Rumor

4.3K 207 23
                                    

Kaway kaway sa mga matiyagang naghintay ng update ng story na ito, I'm sorry kung hindi ko natupad ang pangako ko na, tatapusin ang story na at saka ko iaupdate, parang kailangan ko kasi ng breather sa pagsusulat ng BXB kaya ayun, pero pipilitin kong at least three times a week makapag update.

Picture of Dexter Soriano on the right=====>>>>>>

Song is I Hate You I Love You by Gnash ft Olivia O'brien

===============================================================================

CHAPTER SIXTEEN

Chase's POV

"Good morning." walang kabuhay-buhay kong bati sa mga bumabati sa akin, habang naglalakad ako papunta sa unang klase namin.

Hindi ko maiwasang hindi humikab dahil sa antok na nararamdaman ko, hindi kasi ako agad nakatulog kagabi, muling naglalaro sa isipan ko ang huling pag-uusap namin ni Dexter, at muli ay naramdaman ko na naman ang sakit at panghihinayang sa pinakiusap ko dito, sa totoo lang hindi ko nga alam kung tutuparin ba niya ang hiniling ko sa kanya lalo na't hindi naman nito kinumpirma na gagawin nito ang paglayo sa akin.

"Hey Chase!" nadinig kong tawag sa akin, at kahit hindi ko tignan kung sino iyon ay alam kong si Bruce iyon.

"Morning." bati ko dito na sinundan ko nang mahabang hikab. 

"I badly needed a cup of coffee." sa loob loob ko na siya mismong sinabi ni Bruce.

Dahil maaga pa naman ay naisipan naming, dumaa sa cafeteria, agad naman akong umorder nang black coffee sa counter at ilang sandali lang ay papunta na kami sa una naming klase.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagkukumpula nang mga ilang estudyante, at mukhang focus sila sa mga pinag-uusapan nila, hindi ko na lang pinansin iyon, hanggang sa makarating kami sa classroom, kung saan ko nalaman ang pinag-uusapan ng mga estudyante sa school.

Napansin ko na lang ang patuloy na pag-iyak ni Zonia.

"Anong problema niyan?" tanong ko sa katabi ko nang makaupo na kami sa usual na puwesto namin.

"Hindi mo pa ba narinig ang balita?" hindi naman makapaniwalang tanong nito sa akin, tumingin ako kay Bruce trying to check kung alam din nito ang tungkol doon, ngunit nagkibit balikat lang ito.

"Ano ba iyon?" walang kainteres-interes kong tanong dito.

"Nagdrop out na si Dexter." parang bomba naman na sumabog sa pandinig ko ang bagay na iyon.

"A.....nong sinabi mo?" hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nito, naisip ko na lang na baka nagkamali lang ako ng pagkakarinig.

"Nagdrop out na si Dexter, may pinapunta lang na tao dito para maiasyos ang........." ngunit hindi ko na iyon natapos pakinggan.

"Saan ka pupunta Chase?! Magsisimula na ang klase!" narinig ko pang sigaw ni Bruce, pero hindi ko na iyon masyadong naintindihan dahil ang buong atensyon ko ay nasa nalaman ko.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo, hindi ko na pinansin ang mga bumabati sa akin, may isang destinasyon ako sa isip, at hihingal pa ako nang makarating ako sa registrar office.

"Anong maipaglilingkod ko sayo Chase?" tanong naman ni Kimberly na siyang student assistant sa office na iyon.

"Totoo ba? Totoo bang nagdrop out na si Dexter?" tanong ko dito, pilit ko pa din hinahabol ang paghinga ko.

"Oo, totoo iyon, nandito ako ng may dumating na abogado si Dexter, ayon sa kanya ay gusto nang umalis sa school na to ang kliyente niya." parang nanghina naman ako ng makumpirma ko ang totoo.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Where stories live. Discover now