Around The Bend

19.8K 466 24
                                    

Around The Bend

Tanging nag iisang maliit na binata lamang ang tumatanglaw sa buong silid. Napapalibutan ng makakapal na grills iyon at clear glass blocks. Kaya nasisiguro ni Sheila na kahit tangkain niyang basagin iyon ay hindi niya magagawa. Ang tanging konsolasyon lang niya ay ang may makakita sa kanya sa loob niyon.

Mula sa bintana, alam niyang papalubog na ang araw. Lalo siyang natatakot. Hindi niya alam kung nasaan si Sienna. Hindi matatahimik ang loob niya. Lumipas ang magdamag kagabi na para siyang baliw na sigaw ng sigaw sa loob mg silid at nagmamakaawang palabasin siya. Nag aalala na siya kay Sienna. Natatakot siya sa kung ano ang gawin ni Trey sa anak niya.

Hindi niya alam ang takbo ng isip nito. Natatakot siya na baka saktan nito ang bata. Nakaramdam na naman siya ng pangangati ng lalamunan. Malapit na siyang mawalan ng boses sa kakasigaw at kakalampag ng pintuan.

Hinahapong umupo siya sa Gilid ng kama. May lalaking nagdala sa kanya ng pagkain mula pa kagabi. Pero miski isang butil ng kanin ay hindi niya ginagalaw. Tanging tubig lang ang iniinom niya. Nagmakaawa siya sa lalaki pero mabagsik lang siya nitong tinignan. At sa takot niya ay napahagulhol nalang siya sa isang tabi. Bukod kasi sa hindi niya ito kilala at hindi mukhang bodyguard ito ay may hawak pa itong baril.

Naisip na naman niya si Sienna. Umiiyak kaya ito? Hinahanap kaya siya? Nasaan ang anak niya? Ang daming tanong sa utak niya. Napasubsob siya sa dalawang palad at tahimik na umiyak. Mababaliw na siya sa pag aalala.

Nasa ganoon siyang posisyon ng bumukas ang pintuan. Hindi an siya nag angat ng tingin. Alam niyang tauhan na naman ni Trey iyon. Naramdaman niya ang yabag nito at ang kalansingan ng mga kubyertos.

"Sabihin mo kay Trey na hindi ako kakain hangga't di niya ako pinapalabas dito." Aniya.

Naramdaman niya ang paglapag ng tray ng pagkain sa gilid niya.

"Mariin pong utos ni Congressman na pakainin kayo."

Doon siya nag angat ng tingin. Babae ang tinig na narinig niya. At hindi nga siya nagkamali. Isang may gulang na babae ang nasa harapan niya. Hindi niya ito kilala sapagkat ang mga kasambahay sa kanila ay halos kilala na niya. "Magandang gabi ho." Bati ng matanda sabay yuko sa kanya.

Nabuhayan siya ng pag asa. Naniniwala siya na hindi nito kayang makapanakit ng kapwa. Mabilis siyang tumayo. "Manang tulungan niyo akong makatakas dito."

Nanlalaki ang mga matang tinignan siya nito. Nababasa niya ang takot sa mga mata nito. "H-Ho? H-Hindi ko ho kaya."

Hinawakan niya ang dalawa nitong kamay. "Nakikiusap po ako sa inyo. Kailangan ako ng anak ko. Nag aalala na ako sa kanya."

Nilinga nito ang pintuan na nakasara bago tinignan ang paligid at saka binawi ang kamay. "Hindi mo sana hinayaan na mapunta ka dito. Hindi mo kilala ang mga tao dito."

"P-Po?" Naguluhan siya bigla. "N-Nasaan po ba ako? Malayo na po ba ito sa San Simon?"

Umiling ito. "Nasa San Simon ka parin Hija."

Kung ganoon. Malapit lang siya sa kung nasaan ang anak niya. "Lumang bahay ito ng mga Zaragoza. Gobernador ang matandang Zaragoza ng lisanin nila ang bahay na ito dahil sa---."

Umiwas ito ng tingin. "Bilin ni Congressman ay kumain ka. Sumunod ka na lamang sa kanya."

Umiling siya. "May sinasabi kayo. Ituloy niyo ang sinasabi niyo. M-May kailangan ba akong ikatakot? P-Papatayin ba nila ako?"

Paiwas na tumingin ito sa kanya. "G-Gustuhin man kitang itakas ay hindi ko magagawa. Matagal na akong naninilbihan sa pamilya nila. At ang pagiging tapat ko na lamang ang maiisukli ko sa pag papaaral na ginawa nila sa mga anak ko. Kaya kung magkakaroon ka ng pagkakataong tumakas ay gawin mo na. Wag na wag ka nang magpapakita. Wag mo nang hahayaang may panibagong dugo na naman ang dumanak sa silid na ito." Pagkatapos ay nagmamadali itong lumabas ng silid. Muli siyang naiwang tulala.

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon