Behind the closed door

23.1K 555 27
                                    

Behind the closed door

Matapos izipper ang bag. Lumabas ng walk-in closet si Sheila para puntahan si Sienna. Iniwan na niya itong natutulog sa silid nito kanina. Masyadong napagod ang bata sa paglalaro. Isinama kasi ni Trey si Sienna sa dinaluhan nitong ground breaking ceremony. Hindi siya nakasama dahil may importante siyang inasikaso kanina.

Panay ang send ni Trey ng mga pictures sa kanya kanina. Pagkatapos kasi ng event ay ipinasyal nito ang bata. After she checked her daughter. Marahan niyang binaybay ang pasilyo patungo sa Master's bedroom. She sighed as she walked further. Alam niyang nasa loob si Trey.

"Mommy bakit hindi kayo share ni daddy ng room? Hindi naman maliit ang bed niya eh. Kasya nga kaming dalawa." Inosenteng tanong at pagbibigay opinyon ni Sienna habang pinapaliguan niya ito.

Sa loob ng guest room kung saan siya umuokupa ay doon niya ito nililiguan. Ayaw kasi nito sa loob ng bathroom nito dahil gusto daw nito mag kasabay sila.

Natahimik siya bigla. Ano nga ba ang dapat isagot sa inosenteng tanong ng isang inosenteng batang tulad niya?

Hindi niya namalayang nasa harapan na siya ng pintuan. May pagkakataong natutulog silang magkasama. Iyon ay kung naglalambing si Sienna na doon sila matulog sa silid nito. Palaging sa gitna nila si Sienna at katabi itong matulog. Ang kakaibang set up nilang iyon ay tila naging normal na sa kanila. Hindi na rin naging masyadong matanong ang bata dahil madalas naman ay magkakatabi silang tatlo na natutulog sa silid ng bata.

Bumugtong hininga siya. Nakapagpaalam na siya kay Trey na aalis sila bukas para sumama sa Out-reach program ni Mrs. Ongpin. Pumayag naman ito. Baka daw kasi naiinip na siya. Sinabi nalang niya ang totoo, na matagal na siyang niyayaya ng asawa ng senador pero mariin siya palaging tumatanggi. Nagbilin lang ito na mag iingat sila. Ipinasama nito si Carpio sa kanilang mag ina kaya may bodyguard parin na magbabantay sa kanila.

Dahan dahan niyang hinawakan ang seradula at pinihit iyon, pagkatapos ay saka niya itinulak papasok. Ang maluwag at malaking silid ay napapalibutan ng mga nakababang blinds na siya lamang natatanglawan ng nagiisnag buhay na na lamp post malapot sa study table. Dama niya ang lamig na binubuga ng Air-con. Iginala niya ang mga mata. Wala si Trey sa loob ng silid. Pero nasisiguro niyang naririto iyon sa loob dahil nakita niya ang hinubad nitong kurbata na siyang suot kanina.

Nakapatong iyon sa kama at nasa carpeted floor naman ang pares ng suot nitong leather shoes. Tuluyan na siyang pumasok sa loob. Luminga linga siya sa paligid pero hindi niya ito makita. Miski sa loob ng bathroom at closet ay wala ito. Akma na siyang lalabas ng marinig niya ang malalakas na kalabugan na nagmumula sa saradong pinto na nasa tabi ng closet.

Patakbo siyang lumapit doon at mabilis na hinawakan ang seradula at patakbong pumasok doon. Agad siyang nakaramdam ng takot ng makitang nakahiga sa sahig si Trey at may hawak na bote ng whiskey. "Trey!"

Nilapitan niya ito. Pagkatapos ay inalalayang tumayo. Kanina ng dumating ito ay alam niyang nakainom ito. Hindi lang niya akalain na mag iinom pa ito matapos nilang magpaalam ni Sienna na papanhik na sila sa kanya kanyang silid nila. May couch sa gilid at round table na may iba't ibang klase ng alak. Doon lang niya napansin na mini-bar iyon. May oval bar counter sa gilid ng kwarto at sa likod niyon ay glass frame na may display ng mga alak. Dalawang stool naman ang nakapwesto sa harapan ng bar counter. May ball light na kulay pula at dilaw. May light sound siyang naririnig mula sa mga built-in amplifier na nasa bawat sulok ng silid. Hindi niya alam na may ganito sa silid nito.

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon