Secret

4.9K 196 18
                                    

Maligayang araw nang kalayaan! Ipaglaban ang karapatan maging malaya hehehe, pero seriously we should honor the people behind our freedom. Ano ba yan nagiging makata na ako hehehe, badtrip natalo Ginebra pero mamaya naman ay laban uli nila kaya sana manalo :)

Picture of Bruce Cuerva on the right=====>>>>>>

Song is Pasulyap Sulyap by Tootsie Guevara

===============================================================================

CHAPTER NINETEEN

Chase's POV

"Hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako." narinig kong sinabi ni Bruce, papunta na kasi kami sa una naming klase para sa araw na iyon.

"Saan ka naman naguguluhan?" tanong ko naman dito, I tried to focus lalo na't naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

"Handa na akong subukan kung anong meron sa atin, hindi na ako takot na sundin kung anong nararamdaman ko, pagod na akong labanan ang sarili ko na lumayo sayo dahil alam ko sa puso ko na ikaw at ikaw lang ang hahanapin nito."

Aminin ko takot pa din ako, dahil ngayon ko lang naramdaman ito at hindi ko alam kung paano kikilos ngayong kami na ni Dexter.

"Wait kami na nga ba ni Dexter?' bigla kong naisip, ni wala naman kasi kaming napag-usapan nito kung ano bang meron kami, kung magboyfriend na ba kami or mutual understanding lang.

Sa lalim nang pag-iisip kong iyon ay nagulat na lang ako nang muling magsalita si Bruce.

"Kay Dexter." sagot nito, bigla naman akong napatingin dito, naisip ko kasing baka may nasabi ako habang nag-iisip ako ng malalim.

"Anong meron kay Dexter? Wala kaya." wala sa sarili kong sagot dito, kita ko naman ang pagkunot ng noo nito ng dahil sa sinabi ko.

"Ok ka lang ba?" naguguluhan naman nitong tanong na hindi ko naman nasagot, mabuti na lang at nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Tinanong mo ako kanina kung saan ako naguguluhan, naguguluhan ako kay Dexter, kasi naman kahapon lang nagdrop out siya, pero ngayon hindi na pala." naiiling naman nitong sinabi.

Hearing Dexter's name brought a wide smile from my face, that I tried to hide, ngayon naging tapat na ako sa sarili ko ay hindi ko maiwasang hindi maitago ang saya na dulot ng pagdating sa buhay ko ni Dexter.

Hindi ko alam kung napansin ba ni Bruce ang naging reaksyon pero hindi na din ito umimik, kaya naman tahimik na kami nang makarating kami.

Pagkarating sa classroom ay awtomatiko namang dumako ang paningin ko sa lugar kung saan alam kong nakaupo ang taong labis kong pinapanabikan.

Agad naman nagtama ang aming mga paningin, bigla ang pagrigudon ng puso ko habang nakatitig sa maiitim nitong mga mata, pakiramdam ko nga ay biglang tumigil ang mundo sa pag-inog habang magkaniig ang aming mga mata.

"Tara na Chase." nagulat na lang ako ng maramdaman ko ang paghatak sa akin ni Bruce, agad ko siyang tinignan kung napansin niya ba ang sandali kong pakikipagtitigan kay Dexter pero mukhang wala naman itong napansin kaya naman sumunod na lang ako dito, sandali ko naman nakita ang paglipad ng tingin ni Dexter sa kamay ni Bruce na nakahawak sa akin na tila ba sinasabi nitong alisin ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Bruce na agad kong ginawa, mahirap na.

Kahit anong pilit ko sa sariling huwag tumingin sa direksyon ni Dexter ay hindi ko naman iyon magawa, namamalayan ko na lang na awtomatikong kumikilos ang ulo ko patungo sa direksyon ni Dexter, agad naman nagtama ang mga mata namin, muli ay nahulog ako sa mga mata nito, ilang minuto din siguro iyon bago ako magbalik sa wisyo, sandali akong tumingin sa paligid kung may nakapansin ba si pagtitinginan namin ni Dexter, ngunit mukhang wala naman, ngunit bigla ang pagbangon ng kaba sa dibdib ko nang makita ko ang kakaibang tingin sa akin ni Bruce, ngunit agad din naman itong tumingin sa harap.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Where stories live. Discover now