Chapter 11: Sorry

3.5K 92 3
                                    

Louisse's POV

Gumising at natulog ako ng may sama ng loob. Oo, dinamdam ko yung pagatawa niya sakin kagabi. Feeling ko kasi ang weak ko. Tapos di pa ako tinulungan. Hindi ko siya papansinin ngayon. Tignan natin kung anong gagawin niya. Mwehehehehe

Bumaba na ako para tumulong sa pagluto ng almusal.

"Good morning Manang." Sabi ko saka siya niyakap.

"Oh, iha. Umupo ka na diyan at kumain."

"Tapos na po kayo magluto Manang?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Tinulungan ako ng bisita mo." Huh? Anong bisita? Sino nanaman yun?

"Manang, tapos na po yung fried rice." Liningon ko kung sino yun.

O_____O

=______=

Psh! Ba't nandito 'tong lalaking 'to?! Kainis naman! Umagang-umaga, makikita ko yang gwapo---- este panget na mukha niya! Hmp! Bahala siya diyan.

Kumain nalang ako. Eto namang lalaking 'to nagsimula na rin kumain. Bakit siya kumakain? Sinabi ko bang kumain siya? Tsk. Kapal ng mukha.

Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa taas para magbihis. Pagbaba ko, wala na siya. Hayy buti naman. Paglabas ko ng bahay, nagulat ako ng makita ko na hinihintay pala niya ako.

"Oh. Ano pa ginagawa mo dito?" Masungit kong tanong sa kaniya.

"Sinusundo ka. Ano pa ba?"

"Eh ba't mo ako sinusundo?"

"Tungkol sa deal natin. Remember?"

"Tsk. Eh ba't ang daldal mo?"

"Eh ba't ang ang sungit mo?"

"Eh ba't ang kulit mo?"

"Eh ba't ka ganyan?"

"Wala kang pake."

"Wala ka ring pake."

"Madaldal rin pala 'to?" Bulong ko sa sarili ko.

"I heard that. Bilisan mo na. Pumasok ka na." Sabi niya na nasa loob na pala ng kotse. Eh? Pano siya napunta dun? Parang kanina lang, nasa karap ko siya ah.

"Bilis ah. May lahi ba siya ni flash?" Bulong ko ulit sa sarili ko.

"Faster." Sabi niya na parang wina-warningan na ako.

"Nagmamadali? Nagmamadali?" Sabi ko sa kanya.

"Oo. Oo." Sagot niya.

"Haha. Siraulo." Sagot ko. Ay! Oo nga pala galit ako sa kaniya! GALIT! Hmp!

Pagdating sa school, agad akong lumabas ng kotse. Walang lingon-lingon akong naglakad papunta sa room. Pagdating ko wala pang tao. Maya-maya dumating si Amethyst kasama si Sean. Hmm ba't kaya sila magkasama? Hinarang ko sila sa may pintuan.

"Ba't kayo magkasama? *pout*" Sinamahan ko pa ng pagkunot ng noo ko.

"Ano ka ba. Ang dumi naman ng isip mo. Nagkasabay lang kami." Depensa ni Amethyst.

"Tsk. Tsk. * iling iling* wag ka ng magkaila pa." Sabi ko sakaniya. Nilingon ko si Sean. "At ikaw naman Sean, ingatan mo yang kaibigan ko ha." Bilin ko sa kaniya.

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon