His Safety

4K 162 15
                                    

Hi guys! Finally rest day kaya naman matutuloy ko na ulit ang pagdradraft. Ngayong pinakawalan na ni Dexter si Chase, susuko na ba si Chase at totoo bang hindi talaga mahal ni Dexter si Chase,  let's find out sa unang POV ni Dexter.

Picture of Dexter Soriano on the right=========>>>>>>

Song is Malaya by Mora Dele Torre

===============================================================================

CHAPTER TWENTY SEVEN

Dexter's POV

Tahimik lang ako habang sinusundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan kung saan nakasakay si Chase.

Gusto ko itong habulin, gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko dito, gusto kong sabihin dito na mahal na mahal ko siya, pero pinigilan ko ang sarili ko, hindi ko na namalayan na may nakapasok na pala sa kinaroonan ko, at kung hindi pa ito nagsalita ay hindi ko ito mapapansin.

"Why did you do that Master Chase?" narinig kong tanong sa likuran ko, isang malalim na paghinga ang ginawa ko ng tuluyan nang mawala sa paningin ko ang naturang kotse, minabuti ko naman harapin ang bagong dating.

"I have to." malungkot na malungkot kong sagot dito, I tried so hard to stay strong, kahit na nga ba mas nasasaktan ako habang nakikita ko ang sakit na dinulot nang mga sinabi ko kay Chase.

I felt so tired after my talked with Chase, kaya naman minabuti kong umupo na muna, I can still smell the scent of Chase sa inupuan nito, ngayon pa lang ay labis nang pangungulila ang nararamdaman ko knowing too well na kailangan ko siyang layuan."

All the things, that I told him are all true except one, totoong nangyari sa akin ang mga bagay na iyon, isang bagay lang ang hindi totoo, at iyon ay ang sinabi kong hindi ko siya mahal.

God knows how much I love Chase, isipin ko pa lang na hindi ko na siya makikita ay parang ikamamatay ko na, mas lalo akong nasasaktan dahil alam kong sinaktan ko ang taong pinakamamahal ko, ang taong nagturo sa akin kung paanong muling mabuhay.

Dati ang tanging gusto ko lang mangyari ay ang makapaghiganti, makapaghiganti kay Dino at kay Greta, I want to destroyed them dahil sa ginawa nila sa aming magkapatid, and everything was going according to plan pero nagbago iyon ng makilalala ko si Chase.

I learned to value my life, dahil wala akong pakialam sa buhay ko pero nagbago iyon nang dumating sa buhay ko si Chase.

I felt so tired, very tired.

"Inaalala niyo ba na may gawin masama ang mag-asawang iyon kay Chase?" narinig kong tanong ng assistant ko, nawala nga sa isip ko na naroon pa ito sa kuwartong ito.

"They already made their move again Justine, at alam kong hindi titigil sila Dino hanggang hindi sila nagtatagumpay." sagot ko naman dito.

Justine has been serving our family since I was a kid, hindi na din naging iba ang turing nito sa akin, lalo na nang mawala ang mga magulang ko. He helped me a lot since then until now.

Hindi ko maiwasang maalala ang nangyari nang tumakas ako sa mental institute na pinagkulungan sa akin nila Dino, at nang magising ako sa bahay ng mag-asawa ng nasakyan kong truck.

Sandali akong naguluhan nang magising ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin, agad ang pagsalakay ng takot sa dibdib ko nang maisip kong nabalik ako sa pinagtakasan ko, ngunit bahagyang napanatag ang loob ko nang mapansin kong nasa isang maliit akong kuwarto, gawa sa magkahalong kahoy at semento ang naturang kuwarto, may isang maliit na kama lang na kasya ang dalawang katao, at tanging isang five feet na aparador sa gilid, bukas din ang electric fan na nakatutok sa akin, hindi din nakaligtas sa akin ang suot ko ngayong tshirt na kulay blue at kulay puting short.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon