Chapter 60: Province (Part 2)

1.6K 45 1
                                    

Louisse's POV

Ilang araw pa ang nagdaan at nandito pa rin kami sa Masbate. Masyado silang mag-eenjoy. Kulang na nga lang tumira sila dito eh hahaha. At sa mga nagdaang na araw na yun ay nawewirduhan ako kila Jake at mhine. Alam niyo yung feeling na nagpapaligsahan sila?


Lagi silang nag-uunahan sa pagtulong sakin, o di kaya ay nag-aalok sila ng kung ano-ano. Tapos ay magtititigan silang dalawa. Minsan nga, naiisip ko na bakla silang dalawa eh. Kung makapagtitigan eh, akala mo mag-jowa haha. Forbidden love ba.



"Pandak, lollipop oh." Biglang sulpot ni Jake sa tabi ko. Haist, ayan nanaman siya. Tignan niyo, maya-maya ay susulpot na din si mhine.




"Ikaw mhine, gusto mo ng ice cream?" Sabi ni mhine na ngayon ay nasa tabi ko na rin. See? Lagi nalang ganyan ang scenario naming tatlo.




"Paborito niya ang lollipop." Sabi ni Jake at pacool na tinignan si mhine.




"Paborito niya rin ang ice cream." Mhine said then smirk. Hanggang sa nagtitigan nanaman sila. Seriously? Lagi nalang ba sila ganito? Ano bang trip ng dalawang to?





"Hep! Wag na kayo mag-anuhan diyan. Pareho ko nalang kukunin tutal pareho ko namang paborito eh. Okay ba?" Sabi ko sa kanila. Pareho kong kinuha ang mga inaalok nila. Gutom ako eh hehehe.






"KM!" Tawag ko kay KM na kasalukuyang naglalakad mag-isa. Ay, nakalimutan ko palang sabihin na naglalakad kami ngayon papunta sa baryo. May fiesta kasi dun kaya makikisaya kami. At isa pa, ilang araw nalang at uuwi na kami. Kelangan na kasi naming bumalik sa school eh. Tapos na ang bakasyon.






Bale, magkakapares kami. Si Jhoanna at Lucas na panay ang bangayan. Si Hannah at Joaqin na nagtatawanan. Sila Amethyst at Sean na tahimik na nag-uusap. Sila Marriane at Mark na ngayon ay nagmumurahan. Tapos si KM na mag-isang naglalakad. LQ yata sila ni Kenneth eh. Ang layo kasi nila sa isa't-isa. Nasa unahan si Kenneth tapos nasa pinakadulo naman si KM.






"Oh Louisse, bakit?" Tanong niya. Agad naman akong kumapit sa braso niya. Bahala sila mhine at Jake mag-date dun hakhak.






"Lollipop?" Marami naman yung binigay ni Jake kaya ok lang na bigyan ko si KM.





"Thanks." Sabi niya pero hindi siya nakangiti. May LQ nga talaga sila ni Kenneth.





"Ok ka lang ba? May problema ka ba?"







"Naku! Wala ah!" Tapos ay tumawa siya. Tawang pilit.




"Wag ako KM, don't me. Alam kong may problema ka."




"Eh kasi naman eh, hindi ako pinapansin ni Luis." Malungkot niyang sabi.




"May nagawa ka na para ikagalit niya sayo?"



"Yun na nga eh, hindi ko alam kung bakit siya nagagalit. Nagsimula lang yan kahapon. Na hindi ko alam na tinatawag niya na pala ako. Kausap ko kasi si Mario nun, yung anak ng kumare ni Mama." Napangiti nalang ako ng marinig ko ang sinabi niya. Hahaha! Alam ko naaaaaa!




"Someone is jealous! Hahaha!" Malakas kong sigaw. Yung maririnig talaga ni Kenneth huehue.


At lumingon nga siya. Tinaasan niya ako ng kilay. Nginisihan ko lang naman siya. Akala mo ha! Selos ka lang eh! Hahahahaha!


-----------------------

Nandito na kami ngayon sa plaza. Ang daming tao. Tapos ang dami ring pagkain! Sakto, nagutom ako sa paglalakad kanina hehe.



Kasalukuyan na kaming nalamon. Oo, lamon talaga. Kami kasing mga girls ay magkakasundo pagdating sa pagkain. Ewan ko lang sa boys ah.




"Pandak, ito pa oh." Saka inabot sakin ni Jake yung manok.



"Lamats!" Sagot ko saka kinuha yung binibigay niya.




"Mhine, dahan-dahan lang ah. Baka mabulunan ka niyan." Paalala sakin ni mhine.



"Opo boss!" Tapos at nagsaludo pa ako hahaha.




"Uhm, pandak, Nicholas, pwede bang mag-usap mamaya pagkatapos nating kumain?" Biglang sabi ni Jake. Eh? Anong nakain nito at kakausapin kami ni mhine? Napatingin ako sa plato niya. Ay, lechon pala yung nakain niya hakhak.



"Ako rin, may sasabihin ako sayo." Sabi ni mhine. Tinignan niya pa ng masama si Jake. Ito namang si Jake, tumawa lang. Tsk. Tsk. Napapaligiran ako ng mga baliw bwahahahaha!




Pagkatapos kumain ay agad kaming nagpaalam na mag-uusap lang kami.




Agad kaming nagtungo sa isang lugar na walang tao.



Tumikhim si Jake.


"Uhm, una sa lahat, gusto kong mag-sorry sa mga pinaggagawa ko nitong mga nagdaang araw. Pasensya na kung nakikipagpaligsahan ako sayo Nicholas. Pasensya na din pandak kung nadamay ka pa. Napagtripan ko lang talaga kayo hehe. Peace tayo." Ani ni Jake. May saltik talaga tong isang to.



"Tatapatin kita, may gusto ka ba kay mhine?" Diretsuhang tanong ni mhine kay Jake.



Napahalakhak naman si Jake. Luh? Baliw na talaga to.


"Pfft! Nagpapatawa ka ba? Parang nakakabatang kapatid ko na yang si pandak eh. Saka may iba na akong gusto noh." Whut? Sino naman kaya ang maswerteng babae na yun?





"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo."



"Pero teka! Jake! Sino yung babaeng gusto mo?" Naiintriga kasi talaga ako eh.




"Malalaman mo din sa tamang panahon hahaha." Luh? Nubayan!



"Wag ka nang makialam sa lovelife ng iba mhine haha." Napa-pout nalang ako. Pagtulungan ba naman ako?







--------------------------------------------------------

~ Ms. Sandoval





Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Where stories live. Discover now