Graduation Day

3.6K 135 25
                                    

Good morning guys! Just finished reading Something Like Forever the final book of Jay Bell, at sa totoo lang I felt so emotional after reading it, part of me regretted reading it because of the epilogue and at the same time, it showed me a little bit of realization, the what after the happily ever after, what's next which is till death do us part and after that, but still Something Like Summer is for me the best na nabasa ko when it comes inflicting different emotions sa kanyang manbabasa, kaya basahin niyo siya please..... para may makausap ako doon hehehe.

Picture of Dexter Soriano on the right =======>>>>>

Song is Hanggang Kailan by Michelle Ramirez

===============================================================================

CHAPTER THIRTY FOUR

Chase's POV

"Three months." hindi ko maiwasang hindi maisip, tatlong buwan na ang nakakalipas nang ipakidnap ako ni Dino para gamitin kay Dexter, a lot of things happened after that, I almost died because of a gunshot, at alam kong masyado kong napag-alala hindi lang si Dexter kung hindi pati ang pamilya ko, nalaman na din ni Nanang ang totoo sa amin ni Dexter at ok lang sa kanya na malaman na may relasyon kami ni Dexter, oh and I almost forgot naging yaman ko, sobrang yaman, pero sandali lang iyon dahil agad ko iyong binalik kay Dexter, after a month of hiding ay nahuli din ang mag-asawang Dino and Greta at naghihintay na lang sila sa hatol ng korte nalaman din kasi na sila ang naging dahilan ng pagkamatay hindi lang ng kapatid ni Dexter kung hindi pati na din ng mga magulang nito, aside from that ay naschedule na ang pagpapaopera ni Kenji sa sakit nito sa puso, naschedule itong lumipas sa US sa susunod na buwan sa tulong na din ni Dexter.

Tatlong buwan na ang nakakalipas at dapat maging masaya na ako, hindi ba? Pero hindi eh! Hindi ko tuloy maiwasang hindi maalala nang isang linggo na ang nakakalipas nang makalabas na ako sa ospital, gustuhin man ni Dexter na tumira ako sa isa sa mga bahay nito ay hindi ako pumayag at minabuti kong magpahinga na lang sa bahay.

I was resting nang sabihin sa akin ni Nanang na nasa labas daw si Dexter, awtomatiko naman gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang marinig iyon.

Kahit medyo kumikirot pa ang likod ko ay nagmamadali akong lumabas sa abot ng aking makakaya, at agad naman bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Dexter, it took me all self control that I have not to run to him and hug him so tight, ilang araw pa lang ang nakakalipas pero sobrang namiss ko na ito.

"Hi." I felt like kicking myself dahil parang naging masyado ata akong demure specially now na alam na din naman ni Nanang ang totoo, I can already express myself freely.

"Kamusta ka na?" nakangiti ito pero parang may nararamdaman akong kakaiba dito na hindi ko maipaliwanag.

"Ok na naman, puwede na nga akong pumasok bukas." sagot ko naman dito, hindi ko magawang ilayo ang tingin ko sa guwapo nitong mukha.

Hindi ko alam pero wala ni isa sa amin ang muling nagsalita matapos non, nanatili lang kaming nakatayo habang magkaniig ang aming mga mata.

"Papasukin mo na muna ang bisita mo!" narinig kong sinabi ni Nanang na siyang napagpabalik sa akin sa wisyo.

"Pasok tayo." aya ko dito, and I was about to go back nang mapansin kong hindi pa din ito kumikilos and when I looked back I saw so much sadness in his eyes na nakaramdaman ako ng sakit sa aking dibdib.

"Dexter......" tawag ko dito, not too sure kung ano bang gusto kong sabihin dito, but I know I should something.

"I'm leaving." mahina lang ang pagkakasabi non pero ramdam na ramdam ko ang kalungkutan sa boses nito.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Where stories live. Discover now