Wait For Me

3.5K 138 15
                                    

Magandang umaga guys! Currently here in the office at patuloy sa pagdradraft for Chapter 29, nalalapit lapit na din ang pagtatapos ng story na ito and again I'm sorry kung inabot na ata ito ng halos dalawang taon, kaya nagpapasalamat ako sa mga patuloy na nagbabasa ng love story nila Chase at Dexter.

Picture of Chase Montevista on the right=========>>>>>>

Song is Bago Mahuli Ang Lahat by Never The Strangers

===============================================================================

CHAPTER TWENTY NINE

Dexter's POV

My heart is racing so fast, that I'm afraid the my heart will burst from my chest. napakagago ko para isipin na makakaya kong malayo kay Chase, oo sa simula ay naisip kong ginawa ko ang bagay na iyon para sa kaligtasan nito, pero masyado kong mahal si Chase na isipin ko pa lang na mawawala ito sa ay para ng ikakamatay ko.

I love him so much that I'm willing to let go of the hatred inside me, but it doesn't mean na hindi ko pa din hahanapan ng katarungan ang pagkamatay ni Kuya, ipapaubaya ko na lang ang lahat sa tamang paraan.

"Sana mapatawad mo ako." sa loob loob ko, hindi ko kasi maiwasang hindi matakot sa magiging epekto ng ginawa kong pananakit kay Chase, umaasa akong mas matindi ang pagmamahal niya sa akin na kaya niyang tanggapin ang paghingi ko ng tawad.

Halos thirty minutes lang ang inabot nang makarating ako sa lugar nila Chase, halos paliparin ko na ang kotse ko para lang makarating agad sa lugar na iyon, nakatulong na din na alanganing oras na din kaya naman hindi na mabigat ang trapiko.

Kinakabahan man ay agad akong bumaba ng kotse at dumiretso sa bahay ni Chase and I was about to knock nang may marealized ako.

Agad akong napatingin sa suot kong relo at nalaman ko na mag aalas dos na pala nang madaling araw, hindi ako sigurado kung gising pa si Chase pero siguradong ang Nanay nito at kapatid ay mahimbing na sa pagkakatulog kaya naman minabuti kong subukan tawagan muna ito.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko dahil ilang beses na akong tumatawag dito ngunit hindi ko ito macontact.

Nag-iisip ako kung uuwi na lang ba muna ko, pero nanaig sa akin ang kagustuhan na agad na makita at makausap si Chase kaya naman minabuti ko nang palipasin ang buong magdamag, minabuti kong ipark ang kotse ko sa malapit na fast food sa lugar na iyon, peor imbes na matulog ay kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko at muling tinignan ang larawan ng taong mahal ko.

Hindi ko namalayan na sa ganoon puwesto na ako nakatulog, nagising na lang ako sa alarm ng cellphone ko, at nang tignan ko ang oras ay nalaman kong alas siyete na pa lang ng umaga, sandali akong nag-inat inat at matapos nga noon ay bumaba ako ng kotse, inabutan ko pa ang security guard sa establishment na iyon, hindi ko na napansin kung magkano ang nabigay ko dito, hindi ko na lang din pinansin ang patuloy nitong pagpapasalamat.

Habang papalapit sa bahay ni Chase ay muli na naman nagrigodon ang tibok ng puso ko, pero hindi ko hinayaan matalo ng takot sa dibdib kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad.

I was about to knock ng bigla naman bumukas ang pinto, at ilang sandali lang ay bumungad sa akin ang Nanay ni Chase.

"Magandang umaga po, ako nga po pala si Dexter kaklase ni Chase, nandiyan po ba siya?" agad kong tanong dito nang mabasa ko ang pagtatanong sa mukha nito.

"Magandang umaga din hijo, pasok ka muna at gigisingin ko lang si Chase, anong oras na kasi nakauwi ang batang iyon at malamang tulog na tulog pa din." sagot naman nito, minuwestra nitong pumasok ako at matapos makaupo sa sofa sa sala at pumasok na ito sa kuwarto na nasa kanang bahagi ng bahay.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Where stories live. Discover now