Mr. Perfect

22.1K 452 8
                                    

Good mornight guys finally ito na sisimulan ko na ang My Rival My Lover na sobrang tagal nang naka coming soon hahaha sisimulan ko nang tapusin ang mga coming soon na stories ko sana ay magustuhan ninyo :)

Picture of Chase Montevista on the right=====>>>>>>>

Song is Pinakamagandang Lalaki by Janno Gibbs

===============================================================================

CHAPTER ONE

Chase's POV

Hindi ko mapigilang hindi mangiti habang naririnig ko ang tilian ng mga girls sa akin kasabay ng mga humahanga nilang tingin sa akin, actually hindi lang babae ang nakikita kong sinusundan ako ng mga humahangang tingin pati na din ang mga kapwa ko lalaki, bakit ba hindi nila ako hahangaan ako lang naman si Chase Montevista ang pinakasikat sa campus, hindi lang dahil sa ako ang nangunguna kahit saang sport sa school, basketball, swimming, fencing at kung ano ano pang sports name it at kaya kong talunin ang kung sino man ang hahamon sa akin, aside from being active in sports, ako din ang kinoconsider na pinakamatalino sa batch namin kaya naman hindi kataka taka na lahat ay gusto akong kaibiganin.

I walked like I'm the king of the world, well pinaghirapan ko din kung saan ako naroon ngayon, I studied really hard and worked hard sa lahat ng bagay, gusto ko kasi ako lang ang pinakasikat ayoko ng kahati, mababaw man para sa iba ang ginagawa ko ay wala akong pakialam dahil ang mahalaga ay masaya ako sa ginagawa ko.

Mas lumapad ang ngiti ko ng makita ko ang babaeng nakapukaw ng atensyon ko unang araw ko pa lang sa school at iyon ay ang magandang si Zonia Summer, siya lang naman ang leader ng cheerleader ng team, at maliban pa doon ay ilang taon nang nagrereyna bilang campus sweetheart kaya naman agad akong nagkagusto sa dalaga, filam si Zonia na kita naman sa kulay green nitong mga mata, itim na itim ang mahabang buhok may kaliitan ang matangos nitong ilong at mapupula ang mga labi na hindi na kailangan gamitan ng lipstick, in short a total babe kaya naman agad akong nanligaw dito nang makilala ko na siya finally through some common friend at ngayon ngang fourth year na kami at ngayong graduating na kami ay pinangako ko sa sarili kong mapapasagot ko na ito.

"Good morning beautiful." ang masaya kong bati kay Zonia, kinindatan ko pa ang mga kasama nitong mga babae na parang hihimatayin sa ginawa ko.

"Good morning din Mr. Bolero." ang nakangiti naman nitong bati sa akin.

"Ang sakit naman ng tawag mo sa akin bakit hindi na lang aking mahal." ang sinabi ko dito na kunwari ay nasasaktan na tinawanan lang naman nito.

"Sira ka talaga, bakit hindi ka pa pumunta sa unang klase natin at baka malate ka." ang sinabi nito na pinagpatuloy na ang paglalakad mabuti na lang at marunong makaramdam ang dalawang kasama nito na sadyang naglakad sa likod namin para bigyan kami ng kahit paanong privacy.

"Well of course para hintayin kita at para ibigay sayo ito." ang seryoso kong sinabi dito sabay labas ng nabili kong rosas sa nag-aalok na tindera sa labas ng school namin.

"Maraming salamat." agad nitong tinanggap ang binigay at sandali nito iyong sinamyo.

"Mahigit four years na akong nangliligaw sayo, hindi mo pa din ba ako sasagutin?" tanong ko dito umaasa akong finally sabihin na nito ang pinakamimithi kong oo mula dito.

"Hindi ba sinabi ko naman sayo na wala akong balak magboyfriend hanggang nag-aaral pa ako Chase." ang napapailing nitong sinabi na sinubukan ibalik sa akin ang bulaklak na binigay ko dito ngunit agad ko iyong tinanggihan.

"Pero.... bakit naman?" naguguluhan kong tanong dito, dahil wala naman akong nakikitang mali sa akin.

"Well ayoko nang distraction gusto kong magfocus sa pag-aaral ko lalo na't graduating na tayo." paliwanag nito at finally hindi na nito tinangkang isoli sa akin ang rose na bigay ko dito.

"Don't think it that way Zonia, kung magkakaboyfriend ka ay magkakaroon ka ng inspiration kaya nga mas gaganahan ka sa pag-aaral, at tingin ko naman bagay na bagay tayo." ang sinabi ko dito at nang makita kong hindi pa ito kumbinsido ay pumagitna pa talaga ako. "Tingin ninyo ba bagay kami ni Zonia?!" sigaw ko sa lahat at tulad ng inaasahan ay puro oo ang mga naririnig kong sagot well maliban sa mga mangilan ngilang babae na humindi dahil sa kanila daw ako bagay.

"Nakakahiya ka talaga Chase." ang sinabi nito habang pulang pula ang magkabila nitong pisngi na pinagkibit balikat ko lang.

"Well that's what you call love my princess kaya naman sana ay bigyan mo ako ng chance na mahalin ka ng buong puso ko." ang nakangiti kong sinabi dito.

Imbes na sagutin ay bigla na lang itong tumakbo palayo, hinayaan ko na lang na makalayo ito, actually hindi ko nga mapigilang hindi mapangiti sa kinilos nito, at least hindi ito katulad ng ibang mga babae na madaling makuha, nachachallenge ako kay Zonia which gave excitement.

"Bakit ba pinipilit mo ang sarili mo kay Zonia Chase?" ang nagtatakang tanong sa akin ni Bruce na matalik kong kaibigan sa school.

"Zonia is the prettiest girl in campus and don't you think I deserve nothing but the best?" ang nakangiti kong sinabi dito habang nakatingin sa mga admirers ko na nagpapansin sa akin habang naglalakad kami papunta sa unang klase namin ng araw na iyon, actually magclassmate kami nina Bruce at ni Zonia.

Block section kami kaya naman kami ang madalas na magkasama ni Bruce alam nito ang mga bagay sa akin sa school pati na din ang dahilan kung bakit gusto kong mapasagot si Zonia.

Naabutan ko pa si Zonia na pulang pula pa din ang mukha, isang pilyong ngiti naman ang lumitaw sa mga labi ko habang nakatingin dito.

Ilang sandali lang ay dumating na ang prof namin kung saan agad itong nagpakilala, at inutusan kaming maglabas ng one fourth na index card kung saan namin nilagay ang ilang impormasyon sa amin, sandali akong napatingin sa labas ng building ng makaramdam ako ng parang may tumitingin sa akin, at sa ginawa kong iyon ay nagtama ang tingin namin ng isang lalaking ngayon ko lang nakita sa campus, sandaling nawala ang tingin ko dito ng maramdaman ko ang pagkalabit sa akin ng isa ko pang classmate na inaabot sa akin ang index card nito at nang ibalik ko ang tingin kosa naturang lalaki ay wala na ito sa kinatatayuan nito kanina lang.

Nagkibit balikat na lang ako dahil baka naman hindi estudyante iyon dahil hindi naman ito nakasuot ng uniform.

Lumipas ang unang araw nang sobrang bilis kaya naman agad akong umuwi ng bahay para masimulan ang pag-rereview ko kailangan ko kasing imaintain ang kung anong meron ako ngayon, ilang taon kong pinaghirapan kung saan man ako naroon ngayon.

"I will not let anyone steal what I have." sa loob loob ko habang nag-aaral ng mga subjects na hindi pa naman namin pinag-aaralan.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Where stories live. Discover now