Threaten

7.5K 299 10
                                    

Good evening guys chapter three of My Rival My Love meet Dexter Soriano paanong guguluhin ni Dexter Soriano ang perpektong college life ni Chase Montevista

Picture of Dexter Soriano on the right======>>>>>>>

Song is I Hate Sorry by Jason Chen

===============================================================================

CHAPTER THREE

Chase's POV

One week na din ang nakakalipas since magstart ang klase, at sa nakalipas na mga araw ay wala pa din namang pinagbabago ang status ko bilang pinakasikat at pinakahahangaang estudyante sa Xavier's University, well isang pagbabago lang naman ang gusto kong mangyari at iyon ay ang mapasagot ko na si Zonia, I mean come on simula pa lang first year kami ay niligawan ko na siya pero hanggang ngayon ay wala pa ding nangyayari minsan nga naiisip ko na lang na manligaw nang iba pero agad din naman iyong nawawala dahil alam kong si Zonia lang ang nababagay sa akin and for sure mas kakainggitan ako ng mga kalalakihan kung sakaling maging kami.

Katulad ng dati ay maaga akong gumising at nag-ayos papasok ng school, tinulungan ko na muna si Nanay sa mga paninda nito at matapos magpaalam at halikan si bunso ay agad na akong sumakay sa usual na sinasakyan ko.

Hindi ko alam kung mangingiti ako o maiiling ba ng makita ko ang nagkukumpulan kong mga schoolmates, kasi naman sa ginawa ba naman na araw araw kailangan nilang maghintay sa pagdating ko, at ni hindi sila nagmimintis para salubungin ako, naglalakad lang ako dahil hindi daw makakapasok si Bruce kasi may trinangkaso daw ito kaya naman ito wala akong rides ngayon which is ok lang naman dahil wala naman naghihinala sa totong status ng buhay ko.

Sa totoo lang nag-eexpect ako ng tilian from the girls ng tuluyan na akong nakalapit ngunit nakapasok na ako't lahat ngunit parang hindi man lang nila napansin na nandoon ako na labis kong pinagtataka, nanatili lang sila nagkukumpulan na para bang may importante silang pinag-uusapan, pinagkibit balikat ko na lang iyon dahil baka may mga kailangan lang silang gawin or baka naman sinasadya talaga nilang huwag akong pansinin dahil may niluluto silang pakulo para sa akin and with that in mind ay nagpatuloy lang ako sa locker ko para kuhanin ang ilang mga gamit ko.

"Good morning Chase." ang nakangiting bati sa akin ng isang schoolmate ko na hindi ko matandaan ang pangalan.

"Good morning din." I said showing my perfect set of white teeth, ngunit kung dati nararattle sila kapag ginamit ko na ang killer smile ko ay parang hindi na siya gaanong kaeffective, dahil sandali lang ito natulala ang bumalik na din ito sa pakikipag-usap nito sa kasama.

"Going back to our topic, iyon nga sobrang guwapo talaga ng bagong lipat no?" ang kinikilig pa nitong sinabi sa kasama.

"So may bago pala kaming schoolmate." sa loob loob ko habang nagpapatuloy sa paglalakad papasok sa unang klase ko for that day, well medyo nacucurious ako kung sino ba iyong tao na iyon pero hindi na din ako nag-abala dahil alam kong kapag nakita nila how stupid that guy is at kung guwapo man siya ay pagsasawaan din siya ng mga tao sa campus.

Pagkapasok sa unang klase ay agad kong namataan si Zonia na tahimik na nakikipag-usap sa kaibigan nito at katulad ng dati ay agad akong lumapit dito.

"Good morning Zonia." nakangiti kong bati dito sabay aboy ng bulaklak na binili ko.

"Good morning din Chase, hanggang kailan ka ba magbibigay ng bulaklak sa akin, alam mo naman na wala pa talaga akong balak mag boyfriend." ang naiiling na sinabi nito matapos abutin ang bulaklak na binigay ko dito.

"For you Zonia hinding hindi ako magsasawa hanggang makita mong sincere talaga ako." ang simpatiko kong sinabi dito.

Agad akong umupo sa puwesto ko na hindi naman kalayuan sa inuupuan ni Zonia kaya dinig na dinig ko ang pag-uusap ng dalawa.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu