My House

4.3K 199 10
                                    

Good afternoon guys! Chapter 16 of My Rival, My Lover, sino nga ba ang matandang lalaking nagpakita kay Chase sa school nila at anong mangyayari ngayong pinaghihinalaan na siya ng school?

Picture of Chase Montevista on the right=====>>>>>>

Song is Everything I Do (I Do It For You)

===============================================================================

CHAPTER SEVENTEEN

Chase's POV

Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong nangyayari, one minute nalaman ko na lang na nagdrop out na pala si Dexter, tapos nalaman kong ito pala ang nagligtas sa kapatid ko, and then malalaman kong alam na ng buong school ang ginawa kong pagsisinungaling, at ngayon naman ay sakay ako sa isang magarang sasakyan.

Hindi ko naman mapigilan maalala ang nangyari kanina lang sa school.

"Nakahanda na po ang kotse Master Chase." narinig ko at nang tignan ko kung sino iyon ay bumungad sa akin ang isang matandang lalaki na marahil ay nasa fourty plus na ang edad, nakasuot ito nang azul na polo at itim na pantalon.

"A....ano na naman pagpapanggap ito Chase?" narinig kong tanong ni Anthony, kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha nito habang pinaglilipat ang tingin sa akin at sa bagong dating na lalaki na tumawag sa akin Master Chase.

"Nakahanda na po ang sasakyan Master Chase." narinig kong muli itong nagsalita, hindi ko alam kung sino ito o bakit nito iyon ginagawa.

"I see what's going on here, tingin mo ba sasakay uli ang lahat sa ginagawa mong pangloloko." nakangisi nang sinabi ni Anthony, at san mo naman napulot ang mamang ito para magpanggap na..........." ngunit bago pa man nito mahawakan ang matandang lalaki ay napaaray na ito sa sakit nang mahawakan ito sa kamay at halos mabali ang kamay nito na nasa likod ngayon ni Anthony.

"Get off me!" galit na galit at halos mangiyak sa sakit na sinabi ni Anthony.

"Let go of him." utos ko naman dito na agad naman sumunod sa pagkagulat ko.

"It seems that your friend here is quite suspicious Master, might I suggest to let him come along so he can confirm whatever he wants to know."sinabi naman nito matapos bumalik sa diretso nitong pagkakatayo.

Tumango na lang ako sa sinabi nito at gaya nang napag-usapan nakasunod ang sasakyan ni Anthony sa sasakyan na dala ng bagong dating na matandang lalaki, maski ako ay namangha nang makita ko ang Rolls Royce na naghihintay sa parking lot ng school, maliban kay Anthony ay kasama din sila Bruce at Zonia at ilan pang mga schoolmate namin na gustong makiusyoso.

"Malapit na po tayo Master Chase." nagising na lang ako sa malalim kong pag-iisip ng marinig ko ang bagay na iyon.

"Puwede po bang huwag niyo na akong tawaging Master?" pakiusap ko dito.

"I'm sorry Master Chase, pero mahigpit na utos sa akin ang pagtawag sa inyo ng master." magalang naman nitong sagot, wala na akong nagawa at hinayaan na lang ito sa inutos sa kanya.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay kuno namin, at hindi ko mapigilan mamangha sa laki ng bahay na iyon, agad naman bumukas ang mataas na gate at inabot din kami ng ten minutes bago makarating kami sa harap ng malaking bahay.

Hindi na ako nakapagreact ng pagbuksan ako nito ng pinto, agad naman ako bumaba doon at sakto naman na bumaba sa kani-kaniyang sasakyan ang mga sumama, kitang kita ko ang pagkamangha sa gara at laki ng bahay na ito.

"Brad ang ganda ng bahay ninyo." hindi makapaniwalang sinabi ni Bruce sa akin, hindi ko nga namalayan na nakalapit na pala ito.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng naturang bahay at sumalubong sa amin ang nakapilang mga tauhan sa bahay na iyon.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon