In Love With My Best friend

5.4K 210 48
                                    

Good afternoon guys!!! Currently here in the office at dahil wala naman masyadong calls kaya naman pinipilit kong mag draft, let's see Bruce's POV :)

Picture of Bruce Cuerva on the right=========>>>>>>

Song is Hanggang Kailan by Michael Pangilinan

===============================================================================

"Pagod na Ko"Pagod na akong umasaPagod na akong umasa na baka maaring maging tayo, na maaring kahit konti lang ay naiisip mo ako, na kahit sandali lang ay maisip mo na baka ako naman talaga ang hinahanap mo.Please naman ako naman, ako naman ang tignan mo, ang sakit na kasi kapag nakikita kong sa iba ka nakatingin.Nakakatawa nga eh, nasasaktan ako at nagmamahal sa isang taong alam ko naman na kahit kailan ay hindi magiging akin, pero ito pa din ako tanga at martir na lihim na nagmamahal sayo.Mahal kita pero hindi mo alam.Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na ok lang ako bilang best friend mo kahit ang totoo ay higit pa doon ang gusto ko.Pero takot ako, takot akong kapag nalaman mo ang totoo ay tuluyan kang lumayo sa akin.Kaya naman kahit mahirap ay itatago ko na lang ang nararamdaman ko.Oo mahirap, pero kakayanin ko huwag ka lang mawala sa akin.Sana naman dumating na ang panahon na sa wakas ay masabi kong pagod na ako tama naSana........Sana........

CHAPTER TWENTY ONE

Bruce's POV

Basta na lang ako napaupo sa sahig, hindi ko alam kung dahil sa alak na nainom ko o dahil sa pagkapagod. Pagod na akong magpanggap na walang problema, na hindi ako nasasaktan.

Finally nasabi ko na din ang matagal ko nang tinago sa dibdib ko.

"I'm in love with my bestfriend."

Akala ko kaya kong itago ang katotohanan na iyon sa habang panahon, ok na kasi akong maging best friend, iyong taong malalapitan nito sa kahit na anong oras, iyong taong hindi siya iiwan kahit kailan, pero hirap na kasi ako.

Muli kong naalala ang nakita ko sa pagitan ni Bruce at ni Dexter, ang bagay na nagdulot sa akin ng sobrang sakit sa puso.

"Chase! Wait I need to tell you something!" tawag ko kay Chase nang makita ko itong palabas na ng classroom, ang loko hindi man lang ako hinintay kasi, well ganito naman talaga siguro lagi, ako na lang lagi ang naghahabol.

Ni hindi man lang ako nito nilingon, at basta na lang lumabas, agad ko naman inayos ang mga gamit ko at dali dali ditong sumunod.

Hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga napapansin kong pagtitinginan nito at ni Dexter, ayoko man aminin pero nasasaktan ako, pero agad ko iyong binura sa isip ko.

"Ano ba naman Bruce, straight kaya si Chase." sa loob loob ko, but it doesn't make me any less misserable dahil sa katotohanang iyon ay hindi ko masasabi dito ang totong nararamdaman ko.

I'm in love with my best friend, noong una akala ko ay paghanga lang ang nararamdaman ko, dahil sino ba naman ang hindi hahanga kay Chase.

Mabait, matalino at magaling sa kahit na anong bagay, kaya tuwang tuwa ako dahil ako ang naging best friend nito, noong una akala ko iyon lang talaga pero nang ligawan na nito si Zonia ay doon ko napagtanto ang totoo, na hindi na lang pagtingin kaibigan ang nararamdaman ko dito, kung hindi mas malalim pa doon.

I tried to hide my feelings towards my bestfriend dahil alam ko naman walang patutunguhan ang nararamdam ko para dito, pero masakit din pala dahil minsan nahihiling ko na sana ako na lang si Zonia, hindi dahil sa gusto kong maging babae dahil never kong naisip maging babae, naisip ko iyon dahil para ako naman ang pansinin ni Chase.

Eversince alam kong may kakaiba na sa akin, never akong naattrack sa babae pero noon naman hindi din ako naattract sa lalaki, kay Chase lang.

"Saan kaya nagpunta iyon?" sa loob loob ko sa lalim kasi nang pag-iisip ko ay hindi ko na nasundan kung saan nagpunta si Chase.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Where stories live. Discover now