WAKAS

526 15 2
                                    

(A/N This is it pansit! 😂 Last na ito  😔 Salamat sa pagbabasa. Thank you. Thank you. ❤)
-----------------------------------------------------

After 15 years...

"O mag-bless na kayo kay Lolo Daniel niyo." sabi ni Mikael sa dalawang anak niya na sina Dane na 7 years old pa lang at ang bunso na si Macy na 5 years old pa lang. Lumapit sa akin ang dalawa.

"Happy Valentines Lolo!" sabay na tugon nang dalawa at hinalikan pa ako sa pisngi. Kahit hindi ko sila totoong apo, pero dapat Tito lang talaga ako pero wala eh matanda na daw kasi ako sabi ng panganay ni Mikael kaya dapat Lolo daw.

"Happy Valentines mga apo. Oo nga pala, Kael asan asawa mo?" tanong ko kay Mikael. Napakamot naman siya sa noo.

"Ayun kuya nagtampo sa akin kasi valentines na valentines wala daw akong regalo sakanya pero meron talaga. Pagkatapos ka naming ihatid papunta kay Ate Rose, may surprise kami sakanya." napangiti ako. Hindi na kami nagtagal sa bahay ko at sumakay na ako sa wheelchair ko, inalalayan ako ng private nurse. Masyado nang mahina ang tuhod ko, di ko na kayang makatayo ng matagal at di ko na kaya maglakad dahil mabilis na akong mapagod, dala na rin siguro ng katandaan.

Dumaan muna kami sa isang flower shop. Nagpabili ako ng bulaklak para kay Rose.

Nakatulog ako sa kotse at buti ginising ako ng dalawang makulit na ito.

"Lolo ready ka na po ba makita si Tita Rose?" tanong ni Macy habang kumakain ng lollipop. Kahit di nila nakita o nakasama si Rose, ipinakilala namin lahat ng detalye tungkol sakanya, masaya ako kasi kahit man lang sa ganung bagay makilala nila ang Tita nila.

Inalalayan ako ni Mikael papunta sa puntod ni Rose.

"Kuya pupunta lang kami sa malapit na 7/11 diyan, kanina pa ako kinukulit ng dalawang ito. At saka para magkaroon kayo ng time na mag-usap ni Ate Rose." sabi niya. Napatango naman ako at binitbit niya na sina Macy at Dane, kumaway sa akin si Dane at nag-flying kiss pa si Macy.

Ngayon ay kami na lang dalawa ni Rose. Hinaplos-haplos ko yung puntod niya.

"Hi misis ko. Nakakatuwa sina Macy at Dane ano, sayang di tayo nagkaanak." sabi ko.

"Rose, kumusta ka na diyan? Miss na kita. Nga pala Happy Valentines Mon Amour." sabi ko sabay patong ng bouquet na flower na ibinili namin kanina.

"Dahil Valentines ngayon, kakantahan kita. Miss mo na ba ang panghaharana ko sayo?" sabi ko sabay ngisi. Nagsimula na akong kumanta.

"Kung tayo ay matanda na,
Sana'y di tayo magbago
Kailanman, Nasaan ma'y ito ang pangarap ko.
Makuha mo pa kaya, ako'y hagkan at yakapin
Oh oh oh
Hanggang sa pagtanda natin
Magtatanong lang sayo ako pa kaya'y ibigin mo....Kahit Maputi na ang Buhok ko."

"Nagustuhan mo ba?" napapikit ako at naisip ko yung mukha niyang nakangiti.

"Love, I really wanna grow old with you pero daya mo, hindi ka na nakapaghintay. Iniwan mo kaagad ako."

Madami tayong pinagdaanan, Rose. May mga hindi magandang nangyari sa atin, isa na diyan nung nabuhay tayo dati sa panahon na tayo pa sina Rosalinda at Diego.

Dun palang makikita na lumaban talaga tayong dalawa, hindi tayo nagpatalo sa mga humahadlang sa pag-iibigan natin. Pero syempre di talaga natin maiwasan na subukin ang relasyon natin. Pero kaya tayo nabuhay ulit kasi para ipagpatuloy ang relasyon natin na naudlot noon.

Pero di rin masyadong maganda ang nangyari, nag-away tayo at akala natin wala na talaga. Hindi na pwede. Pero sinusubukan lang pala tayo ng tadhana, sinusubukan lang niya tayo kung gaano tayo kalakas, kung karapatdapat ba na maging tayo ulit.

Hindi ko akalain na magiging tayo pa rin sa dulo. Kaya tuwang-tuwa ako noon at ipinangako ko sa sarili ko na hindi na kita iiwan, hindi na kita sasaktan, hinding-hindi na.

Ikaw ang buhay ko, ikaw lang at wala nang iba. Masaya ako kapag masaya ka. Malungkot ako pag malungkot ka. Tila magkadugtong na talaga ang buhay natin.

Kaya labis akong nasaktan nung nawala ka, sabi ko sa sarili ko Kaya ko pa bang mabuhay kung wala na ang taong mahal ko na kumukumpleto sa buhay ko?

Dahil sayo kaya nagkakulay ang mundo ko, ang buhay ko. Pero minsan napanaginipan kita.

"Mon Amour, kaya mo yan! Go lang!"

Yan yung mga katagang sinabi mo sa akin sa panaginip, oo panaginip lang yun pero alam kong gumawa ka ng paraan para ipagpatuloy ang buhay ko.

Naging succesful ako. Mas napalago ko pa ang kumpanya. Lahat ng mga investors nakuha ko. Dahil dun naging sikat ang ASC sa buong mundo at hindi lang sa Asia.

Naging inspirasyon kita my love. Ikaw lang nagpapalakas ng loob ko. Kahit wala ka na, ramdam ko pa rin ang pagmamahal mo.

Ilang beses ko na sinabi sayo ito, ilang beses ko na ipinaramdam sayo na mahal na mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita. Hindi ako magsasawang sabihin sayo yun.

Hindi ako nag-asawa kahit sinabi nina Daddy kasi sabi ko kinasal tayo. Sayo lang ako, ikaw lang talaga. Ayokong mag-asawa kasi may asawa na ako at ikaw yun. Syempre naman baka magselos ka.

Sayang di na natin natupad ang ibang mga pangarap natin. Tulad ng magta-travel tayo sa buong mundo na magkasama kasi sabi mo Relationship goals yun. Pero okay lang yun. Tanggap ko naman.

Ipinikit ko muli ang mga mata ko at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin at ang katahimikan sa buong paligid.

Nararamdaman ko na niyapos niya ako. Kaya bigla akong naiyak. Pagkamulat ko, hindi nga ako nagkakamali siya nga yun.

Nakita ko siya sa tapat ko, ganun pa rin yung ganda niya. Daya naman niya ako tumanda, kulubot na mga balat tapos puti na ang buhok pero siya ganun pa rin, ang ganda pa rin niya. Hindi pa rin kumukupas.

Namiss ko siya, miss ko yung ngiti niya. Pansin ko na suot niya yung wedding dress. Mas lalo akong napangiti nung todo ngiti siya. Tapos inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Handa na akong sumama sayo, aking mahal. Handa na akong sumama sayo, sa isang mundo na walang problema, walang humahadlang sa atin at ipagpapatuloy na rin natin sa wakas ang pag-iibigan nating naudlot.

"Kay tagal kitang hinintay..."

-WAKAS-

Reunited Worlds (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora