Chapter 30: His Past

2.5K 74 4
                                    

Nicholas's POV

"I have something to tell you." Biglang sabi ni Line. Ano kayang sasabihin niya? Baka i-reject niya ako. Wag naman sana. Di ko kakayanin. Haist nagiging madaldal na ako.

"Wait. Save mo muna yang sasabihin mo. May pupuntahan lang tayo." Balak ko siyang dalhin sa favorite place ko. Dun ko sasabihin ang lahat. Lahat ng tungkol sa buhay ko. Gusto kong makilala niya ako. Lalo na yung dahilan kung bakit ako nagbago. Kung ano yung ginawa niya.

Pagdating namin sa favorite place ko ay kitang-kita ko ang pagkamangha niya. Di ko siya masisisi. Ganyan din ang reaksyon ko nung una ko itong makita.

"Wow! Ang ganda naman dito!" Haha. Ang cute niya. Nilingon naman niya ako. Sh*t! That smile. That smile made me love her more everyday. Araw-araw, mas minamahal ko pa siya. Okay! Enough. Masyado na akong ma-keso.

"Bakit tayo nandito?"

"May sasabihin ako sa'yo." Handa na ako. Gusto ko wala akong tinatago say kanya. Nakita ko naman na parang nalungkot siya.

"T-tigil ka na ba sa panliligaw mo?" Huh? Bakit naman ako titigil? Kaya kong maghintay. At hindi ako mapapagod sa pagpapasaya sa kanya.

"What?"

"Diba yun yung sasabihin mo? Siguro naiinip ka na sa panliligaw." Haha. Yan ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya eh. Kakaiba siya mag-isip.

"Ha? Bakit mo naman yan naisip? Hinding-hindi ako mapapagod ba suyuin ka. Diba nga sabi ko, gagawin ko ang lahat magustuhan mo rin ako." Parang nabunutan naman siya ng tinik.

"Sure ka?"

"Yes. So, if you mind, may sasabihin lang ako sayo." Tapos umupo ako dun sa may lapag. Tumabi naman siya sakin. Ang ganda ng view dito. Kita ang mga buildings.

"Ano yun?"

"Gusto kong ikwento sayingAng nakaraan ko. Ang dahilan Kung bakit ako nagbago." Sabi ko sa kanya.

Flashback

"Mga bro! Bilisan niyo nga!" Sigaw ko sa kanila. Tsk! Ang babagal. Nandito kami ngayon sa resort nila Lucas. Napag-desisyunan  kasi namin na dito nalang kami magbakasyon.

"Bilisan niyo naman!" Sigaw ko at nilingon sila sa likod ko. Ang babagal kasi eh. Mamaya niyang marami nang tao dun sa pool.

*BOGSH!*

Hala! May nabangga ako! Agad ko namang tinulungan yung nabangga ko.

"Naku miss! Sorry!" Sh*t! Ang ganda niya! Napansin kong hindi siya makatayo ng maayos.

"Miss? Ok ka lang ba? Sorry talaga."

"Masakit lang yung balakang ko." Mukha ngang masakit. Hindi nga niya matuwid yung pagkakataon niya.

"Hatid nalang kita miss. Sa room mo." Tumango naman siya. Inalalayan ko siyang maglakad. Habang naglalakad kami, at nagku-kwentuhan kami. Nalaman ko na Aubrey pala ang pangalan niya.

"Sige Nicholas, dito nalang ako." Sabi niya ng makarating kami sa tapat ng isang room.

"Sure kang ok ka lang?" Paninigurado ko.

Truly ,Madly, Deeply inlove with a Gangster Where stories live. Discover now