A Decision To Make

Start from the beginning
                                    

"Kung hindi ka pa handa ay sabihin mo kay Dexter anak, alam kong maiintindihan ka niya." muli itong nagsalita, matapos halikan kami ni Kenji sa pisngi ay naisipan na nitong iwan kaming magkapatid.

Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit nakatingin pa din ako sa nakasaradong pinto, mas lalo akong naguguluhan sa mga tumatakbo sa isipan ko.

Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog, nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pangingiliti ni Kenji sa tagiliran ko.

"Good morning." nakangiting bati ko dito nang bumungad sa akin ang inosente nitong mukha.

"Good morning kuya, kain na tayo." aya nito sa akin habang pilit akong hinahatak para tumayo.

Nagpatianod naman ako dito, agad ko naman napansin ang mga pagkain na nakalagay sa isang push cart, may bacon, egg,  sausage, croissant, french toast at kung ano ano pa sa gitna non ay isang tangkay nang oras ang nakita ko na may nakakabit na isang puting papel.

Agad kong kinuha iyon at bago ko buksan ang naturang sulat ay sandali ko munang sinamyo ang amoy ng rosas na iyon, napangiti naman ako nang maamoy ko ang pabangong madalas gamitin ni Dexter.

"To the person that made me live again, I can't wait to have you in my life forever."

Napangiti naman ako sa nakasulat doon, hindi tuloy maiwasang hindi ito mamiss kahit na nga ba mahigit isang araw pa lang ang nakakalipas nang huli ko itong makita, nagdecide kasi itong huwag kaming magkita habang hindi pa kasal, katulad nang paniniwala nang mga nakakatanda.

Masaya ko nang sinaluhan ang kapatid ko sa almusal, ilang sandali lang ay dumating naman si Nanang at sabay sabay namin pinagsaluhan ang almusal na pinadala ni Dexter.

I treasured this moment specially now that I'm getting married and again that nagging feeling that I can't really understand.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang palapit ng palapit ang oras nang kasal namin ni Dexter, pero ganoon siguro talaga mas bumibilis ang takbo ng oras kapag kinakabahan ka.

Kasama ko ang best friend ko na si Bruce at ang pamilya ko sa kuwartong iyon.

"Ang guwapo mo tol." narinig kong biro ni Bruce sa akin, nasa harap kasi ako nang salamin at tinitignan ang imahe ko doon.

I'm wearing a silver suit na inorder pa ni Dexter sa ibang bansa, simple lang ang kasuotan na iyon pero mahahalata mong hindi basta basta ang presyo niyon.

I tried to check if there's something different about me, pero kahit anong tingin ko ay wala akong nakitang pagkakaiba sa nakikita ko sa salamin.

"Nang......." natigilan ako nang makita ko sa reflection nang salamin ang lungkot na nakaguhit sa mukha ni Nanang.

"Huwag mo kong intindihin." agad naman nitong sinabi nang makitang haharap ako dito. "Masaya lang ako dahil nakita mo ang taong magmamahal at mangangalaga sayo, kung makita ka nang Tatang mo ngayon sigurong magiging proud din siya sayo." sa narinig ay naramdaman ko ang pag-iinit ng ilalim ng mga mata ko.

"Thank you, dahil kahit nawala si Tatang ay pinaramdam niyo pa din sa amin ni Kenji ang pagmamahal ng dalawang magulang." hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan nang humulagpos ang emosyon na pilit kong nilalabanan, agad akong yumakap dito, sobrang higpit, ilang sandali lang ay naramdaman ko ang mahigpit na pagyakat sa bengang ko at kahit hindi ko tignan ay alam kong si Kenji iyon.

Hindi ko na alam kung hanggang kailan kami nanatili sa ganoong posisyon, narinig ko na lang ang marahang pag-ubo ni Bruce, hindi ko tuloy maiwasang hindi mahiya dahil sa emosyon na nasaksihan nito.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Where stories live. Discover now