Prologue

67.2K 1K 46
                                    

"Are you sure Shei? Do you really want to do this?"

Sheila Mae pulled her luggage outside the house. Naghihintay sa labas ang service car. "I really have to, Pearl. Kung wala siyang plano. Pwes ako mayroon." She said.

Tinulungan siya ni Pearl na ipasok sa loob ng back compartment ang maleta niya. "What if hindi siya pumayag? What if ibalik ka niya dito?"

Napabuga siya ng hangin. Three years of living here in California was never been so easy. Pagkatapos siyang pakasalan ni Trey ay iniwan siya nito sa California. He just married her because he wants to take all the advances.

Trey was nice and indeed a gentleman when she had first met him. Sa loob ng skytower kung saan clerk typist siya ng isang pharmaceutical company. That's her first year of living in California. After two, three and fourth week of dating sinagot niya ang binata. And everything happened so fast. Nagising nalang siya isang araw, mag asawa na pala sila. Sa mismong araw ng monthsary nila, Trey vowed to love her and take care of her for the rest of their lives. Si Pearl lang ang naging witness sa Civil wedding nila.

And after a couple of months, bigla itong nagpaalam sa kanya. May importante daw itong aasikasuhin sa pilipinas at babalik agad para sunduin siya at ipakilala sa pamilya nito. Wala na siyang pamilya kaya ganoon nalang ang saya niya sa pagdating nito.

Pero inabot ng mahigit dalawang taon ay hindi na ito bumalik hanggang ngayon, so she decided to end this marriage. Kung walang plano ang asawa niya na kamustahin siya, pwes siya ang haharap dito para iabot ang annulment papers nila. "Buo na ang desisyon ko. Tatapusin ko na ito." She said.

"Alam mong hindi basta basta ordinaryong tao ang asawa mo. He is the congressman! Baka walang maniwala sayo na mag asawa kayo!" Naglapat ang mga ngipin niya.

"That scamming lying bastard! Pagkatapos niyang makuha ang lahat. Lalayasan niya ako at magpapakasarap siya!" May naglandas na luha sa mga mata niya. Ilang buwan matapos umalis ito ay nakunan siya. Hindi niya alam na buntis pala siya. She had a miscarriage and her husband wasn't there to comfort her. Kahit ang magtanong kung kamusta na siya ay hindu nito ginawa. Na kung hindi dahil kay Pearl ay hindi pa niya mababalitaan ang mga pinag gagawa nito.

That he living his life alone---happy and very happy habang siya ay nag iisa. He abandoned her na para bang wala itong responsibilidad sa kanya. "Wala akong pakialam. Sa oras na mapirmahan niya ang annulment papers namin. Tapos na ang lahat."

"Bes, wag ka na kayang tumuloy?" Ani ni Pearl. "Natatakot ako para sayo eh. Hayaan mo nalang na abogado na ang umayos ng annulment case niyo."

"Pearl alam mong imposible 'yan. Ilang beses na bang nagpadala si Attorney Stuart ng Summon tungkol dyan? May appearance letter ba siya? O kahit man lang confirmation email wala." Bumugtong hininga siya. "I want to start my new life. Yung hindi nakadugtong ang pangalan ko sa pangalan niya. I want to have a newborn me."

Hindi siya masokista at lalong hindi siya martir. Ito ang gusto ni Trey kaya ito ang ibibigay niya. Annulment for four months consummated marriage.








To be continued...








------

I think may hint na kayo sa story.
Yes po tama po ang nasa isip niyo. Ang Trey na tinutukoy dito ay ang Trey na nasa Nude.

Thanks for the reads.
Ai:)

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora