T-Shirt

19.7K 501 15
                                    

T-Shirt

Malayang tinanaw ni Sheila si Ruth at Sienna. Nasa loob ng butterfly garden ang dalawa habang malayang nakikipaghabulan sa iba't ibang kulay ng mga paro-paro.

Nakabantay lang siya at nanunuod. Sa makalwa na ang balik nila ng San Simon. At hindi niya alam kung paano ang mangyayari pagkatapos nito. Unti-unti niyang nakikita ang pagkakalapit ni Sienna sa totoo nitong ama. That she enjoyed every minute she with her father. At natutuwa siya. Masaya siya para sa dalawa. Kitang kita niya ang ginagaaang effort ni Ruth.

Hindi pa sila muling nakakapag usap ng lalaki. Pagkatapos ng huling sagutan nila ay iniwasan muna niyang magkalapit sila. Nalulungkot siya na hindi nito maunawaan ang panig niya. Na hindi nito kayang magtiwala sa mga ipinagtatapat niya. Ang gusto lang naman niya ay makatulong. Dahil naniniwala siyang walang kasalanan si Trey. That he's also a victim.

"You choose to believe him rather than me. Na mabilis ka niyang napaniwala sa mga sinasabi niya." Mataas ang boses na sabi ni Ruth.

"Dahil nagsasabi siya ng totoo at naniniwala ako sa kanya dahil---."

"Dahil asawa mo siya?" Mapait na sabi nito na pumutol sa pangatngatwiran niya. "O dahil mahal mo pa siya?"

Kumunot ang noo niya. Hindi na maganda ang pinatutunguhan ng pagtatalo nila. "Ano bang sinasabi mo?"

"Aminin mo na! Kaya hindi mo magawang wag maniwala sa kanya ay dahil mahal mo pa siya!" Bulyaw nito sa kanya. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito. At lalong hindi niya nauunawaan ang lahat.

Ipinilig niya ang ulo. Pasimple siyang lumabas at tumungo sa lobby. Kagabi pa niya naayos ang gamit nila ni Sienna. Gusto niyang kausapin si Ruth para pag usapan ang lahat pero hindi niya alam kung paano. Dahil hindi naman ito naniniwala sa kanya. Na kahit ang Pagmamahal niya ay pinagdududahan nito.

May mangilan-ngilang guests ang nakikita niya sa lobby. Fully-booked pa rin sila ngayon kahit off season naman.

"Sheila!"

Napabaling siya ng marinig ang tinig ni Mrs Ongpin na tinatawag siya. "Hindi ka ba sasama sa feeding program today?"

Nagkibit balikat siya. "Hindi ko po maiwan si Sienna. Naglalaro kasi sila."

Tumango ito. "I see... Kung maisipan mong sumama. Nariyan pa ang Van. Ihahatid ka niyon. Malapit lang 'yon dito. Pulos mga elementary students naman ang dadayuhin natin." dagdag pa nito. "Oh pa'no? Mauna na ako."

Humalik muli ito sa pisngi niya bago umalis. Naiwan siya doon at nakamasid lang sa paligid.  Naglakad lakad siya sa palibot ng Hotel hanggang sa napadpad siya sa Souvenir and Novelty Shop. She went in at ininspeksyon Ng paligid. Mga native products ang nakikita niya. Key chains, wooden pen holder, bags at kung ano ano pa. Her attention caught by the pairs of assorted colors Shirt.

Nasuot sa mannequin ang mga iyon. Hindi siya couple shirts pero mas tamang sabihing family shirt. May nakita siyang asul, pula, dilaw at berde. May iba't ibang disenyo iyon. Pero mas hinatak ng pansin niya ang mga nakasulat doon. Sa T-shirt ng babae ay may nakaemprentang, I am Papa's Girlfriend. Habang sa panlalaki naman ay, I am Mommy's Superman. At ang sa maliit naman na T-shirt na hinuha niya'y para sa bata ay may nakasulat ding, I am Mommy and Papa's Angel.

Hindi niya alam pero bakit si Sienna at Ruth ang naiisip niya sa mga iyon. Hahawakan pa sana niya iyon ng kuhanin iyon ng sales lady at
Itupi. "Gusto niyo po ba ito ma'am? Pasensya na po. Nagkamali ako akala ko po kasi walang may ari nito. Order po pala ito." Sabi ng babae na kahit di naman niya itinatanong. Marahil ay dahil nakasunod siya ng tingin ay inakala nitong interesado siya sa mga damit. Pero nanghihinayang pa rin siya. Naisip niya kasi ang mag ama niya. Magandang regalo iyon sa dalawa.

Naglibot libot nalang siya at inabala sa ibang bagay ang sarili niya. Susubukan niyang kausapin mamaya si Ruth. Gusto niyang malinaw ang lahat sa kanila. Sawa na siyang lumayong hindi alam kung ano ang estado nila. Hindi nalang ang damdamin niya ang dapat niyang ikonsidera dito. May anak na sila. Mas importante pa rin kung ano ang magiging saloobin ni Sienna sa desisyon nila.

Bumalik siya sa Hotel. Pagkatapos ay nilakad niya ang daan patungo sa secret garden pero wala na ang Dalawa doon. Mabilis siyang lumapit sa receptionist at nagtanong pero ang sabi ay kanina pa daw nakalabas ng garden ang dalawa.

Patakbo siyang lumapit sa elevator at priness ang numero paakyat sa silid nilang mag ina. Nagbabaka sakaling naroroon ang dalawa pero wala. Bakante ang silid. Palabas na siya ng may masipa ang paa niya. Natumba iyon sa carpeted floor. Paper bag na kulay brown ng bunungad sa kanya. Ano ito? Hindi niya i to on agad napansin ng pumasok siya.

Bukas ang paper bag kaya dinukot niya ang laman. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala iyon. Iyon ang kulay asul na T-shirt na nakita niya sa souvenir shop knina. Tanda niya iyon dahil iyon mismo ang hawak niya. Nakasulat pa ang, I am Papa's Girlfriend sa bandang dibdib. Nahigit niya ang hininga dahil doon. Lalo na ng may nakadikit na sticky note sa labas ng paper bag.

May dress code tayo ngayon. Wear it. Bagay 'yan sayo.

Walang pangalan na nakasulat pero tila nakita niya ang mga bituin sa langit kahit tanghaling tapat dahil kumikinang ang paligid niya. Nakagat din niya ang ibabang labi at pigil ang mangiti. Alam niya. Alam niyang si Ruth ang may gawa niyon.






To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesWhere stories live. Discover now