Parenting

20K 497 33
                                    

Parenting

Ruth stared to his daughter. Tahimik lang itong nakaupo sa isang monobloc chair habang hawak ang My Little Pony nito. Abala si Sheila sa pag aasikaso sa mga tao. Hindi niya kasi napigilang sumama sa kanila.

His Auntie Mira, Miranda Ongpin was really shocked after he told her na anak niya si Sienna. Pero nakiusap siya sa Ginang na kung pwede ay sila lang muna ang nakakaalam. Sienna will be the center of attention once it was publish in newspaper and other media communication.

Nagpapasalamat siya na nauunawaan siya ng tita niya. She's more than his mother. Nang mamatay ang mga magulang niya at pati si Julie. Hindi pa man nito nagiging asawa si Senator Ongpin ay kinupkop na siya nito. Kaya malaki ang utang na loob niya dito.

Sa ngayon, hindi ang sarili niya ang iniisip niya. Si Sienna. Maiipit siya sa maraming intriga oras na lumabas ang totoo. She's too young para sa lahat ng iyon. It could hurt her more.

Marahan siyang tumayo at binitiwan ang hawak na parenting guide book. Nakakatawa na kung kailan lumaki na si Sienna ay saka siya nagbabasa ng mga good parenting books.

Dinampot niya ang isang biscuit at tetra juice na nasa round table at lumapit dito. "Hey, Little lovely angel. Want some?" Pilit niyang ipinakita ang matamis niyang ngiti. Na kahit unti unti iyong nasisira dahil sa titig nito na tila walang emosyon.

Then she stood up. "I'm not hungry." And she ran again. Ilang beses ba siya nitong tatakbuhan? Isa? Dalawa? Tatlo? O higit pa?

Ireject na siya ng lahat ng tao, wala siyang pakialam. Pero kapag si Sienna---namamatay unti unti ang pag asa niya. Tumulo ang luha niya. Pero nangako siya na kakayanin niya. Kakayanin niya para sa anak niya.

Naramdaman niya ang palad sa balikat niya. "A-Ayaw ni Sienna ng apple juice at c-cheesecake."

Pipi siyang napatawa. Hawak niya ang isang apple juice at cheesecake. Binitiwan niya iyon at tumingin kay Sheila. Nakikita niya ang pagsimpatya dito. Hindi siya galit. He could never get mad to the woman who bear his child. Kahit kailan ay hindi niya naramdamang dapat siyang magalit dito. Dahil aaminin niya---Mahal pa rin niya ito. Nasasaktan siya pero alam niyang matatapos din iyon. "K-Kaya siguro ayaw niya."

Tumango ito. Namumula ang mata at ilong nito. Alam niyang pinipigil lang nito ang maiyak. "H-Hindi mo siya susukuan diba?" Nadadama niya ang takot sa tinig nito.

Kinuha niya ang palad nito. He gently squeeze her hand. "Hinding hindi." He said. Full of determination. "A-Ano ano ba ang mga gusto niya? Ano ang ayaw niyang kainin? Ano ang paborito niya?" He added.

Nahawi ang sandaling takot nito at saka nakangiting tumitig sa kanya. "Favorite niya ang pineapple juice. Ayaw niya ng mga cheesy cake dahil maalat daw. Mahilig siya sa mga biscuit na walang palaman. Favorite show niya ang loud house. " Hindi niya naoigilang wag matawa. At his age, he still watching that cartoon. Natutuwa kasi siya sa bond ng twelve Loud Children. Di sila nagkakasundo kung minsan but in the end, nagkakasundo din sila.

"Paborito niya ang gulay na kalabasa." Ngumiti siya.

"K-Kahit pala paaano marami kaming pagkakapareho." Nakita niya ang pangingislap ng mga mata nito.

Namumula ang pisngi nito ng haplusin niya. "S-Siguro... Ikaw talaga ang pinaglilihian ko noon." Nahihiyang sa sabi nito.

Bahagya naman siyang nagulat at napangiti ng mapait. Sana naroon siya. Sana nasa tabi siya nito kapag may kaikangan ito. Kapag nagugutom ito. "Palagi akong nakatingin sa pictures mo sa mga magazines."

Wala siyang pakialam kung maraming tao ang nakatingin sa kanila. Mahigpit niya itong niyakap. "Thank you."

"P-Para saan?"

"For being a good parent. For giving Sienna. For bearing her. For being with me now and for everything." Madamdamin niyang saad. Humalik siya sa ulo nito.

"We can both a good parent, Ruth. Bigyan mo lang ng chance ang sarili mo. At naniniwala ako, si Sienna mismo ang unang lalapit sayo. Bigyan lang natin siya ng sapat na panahon."

Tumango siya. Alam niya iyon. "D-Dito ka lang... Dito lang kayo." Bulong niya.






To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon