Chapter Eight

28.9K 602 20
                                    

He saw how Sheila's eyes widened in shock and surprise. "It's b-big!" She muttered.

Lumuhod ito at hinawakan ang ulo niyon. Lalo pa itong namangha. Marahil ay nararamdaman nito ang init na nagmumula doon. Titig na titig si Sheila at tila sinusukat ang laki niyon.

"He is sixty pounds in twenty-four inches tall." He said. Tumitig si Sheila sa mga mata ng aso.

Yes. A dog. He bought her a dog. And its freaking crazy dahil bumili pa talaga siya ng aso para lang makita niyang kontento na ito. Simula ng sapilitan niyang iuwi sa tunay na may ari ang asong si small. Napansin na niya ang biglang paglungkot nito. So he asked Samuel to sell one of his pets.

"No way!" Ani ni Samuel ng sabihin niyang gusto niyang bilhin si Mouse. A Siberian husky na alaga nito.

"Yes way. So sell him to me para naman magkapera ka." Aniya din dito. Umiling si Samuel.

"My pets are not for sale. Alaga ko sila. Marami namang pet shop diba bakit hindi ka doon bumili?"

"I want your dog thats why." Humalukipkip siya. "At isa pa, wala akong mahanap na magandang aso na gaya ng sayo. I'm sure magugustuhan ni Sheila ang aso mo."

Nanunuksong tinignan siya ni Samuel. "Oh, It's suddenly about sheila now. Why bro? Tinamaan ka na ba?"

"Gago!" Tiim bagang na mura niya dito. Kahit siya ay nalilito sa sarili niya. Wala dapat siyang pakialam kay Sheila. Wala dapat siyang pakialam sa gusto at ayaw nito pero bakit tila nagkakaroon siya ng kagustuhang bantayan ang lahat ng gagawin nito. Ang lahat ng desisyon nito.

"Ang ganda niya." Muling puri ni Sheila kay Mouse. "What is his name?"

Ngumiti siya. "Mouse."

Hinaplos ni Sheila ang ulo ni Mouse. Husky howls. Tila alam na alam na nito na kakampi nito si Sheila at ito na ang bago niyang amo. "Mouse.. I like it. Pero pwede ko bang palitan?"

Ngumiting tumango siya. "Anything you want. Do it."

Mabilis na ngumiti si Sheila at hinubad ang collar na suot ni Mouse kung saan nakaukit ang pangalan nito. "Hindi na Mouse ang pangalan mo. Ikaw na si Muning." The dog howls again. Tila sinasang ayunan nito ang sinabi ni Sheila lalo pa ng ikiskis nito ang leeg sa binti ng dalaga.

Tumayo si Sheila at inabot naman niya ang leash ng aso dito. "Bakit naman muning ang ipinangalan mo?" Tatawa tawang tanong niya. "It's a feminine cat name. Baka naman maging bakla yan kapag nagkataon."

Tumawa si Sheila. "Cute kaya ng Muning. At saka matagal ko nang gustong ipangalan 'yon sa magiging aso ko. Matagal ko na kasing gustong magkaroon ng aso. Kaya lang may hika kasi si Pearl kaya hindi kami pwedeng mag alaga ng aso."

Natigilan siya dahil sa binanggit mitong pangalan. "P-Pearl?" Ang natatandaan niya ay hindi nito alam ang tungkol kay Pearl. Hindi nga niya binabanggit dito na may kaibigan ito at best friend pa.

Tila nalilito ito at biglang nagmulat pikit ng mga mata. "A-Ah.. H-Hindi ko alam." Tumingin tingin ito sa paligid.

Hindi malayong unti-unti na muli itong makaalala. Sandali lang ang amnesia nito. Alam niya ano mang oras ay maaring maalala na nito ng buo ang nakaraan. "It's okay. B-Baka kilala mo nga siya kaya mo siguro nabanggit ang pangalan niya." Sabi niya.

Tumango lang ito. Hinawakan nito sa Leash si Muning at hinila papalapit dito. "Tara pasok na tayo sa loob. Malamig na dito." Niyaya na siya nito. Tumango siya at umagapay dito para sabay silang makapasok ng bahay.






To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesWhere stories live. Discover now