Superman

19.7K 496 9
                                    

Superman

Sabay sabay na kumain ang mga volunteers. Agad na tumabi si Sheila kay Sienna ng makita niyang inabutan ito ng pack lunch ng isa sa mga staff ng foundation.

Sienna acting so different the whole morning. Hindi siya umaalis sa kinauupuan niya at lalong di rin nakikipag usap sa kapwa bata nito. It bother her more lalo na kapag pasimpleng tumatabi si Ruth dito ay mabilis itong lumilipat ng upuan. Nasasaktan siya lalo dahil sa nangyayari dito.

"Aren't you hungry, sweetheart?" Pinasigla niya ang tinig ng makalapit dito. Nakahain sa harapan nito ang isang meat dish, fish at vegetable. Hawak lang nito ang kutsara at tinidor.

Inayos niya ang pagkain. "Mom, when will we go home?" Nahinto siya sa Ginagawa.

Hinawakan niya ang maliit nitong palad. "Ayaw mo na ba dito?"

Hindi ito nagsalita. "I missed daddy..." She said. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang luhang pumatak dito.

Niyakap niya ito. "I'm sorry, anak. Nag-lie si Mommy sayo. Hindi niya sinabi ang totoo sayo agad."

"Na papa ko si Mr. Stranger?" Deretsahang sabi nito. Tumango siya.

"Hindi mo ba talaga siya gusto? Mabait siya anak. He is the most amazing person I've known. Na kung nakilala ka lang niya agad noon. I'm sure, magiging close kayo." Aniya sabay ngiti.

Hinaplos haplos niya ang buhok nito. "He's smart at brave. Pinagtatanggol niya ang mga inaapi. Pinakukulong niya ang masasama." Pagkukwento niya.

Yumuko ito. "Like superman?"

Tumango muli siya. "Pero wala siyang superpowers. Pero dahil matapang siya para na rin siyang si Superman."

Tila naging interesado ito kaya tumingala ito sa kanya. "Pero hindi siya nakakalipad." Gusto niyang matawa. Namumula ang ilong nito habang nakakunot ang noo at nagtatanong.

Hinaplos niya ang pisngi nito. "I'll tell you a secret, sweetheart. You are your Papa's weakness. Villain can easily attack him kapag nanghihina siya. You are his source of strength too."

Alam niyang hindi pa nito gaanong nauunawaan ang lahat pero umaasa siya na kahit papaano ay gumaan ang loob nito kay Ruth.

Nagkatitigan silang mag ina ng umupo sa harapan nila si Ruth dala ang isang microwavable container na may lamang pagkain. "Pwede ba akong sumabay ng lunch? M-May dala akong pagkain." Alanganin itong ngumiti.

Tinignan niya si Sienna. She was just starring at him. Pagkatapos ay sa container na dala nito. Pagkatapos ay lumiwanag ang mukha nito nang makitang kalabasa ang laman ng container. "P-Pwede po bang humingi?" Nahihiyang sabi nito.

Ngumiti si Ruth. Ngiti na alam niyang masaya ito. "S-Sure Angel. Para sayo talaga ito. I cooked this for you." Masaya nitong sabi.

Lumaki ang mga mata ni Sienna. "Talaga po?" Tumango si Ruth. Bumaling nman si Sienna sa kanya. "Mommy, I'm hungry na."

Inayos niya ang plato nito. Nakangiting nagtitinginan pa sila ni Ruth. Maybe, this is a good start. Maganang sumubo si Sienna habang sila naman ni Ruth ay nakatingin lang dito. "Mommy, parang luto niyo din po. Masarap!" Gadgad nito.

Pinunasan niya ng tissue ang gilid ng labi nito. "Talaga?" Nakangiting tumango ito. Bigla ay umapaw ang saya sa dibdib niya. "Patikim nga si Mommy." Ibinuka niya ang bibig at mabilis na tumusok ito ng kalabasa at isinubo sa kanya. Pumikit pa siya na tila sarap na sarap. Na masarap naman talaga.

"What mommy?" Tanong ni Sienna.

Nag-thumbs up pa siya. "Masarap nga!" Tumingin siya kay Ruth. "One step closer." Bulong niya.

Magana silang kumain lahat. "I'm glad na nagustuhan niyo ang luto ko." Sauteed Squash iyon na may tomatoes at shrimp. Halatang tinandaan nito ang paborito ni Sienna.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Masarap ka pa rin nagbabago. Masarap ka pa rin magluto." Aniya.

Tumawa lang ito. "Siya nga pala, naaalala mo ba si Catherine?"

Kumunot ang noo niya. Malaya na silang nakakapag usap dahil abala na si Sienna sa pagkain. "Siya ba yung anak ni Ka nonong at aling Veron?" Tanong niya.

Tumango ito. "Birthday niya kasi bukas. May maliit na party para sa kanya. Gusto ko sana kayong isama ni S-Sienna. K-Kung okay lang s ainyo."

"Mommy aattend po tayo ng party?" Singit ni Sienna. Tumango siya.

"Gusto mo bang sumama tayo bukas? Kilala ni mommy yung celebrant." Aniya.

"Okay." Simpleng tugon nito at saka bumalik sa pagkain. Tumango lang siya kay Ruth.

"Susunduin ko kayo bukas. Alas dos pa naman iyon ng hapon." Nasasabik din siyang makita ulit si Catherine. Nasisiguro niyang bibo pa rin ang batang iyon.

Tumingin siya kay Sienna. Like before, nakangiti na ito. Ngiti na alam niyang okay na siya. Gaya niya ay nakatitig din si Ruth. Nagkatitigan silang dalawa at kinuha nito ang kamay niya na nakapatong sa lamesa at pinisil iyon ng marahan. "Thank you..."






To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesWhere stories live. Discover now