Papa

22.2K 531 56
                                    

Author's Revelation: Hindi po magkakatuluyan si Ruth at Sheila. After ng lahat, magiging happy si Ruth sa pagiging single dad at ganoon din si Sheila. Si Sienna na ang priority niya. Pero dahil mauuwing broken ang lovelife nila. Undecided pa ko kung magkakaroon ng part two ang buhay ni Ruth. Hihihi... Dahil happy Puso week! Yan naging spoiler ako. Nawasak ba ang puso niyo sa plot twist? Hihihi

Happy Reading!

----

Papa

Nakaupo si Sheila sa passenger side habang karga naman nito si Sienna. Tahimik lang ang mag ina niya. Maya't maya ay sumusulyap siya sa dalawa. They're really identical! Habang tumatagal kang nakatitig sa kanila ay masasabi mong kamukha ni Sheila si Sienna. Sa unang sulyap ay si Julie ang nakikita niya. Was it because Sheila and Julie are the two lovely women who's very close to his heart? At kahit kay Sienna ay pareho niya silang nakikita?

Ngumiti siya. Buo na siya. Buo na ang buhay niya. Sheila's back habang konti nalang ay makakalikha na siya ng daan sa puso ni Sienna. His daughter.

"Mommy, I'm sleepy." Narinig niyang ungot ng bata sa ina.

Sandali niyang inihinto ang saskayan sa tabi at nilingon sila. "Pumikit muna kayo." Saka siya yumuko at nireclined ang upuan. Hindi na nagsalita si Sheila. He knew she was tired. Galing ang mga ito sa barangay matipunso. Two hours hiked from the camp to the barangay proper. Tapos karga pa ni Sheila si Sienna.

Hindi niya napigilan ang sariling titigan ang mga ito habang nakapikit. Sienna got her mother's dark brows and thick eyelashes. Pink and pouty lips ay nakuha din nito. They're my treasure. My life.

He started the engine at marahan iyong pinatakbo. He saving all his time looking at his girls. Susulitin niya kahit segundo. I won't let anyone take you away from me. Gagawin ko na ang hindi ko nagawa noon. Lalaban ako para sa inyo.

Kulang trenta minutos bago nila sinapit ang bukana ng farm. Agad na bumusina si Ruth at bumukas ang gate. Dahan dahan naman nagmulat ng mga mata si Sheila. "Nasaan na tayo?"

Tulog pa rin sa kandungan nito si Sienna. Ngumiti siya. "Nandito na tayo. Nakapagrelax kaba? You still look tired." Aniya.

Wala ito miski anong kolorete sa mukha but she's still lovely. Natural na mapula ang labi nito. Her cheeks are naturally pink too. "Yeah... Sweetheart wake up." Dahan dahan nitong niyugyog ang bata. Nagmulat naman si Sienna.

"Mommy..."

Ngumiti siya sa dalawa. "The party is about to start. Tara na!" Masayang aya niya. Tumango si Sheila kaya pinagbuksan niya ng pinto ang dalawa. Binaba naman nito si Sienna at inakay na maglakad.

"Kuya Ruth!"

Agad na lumawak ang ngiti niya ng makita si Catherine. It's her eight birthday. "Salamat po sa mga lobo at cake. Nagulat ako may clown din po pala. Salamat po ulit." Hinaplos niya ang pisngi nito.

"Walang anuman. Nagustuhan mo ba? Happy birthday!" Yumakap muli ito sa kanya at naglambitin sa leeg niya.

May ibinubulong ito sa kanya pero nahinto ng tumingala ito kay Sheila. "Diba po siya si a-ate---."

Yumuko si Sheila. "Hello Catherine. Naaalala mo pa ba ako?" Nakangiting tanong niya.

Agad na tumango ang bata. "Opo! Kayo po yung asawa ni kuya Ruth. Ang ganda ganda niyo pa rin po. Sabi po ni Nanay nagbakasyon daw po kayo kaya hindi kayo napunta dito. Kamusta na po kayo? Kaya po pala palaging masaya si kuya kasi nandito na kayo." Walang preno nitong sabi. Nagkatitigan silang dalawa hanggang sa magsalita muli si Catherine. "Siya po ba ang anak niyo? Ang ganda niya po. Sabi ni kuya maganda daw po ang baby niyo. Tama nga po siya."

Nakamata lang si Sienna. "Mommy..."

Niyuko niya si Catherine. "Catherine meet Sienna. Sienna siya si Catherine, siya yung celebrant."

Iniharap naman ni Sheila ang bata. "Ate ang tawag mo sa kanya anak."

Inilahad naman ni Catherine ang palad. "Hi Sienna. Abg ganda ganda mo. Kamukha mo ang mommy mo." Puri nito. Nakatitig lang si Sienna dito. "Tara! Madami kang makakalaro doon. Gusto mo ba ng lobo?" Sienna seems she like the place kaya agad na kumapit ito kay Catherine. Patakbong lumapit ang dalawa sa kumpol ng mga bata.

"Let's go?" Hinawakan niya ang kamay ni Sheila.

Panay ang tawa nila sa mga games na pinapagawa ng dalawang kwelang clown. Magic at kung ano ano pa.

"Kailangan po namin ng mga magpapartner." sabi sa mic ng isang clown na kamukha ni McDonalds.

Hinila ni Catherine ang mga magulang nito. Maya maya'y tumakbo si Catherine papalapit sa kanila. "Sali din po kayo." Wala na silang nagawa pareho ng hilahin sila nito. Sienna's was playing with kids.

Ang laro ay ang simpleng sack race with a twist. May kagat na iisang apple ang dalawang magpartner habang tumatalon. Nagtatawanan lang sila ni Sheila. Para lang silang mga bata sa gagawin nila. "Magback out na kaya tayo?" Biro nito.

"Wag na. Sayang naman. Baka manalo pa tayo." Tawa tawa niyang sabi. Isang beses lang iikot sa dulong line kung nasaan ang pole at saka muling babalik sa linya. Ang mauna ay ang mananalo. The timer began and all the kids are cheering for their parents. Hindi magkamayaw si Catherine kung sino ang unang ichicheer. He was holding Sheila's waist habang magkaharap sila at nakakagat sa mansanas. Their eyes were smiling.

Tatlong magkakapareha ang nauuna na sa kanila. Hinihingal na sila pareho ni Sheila. When suddenly... "Go Mommy! Go Papa!"

The time stopped. And when they looked at their daughter. Nakatayo ito sa monobloc habang nakatingin sa kanila at nagchicheer! "Mommy Go!" pakiramdam niya ay naestatwa siya. "Go papa! Go papa!"






To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesWhere stories live. Discover now