His Side of the Story

3.8K 160 10
                                    

Magandang umaga guys!!! Here in the office, at dahil avail naman kaya magdradraft sana matapos ko ngayon hehehe, to the rescue na naman si Bruce at kahit masakit siya pa din ang nagpayo kay Chase na kausapin si Dexter kahit masakit.......

By the way I decided to change the age of Daniel, Chase's brother para mas tumugma sa flow ng story.

Picture of Dexter Soriano on the right=========>>>>>>

Song is Hard To Say I'm Sorry by Westlife

===============================================================================

CHAPTER TWENTY SIX

Chase's POV

"Kaya mo to Chase." pagpapalakas ko ng loob habang nakatayo sa gate ng bahay nila Dexter, kanina pa siguro ako dito, pero dahil sa kabang nararamdaman ko ay hindi ko magawa-gawang pindutin ang doorbell.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko, bago ko tuluyang pindutin ang naturang doorbell, pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa kaba, habang hinihintay ang pagbubukas ng pinto.

Hindi naman nagtagal at agad linuwa ng pinto ang same na matandang lalaki na sumundo sa akin sa school noong araw na muntik na akong mabuko sa paglilihim ko.

"Master Dexter is waiting for you Master Chase." magalang naman na salubong nito sa akin, hindi na ako nagtaka na alam ni Dexter na nandito ako ngayon.

Tahimik lang ako habang nakasunod sa assistant ni Dexter, parang may humahalukay sa bituka ko ng mga oras na iyon, hindi ko alam kung ano bang dapat kong asahan, pero tama si Bruce, kailangan kong malaman ang side ni Chase kahit na nga ba ang mga magulang na nito ang nagsabi sa akin ng totoo.

Namalayan ko na lang na nakarating na pala kami sa isang kuwarto at kung hindi pa nagsalita ang naturang assistant ay hindi ko pa malalaman iyon.

"Pumasok na lang kayo Master Chase." hindi na nito hinintay ang sagot ko at agad na akong iniwan doon.

Mas tumindi ang kabog ng dibdib ko, dahil alam kong nasa kabilang bahagi lang ang taong pinakamamahal ko.

"Tuloy." parang nanayo ang balahibo sa katawan ko ng marinig ko ang boses na iyon ni Dexter nang kumatok ako.

Isa pang malalim na paghinga ang pinakawalan ko nang tuluyan ko na akong pumasok.

Natigilan ako nang makita kong nakaupo sa isang bakanteng silya si Dexter, pero mas natigilan ako ng makita ko ang walang emosyon na mga titig nito sa akin, parang nanunuot sa akin ang mga titig nito nang mga oras na iyon.

Sinubukan kong magsalita, ngunit parang may nakabara sa lalaluman ko. Hindi ko alam kung saan ba dapat magsimula, kung paano ito kokomprontahin sa mga bagay na nalaman ko.

"I believe you want to know the truth, kaya ka nga nandito." walang kaemosyon emosyon nitong sinabi sa akin.

"Totoo ba ang mga sinabi ng mga magulang mo?" namalayan ko na lang na lumabas iyon sa mga labi ko.

I was expecting for him to answer, ngunit nanatili lang itong nakamasid sa akin, kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"To....too ba... na kaya.... ka nakipaglapit... sa akin.... ay dahil kamukha ko lang ang kuya mo?" hindi ko mapigilan mautal habang sinasabi ko ang bagay na iyon, nasasaktan ako na makumpirma dito ang sinabi ng mga magulang nito, pero alam kong dapat kong madinig ang bagay na iyon mula rito, at parang may kung anong bagay na pumiga sa puso ko ng madinig ko ang sagot mula dito.

"Oo, totoong nakipaglapit ako sa iyo dahil kamukha mo si Kuya Daniel, imagined my shock ng makita ko ang kapatid ko na matagal nang patay, pero saka ko lang narealized na mali pala ako, at ibang tao ang nakita ko." paliwanag nito, at katulad kanina ay ni ko man lang nababasahan ng kahit na anong emosyon ang mukha at tinig nito.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Where stories live. Discover now