Chapter 42: Past is Past

2.2K 61 10
                                    

Louisse's POV

Tss! Nakakainis yang Aubrey na yan ha! Araw-araw nalang siyang nambubulabog. Tss! Di ba siya nagsasawa? Saka bakit ba ayaw niyang tigilan si mhine? Nakikita naman niya si mhine na masaya na, pero bakit pinagsisiksikan niya pa rin ang sarili niya? Haist sayang ang ganda niya kung nagpapakabaliw lang siya sa isang lalaki.

"Hmm......" Ito namang isang to, napakaantukin. Ayan, natutulog habang nakayakap sakin. Hahaha nakanganga pa. Aha! May naisip ako!

Kinuha ko yung cp niya. Pinatago niya kasi sakin. Una, pinicturan ko siya. Ang cuteeee! Tapos nag selfie ako kasama siya.

*Click click*

Ang cute niya talaga. Picture pa rin ako ng picture hanggang sa...

*tsup!*

Ninakawan niya ako ng halik! Sa pisnge lang naman. Pero kahit na!

"Aaahhhh! Magnanakaw ka! Magnanakaw ng halik!" >.< Eiiiii kasi naman eh.

"Anong magnanakaw? Ikaw nga ang magnanakaw diyan eh." Wow ha! Ako pa yung naging magnanakaw ngayon?

"Wala naman akong ninanakaw sayo ah!"

"Meron."

"Ano naman?"

"My heart. You stole my heart. At makukulong ka sa..... mga bisig ko."

>/////<

>_______<

Naman eh! Ba't ganyan siya bumanat? Sobrang nakakakilig!

"Heh! Manahimik ka nga diyan. Kung ano-ano pinagsasabi mo eh." Saka nag-iwas ng tingin.

"Ano yan mahal ko? Ba't hawak mo cp ko?" Sabi Nita atsaka yumapos nanaman. Nitong mga nakaraang araw, nagiging clingy na si mhine. Pero okay lang, ang cute nga niya eh. Para siyang koala.

"Ha? Ah wala nag-picture lang ako."

"Really? Let me see." Kinuha niya yung cp sakin saka tinignan yung mga pictures na nandun.

"Kung gusto mong magpa-picture sakin, sabihin mo lang mhine. Pagbibigyan naman kita eh." Pa-cool niyang sabi.

"Ang yabang."

"Mahal mo naman." Ang yabang talaga.

"Talaga lang huh." Bigla namang sumeryoso ang mukha niya. Anyare dito?

"Hindi mo na ba ako mahal? May iba ka na bang mahal?"

"Pfft hahahaha!" Nakakatawa siya. Kakaiba din tong mag-isip eh.

"Anong nakakatawa? So totoo nga? May iba ka na nga. Katulad ka rin pala ni------" Hindi ko na siya pinatapos dahil hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. Ang dami niya pang sinasabi eh.

"Wag ka ngang ano diyan! Di kita kayang ipagpalit noh!" Niyakap ko siya. Ang bango talaga ng mhine ko.

"I love you." Mahinang Sabi ko sa kanya.

"I love you too." Sagot niya saka ako hinalikan sa noo.

Catalina Aubrey's POV

"I love you."

"I love you too."

</3

TT______TT

Ang sakit. Ang sakit sakit panoorin Kung pano makipaglampungan yung taong Mahal mo sa iba. Dapat kasi ako yan eh. Dapat ako yung nilalambing niya ngayon. Dapat ako yung ninanakawan niya ng halik. Dapat ako yung binabanatan niya. Dapat ako yung kinikilig ngayon. Dapat ako yung sinasabihan niya ng 'i love you'. Pero hindi eh. Kasalanan niya to.

Kung hindi niya dinamay ang mga  magulang ko, sana hindi ako nakipaghiwalay kay Dylan. Sana kami parin hanggang ngayon. Sana masaya ako ngayon. Umalis na ako sa ligar na iyon. Alam ko naman kasi na masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy ko pa ang panonood sa kanila.

Mababawi din kita sa kanya babe. Mag-intay ka lang.

Dumiretso ako sa secret place ko. Hindi naman ito kalayuan sa School. Lagi akong pumupunta dito kapag masama ang loob ko. Pumupunta rin ako dito kapag gusto kong umiyak.

Sa ngayon ay tahimik akong umiiyak sa may sulok. Ang sakit kasi nung bakita ko kanina eh. Naiinis ako sa sarili ko. Kung hindi sana ako uto-uto at natakot sa kaniya, Sana masaya ako ngayon. Edi sana wala ako dito sa sulok at umiiyak.

Bakit ba kasi pinanganak akong Bobo at tanga? Ayan tuloy, nasasaktan ako ngayon. Kung pwede lang sanang ibalik ang nakaraan, edi sana naitama ko yung mga pagkakamapi ko. Pero wala na akong magagawa, natapos na eh. Ang tanging solusyon nalang at ang bawiin si Dylan.

Yes, babawiin ko siya. Kahit na magmukha akong tanga sa kanila. Kahit na ipagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kanya. Lahat gagawin ko bumalik lang siya sakin. Ganun ko siya kamahal.


"O-ouch." May matigas na bagay ang tumama sa ulo ko. Ano ba yun? Ang sakit ah! Lumingon-lingon ako, tinitignan kung sino  yung nangbato sakin. Wala naman.

"Tss."

O______O

Sino yun? Wala namang tao dito ah. Hala baka aswang!

"S-sino ka?" Kausap ko dun sa nagsalita.

"Stupid." Nilingon ko yung likod ko. Waah!

"Aaahhhh! May aswang! May aswang! Tulong! Tulungan niyo ako! Waah! Huhuhu! Tulong! Waa----" tinakpan niya yung bibig ko. Hala aswang na rapist!

"Shut up will you? You're too noisy." Eh? Marunong mag-english yung aswang/rapist? Pinakawalan naman niya yung bibig ko. Hinarap ko siya at tinignan.

*_______*

Ahihihi! Ang wafuu naman this boy! Erase! Erase! Siya kaya yung nangbato sakin. Ang sakit kaya nun! Baka nga may bukol na ako eh. Nagsimula na siyang maglakad palayo.

"Wait lang! Di ka pa nga nagso-sorry sakin eh!" Hinawakan ko siya sa braso. Malamig niya akong tinignan.

"Why would I?" Ay, Ang taray! Engleserong palaka!

"Hello? Binato mo Kaya ako ng bato sa ulo."

"So what?" Aba! Ang taray ah!

"Eiiiii! Mag-sorry ka! Now na!" Nagpapapadyak na ako ng paa ko.

"Tch." Tapos may binato siyang panyo sakin. Eh? Aanhin ko naman to?

"Ipunas mo sa mukha mo. Puro ka sipon. Disgusting." Maarteng sabi niya sabay alis.

Ang arte naman ng lalaki slash aswang slash rapist na yun! Pero infairness ha, ang bango ng panyo niya. Hmp! Makaalis na nga dito.








------------------------------------------------------------







~Ms. Sandoval










Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Where stories live. Discover now