Ang Mahalaga

4.9K 204 22
                                    


Good morning guys, here in the office medyo napaaga ang pagpasok sa opisina kaya naman naisipan mag draft, as of now wala pa akong naisip na kasunod pero hopefully habang nagtatype ako ay may pumasok na idea hehehe, I'm really sorry kung halos isang buwan na mula sa huling update ko.

Picture of Chase Montevista on the right=========>>>>>>

Song isTuloy Pa Rin by Neocolours

===============================================================================

CHAPTER TWENTY TWO

Chase's POV

"Good morning." nakangiting salubong sa akin ni Bruce nang maabutan ako nitong naglalakad, sakay ito ng isang bagong bagong kotse, mukhang napansin naman nito na nakatingin ako sa kotse nito.

"Bigay ni Mom." maikling paliwanag nito, tahimik na lang akong sumakay sa passenger seat, at muli na nitong pinaandar ang kotse.

Hindi ko maiwasang hindi mapadako ang tingin ko sa puwesto nito, hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwala na in love ito sa akin, ganoon na ba talaga ako kadense na hindi ko napapansin ang mga malalapit na tao sa paligid ko.

"Bruce........" I tried to speak pero sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam ang gusto kong sabihin dito, mabuti na lang at agad ako nitong pinutol sa pagsasalita.

"Look Chase, I'll be lying kapag sinabi kong hindi na kita mahal, pero alam ko naman kung sinong laman ng puso mo eh. I value our friendship more than anything else, kaya if friendship is what you can only offer then ok na ako doon, and besides sino ba naman ang gugustuhin na makarelasyon ang conceited, mayabang at aroganteng katulad mo." pagbibiro nito na tinawanan ko lang, alam kong pinapagaan lang nito ang nararamdaman ko dahil kahit paano ay may guilt pa din akong nararamdaman.

"Just promise me one thing Chase." dinig ko ang kaseryosohan sa boses nito nang sinabi iyon.

"Anything." sagot ko naman dito.

"No more secrets, promise me na kahit na anong mangyari sasabihan mo ako ng kahit na ano." natigilan naman ako sa hinihiling nito sa akin.

Hindi ako nakaimik hanggang nakarating na kami sa parking lot sa school, ramdam ko ang matiim nitong tingin sa akin ng tuluyan na nitong ioff ang kotse nito.

"I know of all people, ikaw ang dapat makaalam sa sikreto ko." nilakasan ko na lang ang loob ko ng sinabi ko iyon, kita ko naman na nakuha ko na ang buong atensyon nito.

He didn't say a word, he just wait for me to continue at isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago ako nagpatuloy.

"Nagsinungaling ako. Nagsinungaling ako hindi lang sayo kung hindi lahat sa school." naibulalas ko dito.

Hindi ko alam kung paano bang magsimula, ang tagal ko kasing tinago ang isang bagay na hindi ko naman talaga intensyon na gawin sa simula pa lang, pero nangyaring pinanindigan ko na.

"Hindi totoong mayaman ako katulad nang inaakala ninyong lahat, mahirap lang ako at kaya lang ako nakapasok sa school na ito ay dahil scholar ako." nang maipagtapat ko dito ang totoo ay nakaramdam ako nang paggaan ng loob ko, pero kahit ganoon ay hindi pa din naalis sa akin ang kaba sa iniisip nito sa akin ngayon.

Mas lalo akong kinabahan nang hindi pa din ito magsalita.

"Alam kong galit ka, magsalita ka naman oh." frustrated kong sinabi dito, ngunit laking taka ko nang bigla na lang itong tumawa nang malakas.

"You know what? Matagal na akong nanghihinala na hindi ka talaga mayaman, kasi naman para sa isang taong mayabang na katulad mo hindi ka magmimintis na ipakita ang mga kotse mo kung mayaman ka talaga." paliwanag nito.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Where stories live. Discover now