Doctor's Order

5.5K 207 5
                                    

Magandang madaling araw, finally rest day kaya naman makakapag update na uli nito sorry kung tuwing rest day lang ako nakakapag update, lam niyo isang dukha ang inyong lingkod hehe.

Picture of Chase Montevista on the right======>>>>>>>

Song is Pusong Ligaw by Jericho Rosales

===============================================================================

CHAPTER NINE

Chase's POV

Bigla akong natigilan ng maramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko, nagising kasi ako ng bigla akong makaramdam ng labis na pagkauhaw.

"Huwag ka munang kikilos." narinig ko sa bandang gilid ko at nang tignan ko kung sino iyon ay bumungad sa akin ang babaeng parang pamilyar sa akin.

Sandali din akong nag-isip ng maalala kong ito ang babaeng crew sa Mcdonald's bigla kong naalala ang nangyari kung bakit masakit ang buong katawan ko.

I was about to lie down ng may isang imahe ang pumasok sa isip ko, kaya naman agad akong napaigtad which awarded me a painful feeling in my chest.

"Sabi ko na kasing huwag ka munang gumalaw, hindi makakabuti sayo ang biglaang paggalaw mo." nag-aalala naman nitong sinabi.

"Puwede mo ba akong kuha ng tubig?" tanong ko dito sa namamalat na boses, agad naman itong sumunod at sinalinan ako ng tubig sabay abot sa akin non.

Agad kong nilagok ang tubig na binigay nito at agad pa akong humingi ng isa pang baso ng tubig na inisang lagok ko lang, kahit paano ay bahagyang gumaan ang nararamdaman ko, kaya naman nagpasalamat ako dito.

"Nasan siya?" seryoso kong tanong dito at sandalian ko din nakita ang pagtataka dito bago ito sumagot.

"Nakakulong na sila." sagot naman nito na ang tinutukoy ay ang tatlong lalaking muntik nang magsamantala dito.

"Hindi sila ang tinutukoy ko.......... I mean nasaan na si Dexter?" tanong ko dito, pinigilan kong huwag tumaas ang boses ko dahil naramdaman ko agad ang sakit sa dibdib ko.

"Sinong Dexter?" balik tanong nito sa akin, hindi ko alam kung nagkukunwari lang itong walang alam pero nakikita ko naman sa mukha nito na hindi ito nagsisinungaling.

"Iyong lalaking tumulong sa akin." paliwanag ko dito trying to maintain composure.

"Hindi ko talaga kilala iyong sinasabi mo, ang nangyari kasi noong nakatakas ako ay may nakita akong mga pulis kaya naman binalikan ka namin, tapos naabutan na lang namin na bugbog sarado ang tatlong lalaking iyon, akala ko nga hindi na sila mabubuhay pero nagpapagaling na sila, tapos ikaw walang malay at bugbog sarado din." paliwanag naman nito sa akin.

Matapos marinig ang sinabi nito ay agad akong napahawak sa noo ko. "Guni-guni ko lang ba ng makita ko si Dexter?" sa loob loob ko.

"May masakit ba sayo?" narinig kong tanong nito.

"Wala naman, pero kailangan ko nang umalis kasi hinahanap na ako ng....." ngunit bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay agad naman pumasok si Nanay at agad na lumapit sa akin.

"Ok ka na ba Chase?" nag-aalalang tanong nito sa akin.

"Opo, ok na po ako...... si  Kenji po pala bakit hindi ninyo kasama?" bigla kong tanong nang makita kong mag-isa lang ito.

"Alam mo naman na bawal ang bata sa ospital kaya naman pinakiusap ko na lang kay Bertha." tukoy nito sa kapitbahay namin.

Agad naman nagpaalam ang babaeng niligtas ko na nalaman kong Joanna pala ang pangalan, hinayaan kami nitong mapagsolo ng Nanay ko.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Where stories live. Discover now