Kabanata 21

409 13 0
                                    

"Ate gumising ka na diyan, andiyan na yung prince charming mo!" sabi ni Mikael. Sabado nga pala ngayon kaya wala siyang pasok.

S-Sinong prince charming? Tapos sumilip ako sa bintana at napakusot ako ng mata nang makita ko si Sir na naghihintay ngayon habang nakasandal sa kotse niya.

Ang hot niya sa outfit niya, naka-sando lang siya with matching boarding shorts. Tapos tumingin siya dito sa taas kung saan ako sumisilip ngayon. Tapos tinanggal niya yung shades niya sabay ngiti sa akin.

Omo napatago na lang ako sa may kurtina. Ayaw kong makita niya na kinikilig ako sakanya.

"Bakit andito na kaagad siya? Wala pa ba si Lorna?" tanong ko kay Mikael.

"Ayun na nga Ate, dahil maaga kang nakatulog kagabi, pumunta dito si Ate Lorna tapos sabi niya di daw siya makakasama kasi inaalagaan niya ang Mama niya, may trangkaso daw. Kahapon daw sasabihin sana niya na wag mo na siyang hintayin kaso maaga ka daw umuwi." sabi ni Mikael.

"A-Ano?!" paano yan so kaming dalawa lang ang nasa loob ng kotse. Myghad medyo malayo pa naman ang Batangas.

"A-Ate wait papasukin ko lang siya. Inutusan ako ni Nanay ei." sabi ni Mikael.

Pipigilan ko sana siya pero naisip ko rin na mainit sa labas so sumunod na ako sakanya at binuksan ni Mikael yung gate.

"Hi po." sabi niya kay Sir Daniel.

"Hello, di mo naman sinabi Rose na may kapatid kang lalaki." sabi ni Sir Daniel. Tapos nag-bro fist sila. Wow ah mukhang magkakasundo pa ang dalawang ito.

Di ko namalayan na nakapasok na pa sila.

"Hijo, gusto mo bang kumain muna ng almusal?" tanong ni Nanay.

"Hindi na po, Mrs. Garcia." sagot ni Sir Daniel.

"Tita Nancy na lang hijo, nga pala salamat sa oportunidad na ibinigay mo sa aking anak. Malaking tulong kasi yun, kasi jeepney driver lang naman ang aking asawa at ako naman may maliit na flower shop, diyan lang sa may kanto." kwento ni Nanay.

"Naku, walang anuman po." sabi ni Sir Daniel.

Bigla namang napatingin sa akin si Sir. Kaya natauhan ako na kanina pa pala ako nakatulala sa kanila.

Omg oo nga pala, bakit di pa ako naliligo? Literal na morning look ngayon ang itsura ko, gusot-gusot ang buhok ko tapos di pa ako nakaka-toothbrush.

Kaya dali-dali akong pumunta sa banyo.

"Ingat kayo Anak." sabi ni Nanay.

"Don't worry po Tita Nancy, ako pong bahala sa anak niyo." sabi ni Sir Daniel. How sweet naman ni Sir. Napatingin naman ako kay Mikael tapos may parang gusto siyang ipabatid sa akin smirk pa -,-

"Salamat hijo. At ikaw Rose mag-behave ka dun ah!" sabi ni Nanay. Nay parang bata lang?!

"O-Opo, Nay." sabi ko. Agad naman binuksan ni Sir yung pinto nung kotse niya.

Ibig sabihin tabi kami?!

"Rose sakay na." natauhan na lang ako kasi kanina pa nakabukas yung pinto. Kaya sumakay na ako.

"Thank You po ulit Tita Nancy." paalam ni Sir Daniel. Sir ikaw ah, nakikipagclose muna kay Nanay charot. Tapos sumakay na siya at pinaandar ang kotse.

"Bakit po w-wala si Mang Tonyo?" tanong ko.

"Isinugod kasi sa hospital kanina lang yung anak niya so nagpaalam siya sa akin and yun syempre pinayagan ko naman." explain ni Sir.

Malayo pa ba? Hays ang awkward. Si Sir nakafocus lang sa daan samantala ako pawis na pawis na dito, kahit may aircon pa -,-

Reunited Worlds (Completed)Where stories live. Discover now