Epilogue: Seven Years Old

32.4K 588 22
                                    

Epilogue: Seven Years Old

"Happy Birthday to you. Happy birthday to you... "

Everybody in the crowd sang as their daughter blew her candles. "Happy birthday baby." Sheila bend down and kissed their daughter.

"Thank you, Mama." She smiled at her mother. "Thank you for the surprise party."

Hawak niya ang camera pero nanatili lang siyang nakatitig. Ruth stared at them. "Happy birthday, Lil'sis." Sienna kissed her sister.

"Thank you, ate. And happy birthday too..."

Nangingilid ang luha niya na ngumiti. He's the happiest man in the whole world by having these three beautiful girls. "Pa..."

His two daughters called him. Nakaumang ang mga braso nila para sa paglapit niya. Tumabi siya sa asawa niya. Sheila did all of these decorations for the party. She also secretly invited their kids friends and classmates. She cooked for the guests and visitors too. "Thank you for being a wonderful Mom." Bulong niya dito.

Maraming gabi niya itong namumulatang abala sa paglilista ng kung ano ano. One week ang ginawa nitong preparasyon. It's Sienna's and Sheinna's birthday today. They're not twins but they have a same birthdate.

Sheila labored when they celebrating Sienna's Third birthday. Iyak pa ng iyak si Sienna kasi akala niya ay kung ano ang nangyari sa mommy nito. And the same date, Sheinna came. Hindi niya lubos maisip na mabibigyan siya ng pagkakataong masilip sa malapitan ang bagong silang na anak. She was too tiny and soft. Takot n atakot pa siyang hawakan ito dahil baka masaktan niya.

He started watching tutorial videos at YouTube. How to change diapers. How to prepare an infant formula. How to make a baby bath. Sheila gave him another chance. Pagkakataong patunayan na pwede niyang gampanan ang lahat.

"Papa you're crying again!" Sheinna teased him. Nagtawanan ang tatlo.

Umakbay siya kay Sheila at nginitian ang dalawnag prinsesa nila. "Papa just happy." Isa isa niyang hinalikan ang dalawa. "Happy birthday mga anak."

Masaya silang mag asawa na na lumaking magkasundo ang dalawa. Sienna love her sister unconditionally. As well as Sheinna. She always follow her sister. Ang turing nila sa isa't isa ay magbest friend.

Hinayaan na nilang mag asawa na makihalubilo ang mga bata sa kapwa bata ng mga ito. Everyone gathered in front of the magician. Busy an sila. "Hindi ko akalain na magagawa mo ang lahat ng ito."

Hindi oa rin siya makapaniwala. "Gusto ko lang pasayahin sila pareho." Sheila smiled at him. Ito ap rin ang babaing minahal niya noon at minamahal araw araw.

Pero ang ngiti nito ay sandaling napawi at napalitan ng lungkot. "Are you still upset?" Aniya sabay haplos sa pisngi nito.

"H-Hindi ko mapigilan. We've planned for a big family. Nalukungkot ako na---."

Inilapat niya ang daliri sa labi nito. "Sshhh... Kung nasaan man siya ngayon. Alam kong masaya siya."

Niyakap niya ito. Naramdaman nuya ang pag alon ng dibdib nito. She had a miscarriage four months ago. Six months na ang bata sa tiyan nito. They're expecting a baby boy if the tragedy hadn't happened.

Galing ito sa drugstore sa labas ng school ng mga bata. Ang sabi niya ay bibili siya ng vitamins niya. But when she about to cross the street saka naman may itim na innova ang hunaharurot. Dahilan para mabangga siya. Sheila got coma for a weeks. At nang magising ito gumimbak dito ang masamang balita.

Sinubukan nilang habapin ang nakabiktima ng hit and run dito pero walang mabigay na lead a ng pulisya. Kahit siya ay gustong gusto na niya mahuli ang driver ng kotseng iyon. That reckless driver murmured his child! At hanggang ngayon ay hindi siya tumitigil para mahanap iyon. "S-Sabi ng doktor mahihirapan na ulit akong magbuntis. D-Dalawang beses na akong nakunan. Natatakot na ako."

Malaking bahagi ng pagkatao nito ang nagluluksa pa rin para sa dalawang anak nito na nawala. Ang una ay ang dinadala nito noon sa San Diego. Ngayon ay ang anak nila. Hindi man niya alam ang pakiramdam ng magbuntis pero alam niya ang sakit. Alam niya kung gaano kasakit mawalan ng minamahal. "Nandito lang ako... Nandito kami ng mga bata..."

Humiwalay ito sa kanya at Pinahid niya ang luha nito. "Salamat... Salamat sa walamg sawa mong pagmamahal."

"Nang ipangako kong mamahalin kita habambuhay. Kasama na doon ang manindigan sa tabi mo at maniwala na kahit ano pa ang dumaang bagyo basta magkakasama tayo ay malalampasan natin. Marriage is faith, hope and honestly. At binubuo ang tatlong iyon ng Love. Mahal na mahal ko kayo." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito.

Humilig ito sa kanya. Darating ang panahon na maghihilom din ang bawat sugat nila na likha ng nakaraan. Sa ngayon ang kailangan muna nilang gawin ay samahan ang isa't isa at pagaanin ang bawat damdamin.

GENTLEMEN Series 14: Ruth Rosales
All Right Reserved
2018

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ