Chapter Nine

30.5K 615 10
                                    

"Gusto mo bang mamasyal?"

Sheila nodded. Nakangiti pa ito habang tunatango kay Ruth. "Naisip ko baka naiinip kana dito. We can go out today."

Tumigil ito sa paghigop ng kape ng ngumiti. "Akala ko habambuhay mo an akong ikukulong dito sa townhouse."

Lumamlan ang mga mata niya. "Iyin ba ang pakiramdam mo? Na kinukulong kita?"

Yumuko ito. "Hindi naman sa ganoon. Kaya lang nag aalala lang ako kung bakit hindi mo ako hinahayaang lumabas. Minsan kapag aalis ka at sabi mo luluwas ka ng maynila. Todo bilin ka na wag akong lalabas."

Kinuha niya ang palad nito at saka banayad na pinisil. "Ayoko lang may mangyaring masama sayo. At saka hindi ka sanay sa lugar na ito baka mapaano ka pa." Paliwanag niya. Mukha namang nakumbinsi niya ito.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon nito. "So saan tayo pupunta today?"

Matamis siyang ngumiti. Tumayo siya at lumapit sa kitchen counter bago kinuha doon ang basket na may lamang samo't saring pagkain. "I prepared these for us. Bukas ang na ang picnic groove pwede tayong magstay doon at magpicnic." Nakita niya ang pag aliwalas ng mukha nito. Sa ilang linggo nilang magkasama sa iisang bubong marami siyang nadiskubre dito. She's not hard to please. Madali siyang paaayahin kahit sa simpleng bagay lang. She appreciates things kahit maliit lang.

Nag paalam ito sandali na magpapalit lang ng damit. Napangiti siya ng maalala niya noong sabihin nito na paborito nito ang egg sandwich. Ang kapatid niya ang agad na naisip niya. Paborito din niyon ang egg sandwich. Aaminin niya matagal na niyang napupuna ang maraming pagkakapareho nito sa kapatid niyang si Julie. Even her smile. The way she laugh. Posible bang maging magkapareho ang dalawang magkaibang tao?

Ipinilig niya ang ulo. Isa pa sa nagpapagulo sa kanya ay ang biglaang pagbanggit nito sa pangalan ni Pearl noong nakaraang araw. Natatandaan niyang nabanggit na noon ni Sheila ang pangalang iyon noon. Pero bakit ang naging reaksyon nito noong nakaraan ay parang nabigla lang ito na mabanggit iyon? Ganito ba talaga ang may amnesia?

Hindi pa niya muling nakakausap si Jerri tungkol sa mga nangyayari pero gusto pa rin niyang makasiguro. Hindi sa mga oras na ito dapat masira ang mga plano niya.

Naputol ang malalim na pagiiisip niya ng marinig niya ang mga yabag ng dalaga. Nang muli siyang mapatingin sa bukana ng kusina ay nakatayo ito doon. Simpleng maong pants lang ang suot nito. Humakab iyon sa mahahaba nitong binti. Ang pang itaas nito ay isang blue Tommy Hilfiger sweat shirt. Sneakers naman ang suot nito sa paa.

Julie... Ganyang ganyan manamit si Julie noon. Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya maintidihan kung bakit si Julie ang nakikita niya sa tuwing mapapatingin siya sa dalaga. Marahil ay nagpaparamdam sa kanya ang kapatid niya. "Shall we?" Imik ni Sheila. Natauhan siya ng kumapit ito sa braso niya. "Pwede ba nating isama si Muning? Nakakaawa naman kung maiiwan siya dito mag isa."

Tumango siya. "Kasya naman siya sa backseat. At isa pa mas maganda nga na kasama natin siya."

Hinawakan nito ang leash ni Muning habang siya naman ang nagbitbit ng dala nilang basket. Magkasabay silang naglalakad palabas ng bahay ng humawak ang isang kamay nito sa kamay niya. Pinagsalikop nito iyon. Kakaibang init ang nanulay sa ugat niya dahil doon. At dinig na dinig din niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

Hindi niya naramdaman ang ganitong saya sa kahit na kaninong babae na nakasama niya. Holding her hand is like, his life defends on it. Ang saya dulot ng pagkakalapat ng mga kamay nila ay nagdadala sa kanya ng kakaibang saya. Saya na huli niyang naramdaman noong hindi pa nababalot ng galit at poot ang puso niya. Mali na makasama niya ito ngayon pero sa araw na ito. Ito lang ang tama.






To be continued...






--------

Tatlong novel po ang sabay sabay kong ginagawa,

Chasing Mandie
Hermosa senoritas: Mhelanie
Gentleman series 14: Ruth Rosales

Kaya pag pasensyahan niyo na po kung minsna isa lang ang may UD.

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesWhere stories live. Discover now