Ako nga. Anong ginagawa mo dito?"

"Dinalaw ko lang yung kapatid ko. Ikaw?" May kapatid siya?

"Dinadalaw ko lang yung asawa ng  kuya ko." Napatango-tango naman siya.

"May kapatid ka pala?"

"Ah oo. Nag-iisang nga lang eh."

"Babae?" Tumango naman siya. Waah! Pwede ko siya maging kaibigan!

"Talaga? Pwede ko ba siyang ma-meet?" Bigla namang lumungkot ang mukha niya. Halaaaaaaa anyare?

"Hindi pwede eh." Saka siya napayuko.

"Ha? Bakit naman?"

"S-she's in a comma right now." Pumiyok na yung boses niya. What? Comatose yung kapatid niya?

"Sorry." Nang inangat niya ang ulo niya ay may mga luhang tumutulo sa mga mata niya. Waah! First time kong makakita ng lalaking umiiyak!

"It's ok." Nakangiting sabi niya. Wow, kahit naiyak siya nagawa niya pa ring ngumiti. He deserves a hug. ^__^

Inunat ko yung dalawa kong kamay. At binigyan siya ng 'yakapin-mo-ko-look'. Napatawa naman siya saka ako niyakap.

Nicholas's POV

Tsk. Nasan na ba yung babaeng yun? Akala ko ba bibili lang siya ng pagkain?

Naglalakad ako ngayon sa lobby ng ospital. Hinahanap si mhine. Nasan na ba kasi yun? Baka mamaya kung ano nang nangyari dun eh.

"Sshhh. Tahan na. Wag ka nang umiyak." Teka, boses yun ni mhine ah. Hinanap ko kung saan ito nanggaling.

Nakita ko naman siya agad.

What. The. Hell.

What's the meaning of this?!

Bakit magkayakap sila ni Ian?! What the f*ck?!

At may pahagod-hagod pa siya ng likod na nalalaman ha? Aagawin nanaman ba niya sakin yung mahal ko?

Nakakapang-init sila ng ulo. Hindi na ako nakapagpigil pa. Pumunta na ako sa kanila at hinigit si mhine. Sinamaan ko ng tingin si Ian bago ko kinuha ang dapat akin.







-----------------------------------------------------

~ Ms. Sandoval





Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Where stories live. Discover now