Pretend

9.5K 348 21
                                    

Good morning guys chapter two of My Rival My Love kilalanin pa nating maigi si Chase Montevista

Picture of Chase Montevista on the right======>>>>>>>

Song is Pretend by Secondhand Serenade

===============================================================================

CHAPTER TWO

Chase's POV

Tuesday second day ng klase namin para sa taong iyon, katulad ng dati ay maaga akong nagising para maghandang pumasok.

Naunahan ko pa si Nanay na magising kaya naman ako na mismo ang nagluto ng almusal namin, at sa mga ititinda nito.

"Magandang umaga Nay!" ang masiglang bati ko dito habang nagluluto na omelette na hilig ni Nanay sa almusal.

"Magandang umaga din Anak sana hinintay mo na lang ako magising para ako na ang maghanda ng almusal natin." ang sagot naman ni Nanay.

"Ok lang po Nay alam ko naman na napagod din kayo sa trabaho ninyo." ang nakangiti kong sinabi kay Nanay, kitang kita ko ang hapong itsura nito kahit na nga ba galing ito sa pagtulog, isa kasi siyang lady guard kaya naman ilang oras lang ang tulog nito maliban pa sa nagtitinda ito ng almusal sa harap ng bahay namin.

Actually hindi naman kami naghihikahos, nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw sa pag-aaral ko naman hindi ko na kailangan umasa dito dahil scholar ako sa pinapasukan ko at maliban pa don ay may monthly allowance akong nakukuha sa ng dahil sa scholarship na nakuha ko, pero kailangan namin ng pera dahil sa nakakabata kong kapatid na si Kenji, pinanganak kasi itong may butas sa puso kaya naman kailangan nitong uminom ng maintenance nito hanggang dumating na ito sa tamang edad para mag undergo ng operation at isa pa iyon sa pinoproblema namin saan kami kukuha ng malaking halaga kapag dumating na ang araw na iyon, pero agad kong tinanggal sa isip iyon dahil matagal pa naman iyon since seven years old pa lang naman si Kenji, malaki ang age gap namin kung si Kenji kasi ay pitong taon gulang pa lang ako naman ay nineteen years old na kaya nga pinagbubutihan ko talaga ang pag-aaral ko para kapag nakagraduate na ako at maganda ang mga grades ko ay siguradong sa magandang kumpanya ako makakapasok.

"Nga pala Nay, pandagdag sa panggastos natin." sabay dukot ng pera sa bulsa ko, kahapon kasi ay nakuha ko na ang allowance at hindi lang basta maliit na halaga ang binibigay nila sa akin kaya naman sapat na sapat iyon kahit magbigay pa ako dito, ngunit agad iyong tinanggihan nito.

"Naku naman Chase huwag na sapat pa naman ang pera natin, gamitin mo na lang yan sa pangangailangan mo, bakit hindi ka bumili ng bagong relo." ang nakangiti nitong sinabi sa akin.

"Nay hindi ko naman kailangan non, mas kailangan natin sa bahay ang perang nakukuha kaya na po sige na kunin ninyo na." ang pagpupumilit ko dito, wala na din itong nagawa kung hindi tanggapin ang binibigay ko.

Tinulungan ko na muna itong maglabas ng mga mesa sa tapat at matapos nga non ay nilabas ko na ang mga paninda nito bago ako bumalik sa kuwarto ko para naman kuhanin ang mga gagamitin ko sa paliligo naabutan ko pa si Kenji na kinukusot pa ang mga mata.

"Kuya?" ang tawag nito na sinabayan pa nang paghikab.

"Good morning sleepyhead bumangon ka na din dyan at makapag almusal ka na." ang nakangiti kong sinabi dito na ginulo pa ang magulo nitong buhok.

"Pasan." paglalambing nito sa akin na agad ko naman ginawa dati kasi si Tatay ang madalas magpasan dito pero ng mamatay si Tatay ay ako na ang tumayong Tatay para dito, mahal na mahal namin ang bunso naming ito na lahat gagawin ko para dito.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon